Kabanata 17

1.5K 64 54
                                    

Kabanata 17

"Ihahatid na kita, magbibihis lang ako bunso," Christian told her as he slightly cares her hair. "D'yan ka lang."

Matapos iyon ay iniwan na siya ni Christian. Narinig niya pa ang ilang beses na pagtunog ng cellphone niya. Subalit nanatiling nakatingin si Seline sa direction kung saan huling namataan ang binata. Nang mga oras na iyon, hindi niya napigilan ang sarili na muling magbalik tanaw.


After Graduation
April 17 2021

"Kamusta ka bunso? Ngayon na lang ulit tayo nagkita matapos ang graduation," masayang turan ni Christian sa dalaga habang inaalis ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ni Seline. Pilit ang mga ngiti ng dalaga at hindi ganon kamanhid ang binata para hindi iyon mapansin. Kung kaya naman nang maisaayos ang buhok nito ay nagpatuloy na lang si Christian sa pagkain ng fishball.

Kanina ay hindi sinasadyang nakasalubong ni Seline ang binata sa over pass kaya naman nilibre siya nito. Sa totoo lang alam ni Seline na napapansin ng binata ang matamlay niyang awra at pilit na ngiti. Ngunit wala siyang panahon para ipakitang matatag siya sa kahit kanino. Nakakapagod na iyong gawin lalo sa bahay nila.

"Oo nga kuya 'no. Kamusta ka naman?" Simpleng tanong niya habang abala sa pagtusok ng ilang fish ball at kick yam.

"Ayus naman." Ngumiti pa ito. "Teka nga bunso, ba't parang namumutla ka yata?" puna nito.

Doon natigilan si Seline.

Mag-i-isang buwan na rin siyang ganon matapos ang gabing may nangyari sa kanila ng binatang missing in action ngayon. Wala na rin siyang balita kay Phil. Siguro ay talaga ngang malakas lang ang tama niya sa lalaking bigla na lang nang-iwan sa kaniya at ganito ang naging epekto. Minsan nga ay nagsusuka na rin siya. Hindi na rin kasi siya nagkakakain. Malimit ay nauubos ang oras niya kakaisip lang sa lalaki.

"Uy, bunso!"

"Po?" Doon na lang siya nagbalik sa reyalidad.

"Tulala ka na naman. Kanina ko pang napapansin 'yan ah!" bakas ang pagaalala sa boses ni Christian. Ngumiti na lang siya at bahagyang umiling upang mapanatag ito.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن