Kabanata 3

2.9K 121 221
                                    

Kabanata 3

"You've got to be kidding me! Chontelle that wasn't supposed to be like that!" bakas ang disgusto sa boses ng isang babae na siyang bumungad kay Seline sa pagpasok niya pa lang sa Sky House. Like what the name of it, this penthouse was like on the sky for it was on the top of Queen's Hotel. Pagaari ito ni si Aestellah Fernia, ang doctor niyang kaibigan.

"But Daniella I think, ayos naman. Cake pa rin 'yan, mukha nga lang hindi," matawa-tawang sagot ng panibagong babae na ngayon ay sabog ang buhok. Nasa sala ang mga ito at parehong tinititigan ang bagay na nasa ibabaw ng lamesa. Talaga namang hindi ito mapangalanan para itong tae na dinesenyohan.

Doon na nangunot ang noo niya. "What the fuck is that?" Hindi na napigilan ni Seline ang magkomento matapos ilapag ang bag sa mahabang sofa at tumabi sa babaeng nakadikwatro lang.

"Yow! Seline," bati nito sa kaniya at nakipag-high five pa.

She is Daniella Love Reginaldo Kim, the one and only Chef Daniella Kim. Seline's very own half korean-half Filipino good for nothing but to cook, friend. Bukod sa titulo, ang dalaga din ang may ari ng 사랑 요리 Sarang Yoli or Love Cuisine . It was a well known cuisine for it's delicious style of foods here in the Philippines and Korea.

"Hoy! Grabe ka naman Seline. Hindi ba obvious? Cake kaya 'yan!" Mahaderang sabat ng babaeng sabog ang buhok habang pinapamayawangan pa sila.

And that is Chontelle Andres Morales, the well known flight attendant Chontelle Morales. Purong pinay siya at isa sa pinakamalaking shareholders ng AB Shipping lines. Kapwa nila ipinundar iyon ng kaibigang si Nick na siyang CEO ng nasabing shipping lines. Sa lahat ng kaibigan ni Seline, Chontelle is the only one who doesn't aim a big name yet do her things under the carpet. Hindi man nito sabihin sa kanila alam ni Seline na hindi lang ang AB Shipping Lines ang ine-invest-an ng kaibigan, tiyak na maging sa iba't-ibang malalaking kompanya rin sa tulong ng nakukuha nito sa Kalopsia. And all that investment turns out to be great. Hindi ito nagkakamali sa mga kompanyang ini-invest-an. Pero gaano man ito kautak sa larangang ng investment. Bagsak pa rin ito pagdating sa pag-ba-bake at pagluluto.

"Hindi naman sa manlalait ako. Pero mukha talaga 'yang malaking tae ng elepante na dinisenyohan," seryosong komento niya. Anong magagawa niya iyon talaga ang totoong nakikita niya. Ewan niya ba at iyon ang naisip niya.

Agad na umalingawngaw sa paligid ang malakas na tawa ni Daniella na para bang lahat yata ng mura ay gusto na nitong bigkasin.

"Puta! Kakagago! Fuck! Shibalyo jinja!" Masamang tingin ang ipinukol sa kanilang dalawa ni Chontelle. Kaya naman maging siya ay napatawa na din.

"Ganyan pala, fine." Kinabahan na siya sa sinabi nitong iyon. Subalit huli na ang lahat upang makaiwas dahil walang pasabi nitong binusalan ang mga bunganga nila ng cake. Halos masuka siya sa lasa niyon. Hindi niya malaman kung bakit parang may nalasahan pa siyang paminta at toyo.

Grabe! Hindi na nga maganda ang itsura. Pangit pa ang lasa.

Dali-dali silang nagtatakbo papunta sa kusina sa takot na ma-food poison. Akala niya ba ay cake iyon, bakit may paminta at toyo? Ano 'yun adobong cake?

"Fuck you!"

"Damn you bitch!" Sabay nilang naisigaw iyon ni Daniella habang paulit-ulit na nagmumumog ng tubig. Tawa lang ang isinagot sa kanila nito mula sa living area.

"Bakit ba hinayaan mo iyong maglamyerda sa kusina? Ikaw ang chef, diba?" salubong ang kilay na tanong niya.

Nakakabwiset talaga ang mga kalokohan nila.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now