Palibhasa kasi ay mayaman sya.

"Basta sa susunod na buwan na lang, Sir."

"Then, buy a cellphone." sabi nya na ayaw talaga paawat. Bakit ba gustong gusto nyang gastusin ko ang pera? "Wala kang phone, right? Bumili ka ng cellphone. Mas mura iyon kaysa sa laptop."

Napaisip ako. Oo nga. Mas kailangan ko iyon dahil ilang beses na akong napahamak nang dahil wala akong cellphone. Kung minsan kasi ay nakaka-cancel ang mga meeting namin sa klase kapag may requirements kami at hindi ko iyon nalalaman kaya nasasayang ang effort ko na pumunta ng school. Kailangan ko pa talagang mag computer shop para malaman na cancelled pala ang meeting.

Sayang effort. Wala naman pala akong mapapala.

"Sige, Sir. Bibili ako noon. 'Yung tig-one thousand lang."

Kumunot ang noo nya. "Anong mabibili mo sa isang libo?"

"Cellphone, Sir! Yung de-keypad. Maraming nagbebenta noon sa mga muslim."

Bumuntong hininga sya at napahilamos ng mukha na parang nawawalan na ng pasensya. Imbes na matakot ay pinigilan ko pa ang mapangiti. Paano ba naman kasi, kahit nafu-frustrate na sya ay ang cute-cute pa din nya!

Gwapo sya, hot tapos ay cute pa. Wala na talaga!

"Maria, you have a fucking one hundred thousand pesos. But you willl buy a goddamn phone worth one thousand?"

"Hala, Sir! Hindi pina-fuck ang isang daang libong piso!" gulat kong sabi. Ganoon na ba talaga sya ka-asshole at pati ang pera ay papatulan nya? Hala... Delikado ang pera ko.

Umangil sya. Mukhang nawalan na talaga sya ng pasenya sa akin. Yumuko ako at nagbaba ng tingin.

Galit na ang matanda. Kailangan nang magpakabait ng bata.

"Just buy a damn phone! Sasamahan pa kita para alam kong hindi mo sasayangin ang pera mo sa basurang cellphone lang!"

"Okay na sa akin kahit de-keypad lang. Basta nakaka-text at nakakatawag."

"Really?" natatawa nyang tanong pero may inis pa din. Ang cute-cute dahil halos mag isang linya na ang mga kilay nya.

Parang ang sarap ahitin? Ano kayang itsura ni Sir kapag walang kilay? Gwapo pa rin kaya sya?

"Bumili ka ng cellphone na matino. Kakailanganin mo iyon sa trabaho. Look for a good phone now kaysa mag aksaya ka pa ng pera sa walang kwentang bagay!"

Halos mapanguso na ako. Galit talaga sya. Hindi ko naman maintindihan kung bakit. Pera ko 'to, diba? Pero bakit parang mas nasusunod pa sya kung saan ko iyon gagastusin?

Kung sabagay ay tama din sya. Kapag nga naman bumili ako ng cellphone na de-keypad ngayon ay mababalewala iyon kapag nagkatrabaho na ako at bumili ng mas kakailanganin na cellphone.

Kaya pumayag na akong samahan nya ako sa mall sa sabado para bumili ng cellphone. Tinanggap ko na ang alok nya na sadsmahan nya ako. Wala rin naman akong alam tungkol sa mga cellphone.

Magkasabay kaming pumasok ni Sir Creed sa room. Ay hindi pala. Ako ang nauna dahil inunahan ko sya sa may pintuan. Baka kasi markahan nya ako sa attendance ng late kapag sya ang mas naunang pumasok.

Matalino kaya ako. Hindi nya ako maloloko.

Hindi pa rin ako kinakausap ni Lionel. Nalulungkot ako dahil apat na taon ko din syang naging kaibigan at ngayon lang syang umakto ng ganito kaya hindi ko alam ang gagawin. Natatakot naman akong kausapin sya dahil baka hindi na naman nya ako pansinin.

