Kabanata 43

1.3K 59 36
                                    

Kabanata 43

It's been week since then hindi na sila muling nagkita ng binata matapos ang pagtatalo sa park. Wala rin naman si Seline na balak kitain pa ito sa ganong sitwasyon. Bukod sa magiging awkward lang. Hindi pa niya talaga malaman ang gagawin sakaling magkaharap muli sila.

Araw ng sabado at abala siya sa paglilinis ng bahay nila. Hindi naman niya lagi itong ginagawa sa katunayan pa nga ay ang nanay niya ang laging gumagawa niyon. Subalit ewan niya ba kung anong klaseng pagkain ang nakain niya sa agahan at naglilinis siya ngayon. Halos natapos na niyang linisin sa ibaba at ngayon ay nasa ikalawang palapag na siya ng bahay nila. Todo si Seline sa walang sawang paglalampaso ng sahig at pagwawalis.

"Junior, ano ba naman 'tong kwarto mo? Basurahan ba 'to?" Iritado niyang pinagsabihan ang nabibwiset din sa kaniyang kapatid. Na ngayon ay simangot na simangot na akala mo ay inapi.

"Sinabi ko bang maglinis ka? Lumabas ka na ng kwarto ko, ano ba!" Pinagtatabuyan siya nito at tinutulak-tulak pa.

"Isusumbong kita kay Mama! Ang kalat-kalat ng kwarto mo!" pananakot niya.

Huh! Akala niya ha, isusumbong ko talaga siya.

"Edi isumbong mo, sumbungera! Labas!" hiyaw sa kaniya nito sabay tulak palabas ng pintuan at pinagbagsakan pa siya nito ng pinto. Pero as usual natawa lamang si Seline sa ugaling meron ang pangalawang kapatid.

Seline maybe a strict when it comes to duty but in their house she was soft and patience sister.

Hay! Ang isang 'yon talaga.

Nabaling ang paningin niya sa kwarto ng mga magulang. Halos mapangiwi siya nang bumalik sa alaala niya ang nangyari kagabi nang pagsabihan siya ng ina tungkol sa pagaasawa. Kung asan na daw ang boyfriend na ipinagmamalaki niya at nang makilatis. Huwag raw siyang gumawa ng sariling imahenasyon. Hindi na daw ito natutuwa. Gusto na daw ng ina niya ng apo. Ano na lang daw ang mangyayari sa kaniya kung tatanda siyang dalaga.

Sa totoo lang ay natatagalan pa naman niya ang pagiging maingay ng ina sa usaping pagaasawa. Subalit ang makitang tahimik at walang imik ang ama ay isang bagay na mas seryoso pa kaysa sa global warming. Dalawa lang naman ang nagiging dahilan ng pananahimik ng ama, una naiinip na ito at pangalawa namomroblema. Kung iisipin wala naman silang problema sa bahay ngayon. Bukod sa kapatid niyang si Junior na ayaw na yatang grumaduate sa kolehiyo at nais lang ay maging P-Pop sa hindi malamang dahilan ay wala naman nang iba. Kaya naman nabuo ang konklusyon ni Seline na nababagot na ang ama.

Bagsak ang balikat na nilagpasan ni Seline ang kwarto ng mga ito saka nagtungo sa kwarto ng mga pamangkin para magligpit naman doon.

May boyfriend naman talaga ako. Hindi naman ako nag-i-ilusyon.

Pinagpupulot na lang niya ang mga nagkalat na papel sa sahig ng kwarto at nagtiklop.

Seline wala kang boyfriend! Kontrata lang iyon, remember?

Sa isiping iyon ay natigilan siya.

Galit ka sa kaniya Seline diba? So, bakit iniisip mo na naman siya? Ano ba naman! Kinaka-reer mo talaga ang pagiging tanga 'no?

Halos hindi na niya namalayang nagulo niya lang din ang mga bagay na tiniklop niya.

Shit! Wala na akong pagasa.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now