Kabanata 57

1.2K 48 28
                                    

Kabanata 57

"Goodness Seline," bakas ang inis sa boses ni Thanya. "We are all banned from coming to the head quarters for almost 2 weeks now because of what you did." Pero walang nakuha ni katiting na atensyon ni Seline ang kaibigan. Nanatili lang siyang walang imik habang sumisimsim ng brewed coffee at mariing nagiisip.

"Oh, ano nadedma ka? Buti nga!" Rinig niyang saad din ni Daniella.

"Why are you interfering? Am I talking to you?" pagtataray ni Thanya dito.

"Ay! Ate chona ka ha!" bunghalit muli ni Daniella. Nagirapan ang dalawa na mamayamaya rin ay nauwi sa tawanan. "Best actress ka doon 'te, gusto ko 'yong pagtaas ng kilay mo."

"I like how you flip your hair too, Dan!"

"Hay naku, mga baliw talaga!" Chontelle hissed. "Anyway, hindi naman na malaking problema 'yan. It's been two weeks siguro naman tama na iyon. Kailangan 'din umusad ng mission natin 'no. Wala pa ring progress for the next jewelry," anang nito. Nagulat na lang si Seline ng agawin ng kaibigan sa kaniya ang tasa niyang sinisimsim. "Wala nang laman 'yan, tigilan mo na. Maawa ka!" Natigilan si Seline at doon na lang nagbalik sa katinuan. Wala na ngang laman ang tasa niya.

Tsk! Idiot.

Kasalukuyan silang nasa isang Cafe sa bayan ng Belgium probinsya ng Merzheil. Dito kasi mayroong masarap na cafe. Doon sa Viathan ay wala masyado. This coffee shop named Cafe de francia.

"Ano val, nandito ka na? Para kasing nag-out of the body experience 'yang kaluluwa mo at nawala ka bigla." Aestellah said it like it's a serious matter. Wala rin namang natawa kaya parang seryoso talaga iyon. Napabuntong hininga na lang siya.

"Wala ito, pasensya na ulit." Iyon na lang ang nasabi niya. It's been two weeks since the incident happen. Kinailangan niya munang magisip kaya naman umabot ng dalawang linggo subalit wala pa rin silang komunikasyon ng binata.  Ngunit ngayong araw ay balak niyang puntahan na ito sa Maynila. Nasisigurado niyang wala ito sa bahay nila sa Santos dahil tinawagan niya ang nanay nito para magtanong kahapon. Ang sabi lang sa kaniya ay umalis ang anak matapos silang ihatid sa Santos at dalawang linggo na ring hindi bumabalik.

Muli siyang napabuntong hininga.

"Ano, ayus ka na?" Hindi niya sinagot ang tanong na iyon ni Aestellah bagkus ay nagtaas siya ng kamay para tumawag ng waiter. Isang babae ang lumapit sa kanila.  Hindi ni Seline napigilang pansinin ang name tag  nito.

Robin.

To a beautiful lady like her parang hindi bagay ang pangalan nito.

"Good afternoon Ma'am. What can I do for you po?" magalangan na saad nito bago magaang ngumiti. Sa tingin niya ay mas matanda siya ng ilang taon dito.

"Give me a cup of brewed coffee, " nasabi na lang niya.

"Right away, ma'am." Ngumiti muli ito bago umalis. Napabuntong hininga muli siya bago humarap sa mga kaibigan na ngayon ay nakaawang ang labi sa kaniya.

"Are you trying to get sick, Val?" Shock was written in Aestellah face. Kung nasa mood si Seline ay tiyak na pagtatawanan niya talaga ito.

Mukha itong tanga.

"Hindi 'no." Nangiti na lang siya. 

"Magkakape ka na naman? Palpitate abot mo d'yan!" puna sa kaniya ni Daniella. Tinanguan niya lang ito at hinintay ang kape.

"Tsk! Hindi ko alam kung matutuwa akong kalmado ka ngayon Seline pero wala ka naman sa sarili." Nabaling ang tingin niya kay Chontelle ng sabihin iyon nito. "Parang mas gusto kong galit ka na lang at least may ideya kami sa iniisip at nararamdaman mo." Nginitian niya lang ang kaibigan na agad naman siyang inirapan at kumain ng cake. Ito rin ang unang pagkikita nilang magkakaibigan matapos ang nangyari. Kaya naman ganito na lang siya kausapin ng mga kaibigan bagay  na lubos niyang naiintindihan.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now