Iyon naman kasi ang kinatatakutan ng mga tao. Ang rejection. Iyong ilang beses na binigyan ng effort ang isang tao pero sa huli ay hindi pa rin pala sapat.

Pero mas nakakatakot ang silent rejection. Yung bang bigla na lang hindi kakausapin. Biglang mawawala at hindi na magpaparamdam. Iisipin mo tuloy kung totoo ba ang mga nangyari sa inyo noong mga panahong magkasama pa kayo. At iyon ang ipinaparamdam sa akin ni Lionel. Nakakalungkot pero nakakainis din. Kung may ayaw sya ay sabihin nya na lang sana. Hindi yung para akong tanga na iniisip kung ano ang nagawa kong mali para hindi nya ako pansinin.

"Mag usap tayo, Fatima."

Nagulat ako dahil pagkalabas ni Sir Creed ay bigla akong pinansin ni Lionel at seryosong sinabi iyon. Lumabas pa sya ng room kaya sinundan ko. Alam ko din na nakasunod sa akin si Jezel na gusto ring malaman kung bakit umaakto ng ganoon si Lionel.

"Anong meron sa inyo ng professor na 'yon?" tanong nya agad. Mahina pero ramdam ko ang galit nya.

"Ha?" nasabi ko na lang dahil hindi ko alam kung sino at ano ang itinutukoy nya.

"Palagi kayong sabay na naglalakad sa university! Nakikita ko kayo araw-araw! May relasyon na ba kayo?"

"Buang ka ba?" bulalas ko. Hindi makapaniwala sa itinanong nya. "Nagsabay lang sa paglalakad may relasyon na agad? What kind of mindset is that?" ulit ko sa sinabi ni Sir Creed noong napagkakamalan din sila ni Ma'am Lauris na may relasyon.

Ganito siguro ang naramdaman nya noon. At nakakainis nga talaga.

"Edi 'wag na kayong magsabay! May mga paa ka naman at kaya mong maglakad ng mag isa!"

Nagkatinginan na lang kami ni Jezel sa inakto ni Lionel na nag walk out pa. Hindi ko alam kung anong problema nya sa pagsasabay namin ni Sir Creed na maglakad. Wala naman kaming ginagawang masama. Marami din kasing ginagawa si Sir sa school kaya nagsasabay na lang kami sa pagpasok.

Nang muli kong tinignan si Jezel ay may nang aasar na syang ngiti. Inirapan ko sya. Sigurado akong aasarin nya ako!

"Ikaw, ha? Sir Creed pala, ha?" nang aasar nyang sabi at sinundot sundot ang tagiliran ko. Napapaigtad tuloy ako dahil sa kiliting nararamdaman.

"Kung gusto mong makalbo sa sabunot ko ay ipagpatuloy mo pa ang pangingiliti sa akin." banta ko sa kanya. Tumigil sya pero hindi nawala ang nakakaloko nyang ngiti.

"Dito na ba magsisimula ang una mong pag ibig? Si Sir Creed na ba ang magbibigay noon sayo?"

Tinaliman ko sya ng tingin. Buang din 'tong isang 'to eh.

"Tumigil ka nga. Prof natin 'yun!"

"Correction. Substitute professor. Tatlong buwan na lang din at graduation na natin. Hindi na natin sya prof pagkatapos noon."

"Ang laki ng agwat ng mga edad namin!"

"Ano ngayon? Wala yan sa edad, Fatima. Nasa puso yan. Kung mahal mo edi mahal mo."

Eh ang kaso ay galit ako kay Sir Creed. Kahit na nga madalas na kaming nagkakasama ay hindi pa rin naaalis ang galit ko. Hindi pa rin maiaalis ang katotohanan na pinatay nya sa harapan ko si Kuya. Ibig sabihin ay sya din ang pumatay sa mga magulang ko.

Kahit nanghihinayang ako sa pinagsamahan at mga pagsasamahan pa namin ay hindi ako titigil.

Pasensya na talaga, Sir Creed. Pero hindi ako matatahimik hangga't hindi mo pinagbabayaran ang mga kasalanan mo.

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now