"Yeah. Ah. May party kasi kami sa bar na 'yun. And, nakita kitang nakatingin dun. Mind if I invite you to join us?"

"Ah---"

"I'm Callie by the way." Pag papakilala pa nito at inilahad sa kanya ang kamay.

"Kelly---?" Kunot noong tanong ni Devee ng tanggapin niya ang kamay nito.

"No. It's Callie."

"Ah. Callie." Aniya. "Sorry ha. Pero, hindi kasi ako umiinom eh!" Saad niya sa babae.

"No problem. May mga juice naman kami dun. Okay lang kung 'yun ang iinumin mo. Tara. Mag join ka na." Anito at mabilis na hinila ang braso niya papunta sa bar na nataw niya kanina.

Sobrang ingay na halos hindi na magkaintindihan ang mga tao sa loob no'n. Halos mabingi agad si Devee ng pagpasok pa lamang nila sa loob no'n ay sumalubong sa kanila ang mas malakas na tugtog. Napatakip na lang siya sa tainga niya.

"Ang ingay. Hindi ko kaya. Lalabas na lang ako." Sigaw niya sa babae na nasa unahan niya.

"What? I can't hear you. Let's go. Sa counter tayo." Anang babae at muli siyang hinila habang umiindayog pa ito sa saliw ng musika. Nakipag siksikan sila sa madaming tao na nag sasayaw sa dance floor hanggang sa marating nila ang bar counter.

"You can order what you want. It's free." muling sigaw ng babae sa kanya. Wala naman nagawa si Devee kundi ang tumango dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Agad naman siyang nilapitan nang lalaking bartender. May iniabot ito sa kanyang high ball glass na may lamang parang orange juice. Mabilis na naalarma ang dalaga nang maalala ang ininom niya noong birthday party ng ina ni Ericjan. Iyon ang ininom niya na nalasing siya. Agad siyang umiling sa lalaki.

"Isang shot lang ako kuya." sigaw niya na suminyas pa ang isang daliri niya. "Ayokong mag lasing." Dagdag pa niya. Mabilis na ngumiti sa kanya ang lalaki at suminyas din sa kanya ng 'OK'. Mayamaya ay may iniabot ito sa kanyang maliit na baso. Halos mapuno ang laman no'n na parang tubig lang. Napangiti naman si Devee.

'Hindi naman siguro ako malalasing sa liit lang nito. Saka, mukhang tubig lang naman.' Anang isipan ni Devee at kinuha ang shot glass. Walang anu-ano'y mabilis niya iyong ininom. Agad naman itong napapikit ng mariin nang gumuhit ang mapait na likido sa lalamunan niya. Halos mapamura pa siya sa pagkabigla.

"Masarap 'di ba? Isa pa. Hindi ka naman malalasing diyan eh!" Sigaw nang babae habang nasa tabi niya. Muling tumalima ang bartender at nilagyan ang shot glass niya.

"Ayoko na." Sigaw din ni Devee.

"Go. Masarap 'yan." Sa halip ay saad ng babae at ibinigay sa kanya ang alak.

Hindi alam ni Devee kung nakailang shot na ba siya. Basta lang siyang umiinom kapag iaabot ng bartender sa kanya ang maliit na baso. Hanggang sa makaramdam na siya ng init sa katawan, sa mukha. At ang matinding pagkahilo. Parang na immune na ata ang lalamunan niya dun sa alak at hindi niya na malasahan ang pangit na lasa nito.

"Shot. Shot. Shot. Shot." Agad na napalingon si Devee sa paligid niya ng marinig ang nag sisigawang mga tao. Napapalibutan na pala siya nang mga babae at lalaki na hindi niya naman kilala. Bukod sa nahihilo na siya, nanlalabo na rin ang kanyang mga mata kung kaya't hindi niya rin maaninag ang mga ito ng maayos.
Mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Devee pag kuwa'y kinuha ang baso sa bar counter. Akmang iinumin niya na 'yun ng may biglang pumigil sa braso niya. Mamulamula na ang kanyang mukha na napalingon sa isturbo sa pag-inom niya.

Halos mag-isang linya na ang mga kilay ni Ericjan dahil sa galit niya sa dalaga. Kanina niya pa itong hinahanap. Halos masiraan na siya ng ulo kakaisip kung saan ito nag punta. Nag aalala siya na baka umuwi itong mag-isa kanina pagkatapos na umiyak. Ang hindi niya alam, naroon lang pala ito sa bar. Nag papakasaya habang nakikipag inuman sa mga taong hindi naman nito kilala.

"S-sino ka? Tss." Lasing na tanong nita sa binata pag kuwa'y pumiksi sa pagkakahawak nito sa kamay niya.

"Let's go. Kanina pa kita hinahanap." Mariing saad ni Ericjan sa dalaga. Sa halip na tumayo ito sa kinauupuan niya, muling inabot ni Devee ang alak at akma na naman itong iinumin. Nagulat na lamang ito ng bigla siyang buhatin ni Ericjan na parang bagong kasal.
"Out of my way." Galit na sigaw nito sa mga nakaharang sa daraanan niya. Nag protesta naman ang dalaga ng makalabas agad sila sa bar na 'yun.

"Ano ba... Ibaba mo nga ako. Nag iinom pa 'yung tao eh!" Reklamo nito habang nanghihina na ang katawan dala sa kalasingan.

"You're drunk. Tss. Who told you na puwede kang mag-inom? Kanina pa ako nag aalala sa'yo tapos nandon ka lang pala sa bar na 'yun." Muling panenermon nito sa lasing na dalaga.

"Sino ka ba kasi?" Sa halip at tanong nito sa kanya. Kunot noo pa itong inilapit ang mukha sa mukha niya. Nanliliit ang mga matang pilit na sinisino siya. Mayamaya ay bigla itong ngumiti ng malawak. "Tss. Siguro... Stalker kita ano, kaya sinundan mo ako dun." Anito.

"Crazy woman." Ang tanging nasambit ng binata.

"Crazy. Haha. Crush mo ako ano? Tch. Tch. Tch. Ang guwapo mo sana eh!" Aniya na ikinamaang ni Ericjan. Gusto niya sanang mag salita para pagalitan ito, pero mas pinili niya pang titigan ang namumula nitong hitsura. "Pero sorry, may mahal na kasi ako eh! Mas guwapo 'yun kaysa sa'yo." Mabilis na dagdag ni Devee na nakangiti sa kanya. Manakanaka na ring napapapikit ang namumungay nitong mga mata.
Mayamaya ay mabilis itong yumakap sa leeg niya at ipinilig ang mukha sa tapat ng kanyang dibdib.
May sinasabi ito na hindi niya naman maintindihan dahil sa kalasingan nito.
Napapabuntong hininga na lamang ang binata na muling nag lakad upang mag tungo na sa hotel.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now