Kabanata 47

182 6 0
                                    

Kabanata 47

"Where the heck are we?" Seline asked it for almost third time. Kanina pa nila iniwan ang sasakyan para pumasok at maglakad sa masukal na lugar na ito. Madilim na ang daan mabuti na lang talaga at mukhang reading-ready si Phil. May flashlight na dala ang binata.

"Just wait, we'll be there baby." Napasimangot siya doon.

"Stop that!"

"What?"

"That endearment, ang cringey!"

"Sus! Cringey daw,  if I know kinikilig ka na!" Doon na ni Seline nasipa ang puwet ng binata. "Ouch! That's hurt!" Nabitawan tuloy nito ang flashlight. Pinulot na lang iyon ni Seline at nauna nang maglakad dahil may mga bato naman na mukhang palatandaan ng daan.

"Nakakainis! Ayoko na talagang maglakad! Napapagod na ako!" Nagdadabog na pagpaparinig ni Seline. Sa totoo lang nagdadrama lang talaga siya. Kung tutuusin batak na ang paa niyang kinakalyo sa paglalakad, pagtakbo o kung ano-ano pang akribatikong aktibidad mula sa pagtatraining niya noon. Kaya hindi naman problema iyon. Sadyang nais lang niyang magreklamo.

Ngunit ikinagulat na lang ni Seline nang biglang may bumuhat sa kaniya mula sa likod. Hindi isang sweet na pagkakabuhat kagaya ng bridal style dahil ang loko binuhat siya na parang sanggol.

"Tangina!" malutong na niyang mura. "Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako, Phil!" Gulat na gulat si Seline at parang gusto na lamang niyang kainin ng lupa.

Paano na lang kung may makakita sa amin. Ano na lang ang iisipin nila?

"Relax Theia, ako lang 'to." Dahil doon ay lalo siyang nabwiset. Nahampas niya tuloy ang mayabang na binata.

"Hayup ka! Ibaba mo ako!"

"Huwag ka ngang sumigaw ang lapit mo lang sa tainga ko." Ngunit muling sumigaw si Seline sa tainga nito habang tumatalon-talon para sana mabitawan siya ng binata at ibaba.

"Ibaba mo na kasi—"

Ngunit kapwa sila natigil sa kawalan nang may maramdaman. Doon na napalunok si Seline. Sa ginawa kasi niya ay bahagyang kumiskis ang nakasentrong pagkababae niya sa pagkalalaki ng binata. Kapwa napalunok ang dalawa.

Naman! Nakakahiya na!

"T-Tara na pala, " bulong ni Seline bago isiniksik ang mukha sa leeg ni Phil sa sobrang hiya. Walang imik namang sumunod at naglakad na lang muli si Phil na animo'y nagkokontrol.

Calm yourself fucker! Are you trying to scare her? This isn't the time for you to wake up. Not now! I'm just setting the mood.

Hindi na napigilan ni Phil ang kastiguhin ang sarili sa nangyari. At para mawala ang atensyon sa awkward na pangyayari ay iniba na lamang niya ang usapan.

"I-Ilang kilong bigas ba ang araw-araw na kinakain mo? Damn! Ang bigat mo." Gustuhin man ni Seline na mag-react sa tanong nito ay hindi na niya ginawa. Nakakahiya na din kasi ni ang gumalaw pa mula sa pagkakabuhat nito.

Nakakatawang ilang beses naman nang may nangyari sa kanila pero ngayon pa sila naging awkward sa isa't-isa. However, the different thing about now is that they know to each other na may dapat silang pagusapan ngunit kapwa nila iniiwasan. At hindi nila nais pangunahan ng libog nang hindi nila naaayos ang problema.

Kaya naman ganon lang sila hanggang sa makarating sa patutunguhan. Agad naman siyang ibinaba ni Phil nang makarating na sila. Doo'y binungaran si Seline nang isang hindi kalakihang cabin. Nang ilibot ni Seline ang paningin sa paligid ay napansin niyang walang ibang tao kung hindi sila. Wala ring ibang bahay kung hindi tatlong magkakasunod na cabin at ilang cottage. Nang subukan niyang lumapit ay sumabay naman ang  pagilaw ng mga wireless christmas light sa paligid. Puti lang iyon ngunit napakagandang tingnan. Lalo at maging sa pinakadulo ay nagsi-ilawan na din. Kaya naman mula sa kinapuposisyonan ni Seline ay nakita niya sa 'di kalayuan ang isang bukal na umuusok habang bumabagsak ang mahina ngunit umuusok ring tubig mula sa tila waterfalls. Hindi makapaniwalang muli niyang inilibot ang paningin.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now