Kabanata 56

177 5 0
                                    

Kabanata 56

Matapos ang nangyari ay nagdiretso si Seline at ang mga kaibigan niya sa Head Quarter ng Kalopsia dito sa Pilipinas para magpasa ng report. Idiniretso naman nila sa loob ng quarantine room ang pamilya ni Phil para makausap ang mga ito ng Barrier at ipaliwanag ang nangyari.

After writing a report, agad na dumiretso si Seline sa Quarantine Room at naghintay mula sa labas niyon.

Wala naman siyang magagawa,  kailangan nilang gawin ito dahil iyon ang regulasyon ng ahensya. Bilang Agent, tungkulin nilang gawin iyon. Pero alam niyang hindi lahat natatapos dito. Kilala niya si Phil, sa mga oras na iyon alam niya ang tumatakbo sa isip ng binata. Nahihinuha na niya ang mangyayari sa oras na makakabas ang binata sa Quarantine Room. Hindi na nito tatanggapin ang excuse niya at kailangan niya nang magpaliwanag. But the thing is, bawal talaga.

Kung ano man ang sasabihin ng Barrier, mananatiling hanggang doon na lamang lahat iyon. Kung magpapaliwanag pa siya at isisiwalat ang lahat-lahat sa binata, nasisigurado niyang parurusahan siya ng ahensya. She will be severely punished.

Pero ano na lang ang gagawin niya. Kilala niya si Phil. That man won't accept blurred answers. Hindi na ni Seline malaman ang gagawin niya. Kung ano-ano na rin ang tumatakbo sa isip niya nang dahil doon. Subalit ang lahat ng marubdob niyang pagiisip ay naglaho nang biglang bumukas ang pinto ng Quarantine Room. Doon lumabas ang mga ito ng mga nakapiring muli. Sinalubong ito ng dalawang bantay at inalalayan sa paglalakad.

Maagap siyang napatayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa kasintahan.

"Phil." She hold his hand but to her surprise mabilis na tinanggal ng binata ang kamay niya. Mas ikinataka niya nang lampasan lang siya nito.

This is what I'm talking about. Damn it!

Mabilis pa sa alas kwartong sinundan niya ang mga ito pababa, subalit sumara na ang elevator kaya naman pinagtyagaan niya ang hagdan.

Hinihingal-hingal si Seline nang marating ang ground floor. Alam niyang sa crew idadala ng mga tauhan ng Kalopsia ang mga ito. Kaya naman dumiretso siya sa garahe kung nasaan ang halos isang daang kotseng nakaparada. Pag-a-ari iyon ng ahensya. Ginagamit iyon para sa mga special service nito o para sa mga civilian na nadadamay ng ahensya. The Barriers of Kalopsia agency assure each one of them na malinis ang lahat ng gusot sa mga civilian na madadamay in every mission whether the Agents or Intelligence Team mission. Meaning to say the Barrier was the cleaners of the said agency.

Aligagang inilibot ni Seline sa buong paligid ang paningin. Agad naman niyang natagpuan ang hinahanap. Lakad-takbo siyang lumapit sa mga ito na nasa harapan ng isang rolls royce.

"The Kalopsia is giving this car to you Mr. Mendez added to the payment for all the damage that Kalopsia caused, " anang ng isang crew na siyang nag-a-assist doon. Nakita ng dalaga na inabot nito ang susi na agad namang tinanggap ni Phil. Wala na ang kaninang piring ng mga ito.

Kung hindi niya kilala si Phil masasabi niyang napakakalmado nito. Pero dahil kilala niya ang binata higit sa kahit na sino, kitang-kita niya ang panggigigil nito.

Umalis ang dalawang bantay at ang crew matapos iyon. Kaya naman agad siyang lumapit nang akmang sasakay na ang mga ito.

"Wait Phil!" Nakita niyang natigilan ang mga ito. Saglit na ngumiti lang sa kaniya ang nanay ni Phil habang bakas naman ang pangamba sa mukha ng kapatid nito.

"Pasok na kami," paalam ng ina ng fiance bago pumasok sa loob ng sasakyan. Bakas niya sa mukha ng mga ito ang pagod. Siguradong sumakit ang ulo nila sa pagkausap sa Barrier. Hindi na kataka-taka dahil ang bawat Barrier ng ahensya nila ay may angking taktika na hindi makakatanggi ang sinuman sa ano mang-i-utos ng mga ito.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now