Kabanata 16

253 8 0
                                    

Kabanata 16

Matapos pagsabihan ang sarili ay dala ang boteng nagtungo na si Seline sa mga kaibigan at nakisayaw din.

"Ey! Ey! Ey! Lieutenant Seline Happuch in the house!" biglang sigaw ni Daniella na sinabayan nila Chontelle. Napapahiyaw na rin siya at pilit iwinaksi sa isip ang sinabi ng binata sa kaniya kanina.

Nakisabay sila sa pagkanta ng 'Toxic' habang lumalaklak sa bote. Hindi alintana ang pagkaka-revealing ng kanilang mga suot.

♪With a taste of your lips, I'm on a ride
You're toxic, I'm slippin' under (toxic)
With a taste of a poison paradise♪

Hindi na yata pagkanta ang ginagawa nila. Sumisigaw na sila at talagang masayang-masaya pa sila niyon.

♪I'm addicted to you
Don't you know that you're toxic?♪

Talagang itinodo nila ang pagsasaya. Gumigiling sa saliw ng awit at kumakanta.

Intoxicate me now, with your lovin' now
I think I'm ready now, I think I'm ready now
Intoxicate me now, with your lovin' now
I think I'm ready now♪"

Tawa sila nang tawa nang matapos ang kanta. Parang walang pasidlan ang saya nila. Namumula ang mga pisngi at tenga. Patunay na may mga tama na.

"Okay, now let's start! Bitches in the house let us all welcome, the live show!" Nagulantang silang lahat sa sinabing iyon ni Daniella. Doon naman ay biglang pumasok ang limang lalaking kilalang-kilala ni Seline.

"Fuck! Oh my god!" hirit niya sa pagkagulat. Ang mga ito ay walang damit at mga naka-boxer lang. Hindi niya itatanggi ang katotohanang bumabakat na ang mga pagkalalaki ng mga ito sa kanilang suot.

"Ay daks!" sigaw ni Chontelle.

Subalit bago ang lahat ay nilingon niya muna si Aestellah na siyang nag-i-isang natahimik at pulang-pula. Sa kanila ay ito at ang pinakapulang-pula. Natatawang siniko niya ang dalaga na may kasamang pangbubuska.

"Anong nangyari sayo?" tanong niya. "Aba, uso ang huminga." Doon siya binalingan ng kaibigan at sinamaan ng tingin. Pero tinawanan lang ito ni Seline bago napiling lumapit sa Kuya Christian niya na mukhang nilalamig na.

"Kuya ano 'yan? Bakit nakaganyan kayo?" Hindi na niya napigilang itanong.

Napapakamot naman ng ulo ang kuya niya dahil doon. "Naku bunso, nadamay lang ako. Kinulit ako ni Ross." Mukha nga talaga itong nadamay lang. "Ang akala ko ay party ang pupuntahan namin, hindi ko naman akalain maghuhubad kami ng ganito." Nahihiya na ito kaya naman malakas na hinampas ni Seline ang dibdib ng binata.

"Man up!"

"Aray masakit bunso, chansing ka na!" anang nito habang hinahawakan ang dibdib na hinampas niya.

Atty. Christian Sacramento, a corporate, civil litigation and criminal defense lawyer. At the age of 28, he was able to immediately set up his own law firm that is the Sacramento Law Office or Law Firm. It was from his father's work that he grew so much that it is now in demand world wide. Isa rin sa mga kaibigan ni Seline. Kuya ang turing niya dito at ito ang taong kasa-kasama niya noong mga panahong nagdurusa siya. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya dito.

"Hindi ka ba nilalamig Kuya? Naks! May pa-abs," pambubuska niya. Pero ginulo lang nito ang buhok niya at niyakap siya. Kaya naman yumakap na rin siya pabalik.

"Bunso 'wag kayong masyadong uminom, all right?" Christian whisper. Pinagsabihan siya nito pero natawa lang siya.

"Minsan lang naman ito, Kuya." Nagkalas sila sa pagkakayakap. Doo'y nginitian siya ng binata. Napapatungo pa ito dahil talagang matangkad ang binata sa kaniya. Moreno si Christian at talagang broad ang pangangatawan, halatang batak sa gym. Bukod doon ay maamo talaga ang mukha ng binata kung kaya naman maraming babae ang naaakit at nagkakandarapa.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon