Kabanata 18

258 9 0
                                    

Kabanata 18

Nagbalik na lang si Seline sa reyalidad nang mamalayang parating na ang binata. Bihis na bihis na si Christian at pormadong-pormado sa suit nitong suot na akala mo ay hindi nag-boxer kanina.

"Ayan ka na naman bunso. Tulala ka na naman, hobby mo na ba 'yan?" Doon na siya natawa at nahampas ang binata. "Aray ko ha!"

"Tara na nga Kuya at ang ingay na talaga nila, masakit na rin ang ulo ko. Medyo lasing na yata ako, " natatawang turan niya na agad namang sinang-ayunan nito.

Mula doon ay sumakay sila sa elevator pa-ground floor.

"Ayusin mo nga 'yang damit mo bunso, parang kinapos ang pilipinas sa tela niyan." Marahang sinabi ng binata iyon sa kaniya bagamat nag-u-utos. Doon na lang ni Seline napansin ang reflection mula sa elevator. Nanlaki ang mata niya at mabilis na itinaas ang nalilis na strap. Sinuklay ng kamay ang buhok at binura ang kumalat na make up.

"Sorry naman, ngayon ko lang napansin."

Kapag talaga si Christian ang kausap niya ay tila bumabalik ang dating Seline 10 years ago. 

"Asus, ikaw talaga." Hinila siya nito at inakbayan. Hinayaan niya na lang naman iyon dahil ganon naman talaga sila parati. Sa halos labing dalawang taong magkakilala sila ay minsan na ring sumagi sa isip ni Seline ang magkaroon ng romantic feeling sa binata.

Sa pagbabaliktanaw kanina, hindi niya napigilang tanungin ang sarili ng mga what if.

What if si Christian ang nagustuhan niya, kasal na kaya sila ngayon? What if ibinaling niya ang tingin sa binata may mangyayari kaya? Kung ganon ang nangyari, may anak na kaya sila ngayon? Hindi na ba siya masasaktan muli ni Phil?

Hindi manhid si Seline, alam niyang higit sa kaibigan ang turing sa kaniya ng binata. Kita niya sa mga mata nito ang lahat, marunong siyang magbasa ng tao.

Actually, Christian once told her that he likes her when they got drunk after her military mandate in PMA. Alam niyang nakalimutan iyon ng binata subalit siya ay hindi. Masyadong malakas ang alcohol tolerance niya kaya naman hindi siya ganoon ka-nalalasing.

Pero kahit anong gawin niya, hindi naman natuturuan ang puso. Hindi niya kayang baguhin ang turing sa binata dahil iyon lang ang maibibigay niya. Sa pagkakataong ito ay ipinagdamot niya ang sarili.

Doon napabuntong hininga si Seline at akma na sanang ibabaling ang tingin sa harapan. Gayunpaman agad na nangunot ang noo niya nang mapansing hindi ayus ang necktie ni Christian. Kaya walang sabi-sabing inayos niya 'yon.

Sa totoo lang nakasanayan na niyang ayusin ang necktie nito. Naalala pa ni Seline nang unang beses na mag-apply si Christian sa isang law firm for internship ay talagang binisita pa siya ng binata sa campo para lamang magpaturo sa pagaayos ng necktie at pagpili ng damit.

"Masyado ka naman yatang nagmamadali at pati necktie mo ay hindi na ayos. Si Kuya talaga, hay naku!" panenermon niya dito.

Nanatiling nakaakbay sa kaniya ito at bahagyang pinagtatawanan ang panenermon niya. Kaya naman napahasik siya at bahagyang sinuntok ito sa dibdib. Matangkad kasi talaga ito at maliit siya kaya 'yon lang naabot niya. Ngunit mukhang napalakas yata ang suntok niya.

"Masakit na, Love!" Doon na siya napatawa habang patuloy pa rin sa pag-a-ayus ng necktie.

"Baliw ka Kuya! Kung may makakakita sa atin sa malayo tiyak na iisiping may relasyon talaga tayo, " untag niya nang matapos ang pag-ne-necktie. Bahagya niya pang pinagpagan ang balikat nito.

"Hindi ba pwede 'yon?" Natigilan si Seline doon gayunpaman ay nangiti sa huli bago napiling hawakan muli ang necktie ni Christian.

"Hindi pwede hangga't wala pa akong nararamdaman sa'yo, " malumanay na turan niya bago pabirong inihampas sa mukha ni Christian ang necktie. Natawa ang binata.

Matalinong tao sila pareho, matured at alam ang mga bagay sa isa't-isa. Alam ni Christian na sinusubukan ni Seline na magustuhan siya, matagal na. Alam din naman ni Seline na naghihintay lang ang binata sa kaniya. At pareho nilang naiintindihan ang isa't-isa, hindi nangangakong tutugon o magbibigay ng kapalit ngunit kung walang dumating hanggang sa mag-kwarenta sila ay sila na lang dalawa.

"Tsk! Bakit ba kasi ang tagal mong mag-kwarenta?" Lalong natawa si Seline.

"Sira ka talaga Kuya, magkokombento ako bago ako mag-kwarenta para hindi ikaw ang pakasalan ko."

"Grabe naman 'yan, bunso! Paano kapag na-fall ka sa akin?"

"Edi may himala!"

Doon napasimangot si Christian at kumunot ang noo. Alam ni Seline na seryoso na ito subalit ayaw niya itong paasahin kaya sinasagot din niya ang binata ng seryoso.

"Anong simangot 'yan? Siya sige na papakasalan na kita kapag umabot ng kwarenta ay wala pa rin akong asawa," biro niya na ikinangiti na nito.

Napailing na lang siya at natawa muna bago tuluyang humarap sa elevator na kanina pa palang bukas. Subalit doon ay halos matigilan siya nang mapagbungaran ang mukha ni Phil.

Nakatayo ito mismo sa harapan ng elevator habang matiim silang tinitingnan.

Madilim ang mukha ng nasabing binata. Mariin ang tingin nito sa kaniya na para bang may ginawa siyang bagay na hindi niya dapat ginawa. Nakikita niya ang pinaghalong inis at—selos? Kung tama nga siya.

Pero si Phil, magseselos? Napaka-imposible naman yata niyon.

Ngunit sa puntong iyon ay napalunok na siya nang maalala ang huli nilang pinaguusapan ni Christian kanina.

"Oh Phil, ikaw pala. Long time no see." Si Christian ang bumasag sa katahimikan. Mabuti na lang at inalalayan siya nitong makalabas sa elevator kung hindi ay baka hindi na talaga siya nakalabas sa paraan palang ng titig ni Phil.

Biglang humigpit ang pagkakaakbay sa kaniya ni Christian na tila sinasadya nito at bahagya pang humihimas ang kamay sa braso niya.

"Hindi ka ba nilalamig?" bulong pa nito sa kaniya. Hindi katulad kung si Phil ang gumagawa ay may nararamdaman siya pero kay Christian, wala talaga.

Sasagot pa sana siya nang biglang may humigit sa braso niya at marahas siyang hinila palayo kay Christian.

"Long time no see too din, Chris, but to tell you the truth it doesn't feel nice to see you." Iyong lamig sa boses ni Phil ay bago sa kaniyang pandinig. Mukhang badtrip talaga ito at nadamay pa yata si Christian.

Nagulat si Seline nang biglang hawakan nito ang bewang niya nang sobrang higpit. Matapos ay mariing bumulong ng katagang, "maguusap tayo mamaya."

Napakagat na lang siya ng labi at hindi na nakagalaw pa.

"Excuse lang pero ako iyong kasama ni Seline. Ihahatid ko na siya pauwi, " mababakas na rin ang inis sa boses ni Christian. Kaya naman dali-dali siyang nag-angat ng tingin dito. Malaki ang utang na loob niya sa binata kaya ayaw niyang sumasama ang loob nito sa kaniya. Pero nang magtama ang mata nila ay kinindatan lang siya nito at pilit na ngumiti. Napabuntong-hininga siya. Ganito lagi si Christian,  naghihintay ito sa kaniya nang walang hinihintay na kapalit ngunit alam niya mula sa mga mata nitong nasasaktan ito sa nangyayari.

Subalit anong magagawa niya? Gustuhin man niya ay hindi niya magawang suklian ang nararamdaman nito sa kaniya.

"Dude, I am her boyfriend and I have no plan of letting her go that easy. Now, you don't have to wait until she turn 40, I'll take her as mine." Natigilan siya at halos magwala ang puso nang dahil sa narinig. May diin ang salitang 'boyfriend' at bakas talaga sa mukha nito ang selos, sigurado siya doon. Subalit ayaw niyang pangunahan ito. Dahilan ng pangungunot ng kaniyang noo.

Ano na naman bang pinagsasasabi nito?

"Phil ano bang sinasabi mo—"

Hindi na niya natapos ang tanong dahil hinihila na siya ng binata palabas ng restaurant. Mahigpit ang kapit ni Phil sa wrist niya at tila ayaw siyang pakawalan.

With a gust of wind, the cloud that obscured the moonlight disappeared. It seems that the earth wants to get rid of it before the moon turns her attention to the sun, who's been waiting for her to look back. Well, after all, this is a story of how ironically in love the sun is with the moon and the moon is with earth, as earth only wants all the attention.

I M _ V E N A

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now