Kabanata 9

316 11 0
                                    

Kabanata 9

After Class
August 17 2019

For the past 16 years of Seline Happuch's life, the only thing she's been in love with was the moon. She always looked at it as the most romantic thing in the cosmos. Every night, she looks at it as her eyes glitter, as if she were witnessing something extraordinary. But not today, because now it's as if moon dust covered her lungs; she can't barely breath due to nervousness, yet her eyes glitter like stars in the night time. Today, she feels like a cosmic child who rules the skies, walking together with the man who stole her adoration towards the moon.

Hindi napigilan ni Seline na kagatin ang labi habang tahimik na naglalakad kasabay si Phil. Hindi alintana ang usok mula sa tambutso ng mga sasakyan sa kalsada, maiingay na busina ng mga sasakyan dulot ng traffic at ang makulimlim na panahon. Basta masaya siyang makasabay ang binata bagamat wala rin itong masyadong imik kagaya niya.

"Iniwan ka na nila."

Hindi iyon tanong, statement iyon ni Phil sa nangyayari. Awkward siyang napangiti bago sinulyapan ang tatlong kaibigang nauna na nga sa paglalakad at sinadyang iwan siya bitbit ang sari-sariling mga back pack. Saglit niyang binasa ang labi, lumunok bago sumagot.

"Mukhang ganon na nga." Awkward siyang natawa bago niya nilingon si Phil. Bahagya pa siyang napapatingala dahil masyado itong matangkad kaysa sa kaniya. Tumingin din ito sa kaniya na bahagya pang napayuko bago siya nginitian. Muntik tuloy niya itong matilian.

Ang gwapo niya talaga!

Ang lalaking kasabay ay ilang buwan niya na ring crush. Una niyang nakita ang binata sa isang Facebook page. Nakita niya ang account nito at nagwapuhan siya. Hindi doon natapos, first day of school ay nakita niya nang personal ang binata. Talaga palang napakagwapo nito, hindi na katakatakang sikat ito.

Kagaya ng strand na kinuha niya ay HUMSS rin si Phil. Iyon nga lang ay hindi niya ito kaklase.

Wala siyang balak noon na sumali sa jingle para sa nutrition month pero nang makitang kasali ang naturang lalaki ay sumali na rin siya. Idinahilan niya pa nga na hahalili lang siya sa may sakit na kaibigan.

Masaya talaga siya kapag nakikita niya ang binata. Iyon na yata ang bumubuhay sa pagkatao niya ngayon.

Ultimo noong birthday nito ay pinaghandaan niya. Bumili pa siya ng cup cake para iregalo dito.

Doon nabaling ang tingin ni Seline sa key chain na nakasabit sa ID ni Phil. Isa iyong Guitar na may ilaw at bahagyang tumutunog. Bigay niya ito pero hindi alam ng binata. Ibinigay niya kasi ito under the name 'THEIA'. May kalakip din kasi iyong love letter na pinaabot niya lang.

Alam niya na alam nang binata ang nararamdaman niya. Hindi naman kasi siya ganon kagaling magtago ng sekreto. Idagdag pa ang mga walang dulot niyang kaibigan na imbis na makisama ay talagang ipinagsabi pa ang nararamdaman niya para sa lalaki. Hindi na kataka-taka na alam sa buong strand nila ang nararamdaman niya dito.

"Hoy Seline! Gumilid ka nga, baka mamaya mahagip ka ng sasakyan diyan." Ikinagulat ni Seline ang pagtaas ng tono ng binata. Ngunit hindi niya rin naman napaghandaan nang hawakan ni Phil ang braso niya't dinala siya nito sa gilid. Hindi na niya napigilang mapangiti sa kilig na nararamdaman.

"Magkwento ka Phil!" masaya at lakas loob na panimula niya ng usapan. Gusto niyang sulitin ang one in a blue moon na pangyayaring ito dahil tiyak na hindi na muli ito mauulit.

"Anong i-ke-kwento ko?" tanong ni Phil. Wala naman siyang nakitang pagka-bored sa boses ng binata kaya mukhang ayus lang naman dito na magusap sila.

"Kwento ka ng tungkol sa'yo. Kahit ano!" Alam kasi ni Seline na kahit ano man ang i-kwento ni Phil sa kaniya ay makikinig siya. Pakikinggan niya ang binata kahit abutin pa sila ng gabi.

Ngunit lumipas ang minuto ay hindi pa rin sumasagot si Phil kaya naman napalunok na siya.

Grabe! Sumobra ba ako sa pagka-excite? Dapat ba hindi ganon ang sagot ko? Mukha bang desperadong makipagusap? Naman! Nakakahiya!

Doon na tuloy niyang pinagsalikop ang dalawang kamay gayunpaman natigil nang magsalita na ito.

"Dalawa kaming magkapatid at ako ang panganay," panimula ng Phil. Doon na siya nag-angat ng tingin sa binatang tanging sa daan lang naman nakatingin habang nakangiti. Suot ang PE uniform nitong hapit dahil masyadong malaking tao si Phil at medyo chubby din. Gayunpaman talagang hindi na iyon mapapansin dulot ng matangos nitong ilong, tisoy na balat, pormadong lakad at katangkaran. Mutik niyang makalimutang partime model nga pala ng isang magazine ang kasama. "Nakilala mo naman na si mama 'diba? Well, iyong papa ko iniwan na kami..."

Doon nagsimula ang kwento. Paminsan-minsan ay nagkukomento siya pero malimit ay nakikinig lang si Seline. Hanggang sa mapunta ito sa usapang ex, hindi niya nagustuhan iyon. Batay kasi sa kwento ng binata ay parati itong iniiwan o 'di kaya ay pinaglilihiman at sinasaktan.

"Naku! Ang pangit naman pala ng mga 'yan. Ekis sila Phil!" kunot noong aniya, "basta ako wala akong tinatago," buong pagmamalaking dagdag pa ng dalaga.

"Sus wala nga ba?" Natigilan si Seline nang dahil doon. Bahagya pa siyang napahinto sa paglalakad kaya naman nauna nang maglakad si Phil. Subalit nang makabawi ay patakbo siyang sumunod dito na panay ang ngisi.

Alam ni Seline ang tinutukoy ni Phil. Iyon ay ang feelings niyang hindi niya masabi-sabi at ang tungkol kay 'Theia'. Pero...

Magkamatayan man walang aamin.

"E, Phil wait! Wala naman talaga," pagdadahilan niya.

Kabado? Naman!

"Okay, sabi mo e," saad nito at nagpatuloy sila sa paglalakad.

"Parang hindi ka naman naniniwala!"

"May dapat ba akong hindi paniwalaan sa sinabi mo?" Muli siyang natigilan at muling humabol nang mapagiwanan.

"Saglit Phil! Hintayin mo ako, sabay tayo!" Ngunit imbis na maghintay ay tumakbo na ito kaya naman dagli nang humabol si Seline.


Isa lang iyon sa mga alaala nila 11 years ang nakakalipas, Grade 11 pa lang sila niyon sa pagkakatanda niya. Ang 16 years old na si Seline na walang alam kung hindi ang habulin ang ultimate crush niyang si Phil. Simpleng bagay na nakapagpapasaya at nakapagpapagaan ng loob ng isang dalagitang nagsisimulang makaramdam ng atraksyon sa opposite sex. Pero lahat naman ng bagay ay nagbabago dahil walang permanente sa mundo.

Hindi nga lang niya inaasahan makalipas ang isang taon ay kasama ng pagbabagong iyon ang pagkasira ng buhay niya.

I M _ V E N A

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now