"E-eric---" Sambit nito sa gitna ng kanilang halikan.

"Yeah. Wifey?" Tugon nito at humiwalay sa labi niya para haplosin ang kanyang pisngi. Gusto niya itong titigan. Gusto niyang makita ang mga mata nito. Ngunit nakapikit naman ang dalaga.
"Devee---" Mayamaya ay sambit niya sa pangalan nito. Wala siya ibang narinig na tugon mula rito kundi ang mahihinang hilik lamang. Napangiti na lamang si Ericjan pag kuwa'y masuyong ginawaran ng halik ang kanyang noo.
"I love you." Bulong nito sa natutulog na dalaga. Umalis siya sa ibabaw nito at tumabi sa pagkakahiga ng dalaga. Kinabig niya ito papunta sa dibdib niya at doon ay pinaunan habang mahigpit niya itong yakap.
"I'm sorry kung nasaktan kita kanina dahil sa mga sinabi ko. It's just that---I'm waiting for the right timing to tell you that I already love you, wifey. I'm sorry." Anito at muli niyang ginawaran ng halik sa tuktok ng buhok si Devee bago siya pumikit at natulog na rin.

"GOOD MORNING." Ang nakangiting mukha ni Ericjan ang agad na bumungad kay Devee kinabukasan pagkasiging niya pa lang. "How's your head? Hang over?" Tanong nito at may inilapag na tray sa tabi niya. "Get up, wifey. Kumain ka muna para uminom ka ng gamot at ng mawala 'yang sakit ng ulo mo. Come on." Anito at mabilis na umikot sa kabilang side ng kama para tulungan siyang makaupo mula sa pagkakahiga.

"K-kanina ka pa dito?" Tanong ni Devee sa kanya.

"Yeah. Nag pa room service na ako ng pagkain mo para makakain ka agad. Here." Aniya at ipinatong sa may hita niya ang tray. Sopas, tubig,  gamot at isang tangkay ng puting rosas ang naroon. Hindi tuloy mapigilan ni Devee ang sarili na hindi mag baling ng tingin sa katabi niya.
"What?" Nakangiting tanong sa kanya ni Ericjan.

"A-anong nangyari kagabi? M-may ginawa ba akong kalokohan?" Sa halip ay pag-iiba niya ng tanong rito.

"Mmm..." Anito na kunwari ay nag isip pa. "Nothing. You're behave last night. Good girl." Sagot nito pag kuwa'y hinimas pa ang kanyang buhok. "Just eat. Maliligo tayo ng dagat after." Utos nito sa kanya.

Kahit naiilang si Devee sa klase ng ngiti sa kanya ni Ericjan, maging ang kakaibang presensya nito na bumabalot sa buong kuwarto. Inignura niya na lamang iyon at pilit na itinuon ang isip sa pagkain niya.
Mabuti nga rin at lumabas ito sa kuwarto niya kung kaya't nag madali siyang mag bihis at mag ayos ng sarili niya. Nakakahiya at kanina pa siya tinitignan ng binata gayong hindi pa naman siya nakakapag suklay at nakakapag hilamos. Mabuti na lang at wala siyang muta at tuyong laway sa gilid ng bibig niya.

"Good girl ka naman pala, Devee eh! Mabuti na lang. Akala ko may ginawa ka na namang kalokohan. Naku! Wala ka ng mukha na ihaharap sa mokong na 'yun kung nataon." Saad nito sa sarili habang nasa tapat siya ng full size mirror at nag susuklay.

Napapangiti na lamang ang binata na nasa likod ng pinto. Papasok sana siya kanina ng marinig niyang nag sasalita ito. Napapailing na lamang siya na sinilip ang dalaga sa loob.

"Maliligo ng dagat? Ano naman ang susuotin ko? Ni wala nga akong damit na dala." Saad pa nito. Kunwari ay kumatok si Ericjan sa likod ng pinto mayamaya.

"Let's go." Aya niya rito.

"Wala akong pamalit."

"Let's go at bibili muna tayo sa Department Store. Wala din ako dalang damit ko." Anito at mabilis na kinuha ang kamay niya pagkalapit pa lamang nito sa kanya.

'Erase. Erase. Erase. Devee, erase.' Anang dalaga ng bigla na namang kumabog ang puso niya ng mabilis. 'Mag kontrol ka. Baka nakakalimutan mo, employee ka lang.' Susol pa nito sa isipan.
Hinayaan niya ang binata na hilahin siya hanggang sa elevator. Nang makarating sila sa lobby ng hotel, lumapit sila sa Front desk para mag tanong kung saan ang pinakamalapit na department store.

"May taxi po sa labas sir, sabihin niyo na lang po sa driver at alam na po nila kung saan kayo dadalhin." Anang lalaki kay Ericjan na kung minsan ay napapatingin din sa dalaga na nasa tabi niya. Ganon din ang isang lalaki na kasama nito.

"Thank you." Tipid na saad nito at mabilis na inakbayan si Devee. "Let's go, wifey."

"Bakit ganon makatingin sa'kin 'yung lalaki?" Nag tatakang tanong ni Devee mayamaya.

"Nag tanong ka kasi kagabi sa kanila kung may alak sila. Siguro pinag tatawanan ka." Walang buhay na saad ng binata sa kanya. Halatang bigla itong nainis. Mabilis naman na napasingahap si Devee dahil sa nalaman. Masamang tingin ang ipinukol niya sa binata pag kuwa'y agad na inalis sa balikat niya ang braso nito.

"What?" tanong ng binata.

"What? Ang sabi mo wala akong ginawa na kalokohan kagabi? Tapos ano 'yung sinabi mo ngayon?" Naiinis na balik tanong nito sa lalaki. Sa halip na sagutin siya ni Ericjan. Muli siya nitong kinabig sa leeg at iginiya na palabas ng hotel at nag hanap ng taxi na masasakyan nila papunta sa Department Store.
"I hate you." Anang dalaga na ikinatawa naman ng pagak ni Ericjan.

••••

Don't forget to leave your thoughts or any side comments, below. Para naman ma inspire ako. Pasensya na at demanding ako ngayon. 😅😞
Sorry kung ngayon lang po ako naka update😅😅

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now