Kabanata 35

197 6 0
                                    

Kabanata 35

Sa hindi maintindihang dahilan ay bumalik sa alaala niya ang bagay na iyon. Matapos ang nangyari kanina sa bahay nila ni Phil ay agad na siyang umalis. Hindi niya kayanin ang nangyayari, para siyang pinaglalaruan.

Nakakasakal.

"Baka gusto mong magsalita." Nabaling ang tingin niya kay Aestellah nang dahil doon. "Papupuntahin mo ako sa simenteryo ng dyes oras ng gabi at aabalahin ang schedule ko para lang pahulain ako? E, kung ibaon at ilibing na rin kaya kita dito, Val." Natawa siya sa sinabi ni Aestellah. Naroon sila sa South Cemetery kung saan nakalibing ang anak niyang si Philip  at nagiinuman. Ang totoo ay pumuslit lang siya at napagalitan pa ng mga gwardya kanina buti na lang talaga at dumating si Aestellah na siyang kumausap sa mga ito dahil may tama na siya. Hindi pa nga nakakabihis ang kaibigan at naka-lab gown pa. Gayunpaman ay naroon pa rin ito para sa kaniya. Tinawagan niya kasi ito kanina, ayaw niyang magisa ngayon sa pagbisita sa anak.

"Phil is my fiance." Gulat na nilingon siya ng kaibigan sa sinabi niya.

"What?" Nilaklak niya ang beer na hawak bago muling nagbukas ng panibago. "Ano ka mo? Paano nangyari 'yon?"

"I don't know too, basta bigla na lang siya pala iyong fiance na gustong ipakasal sa akin ni Papa at ako iyong fiance na ayaw niyang pakasalan kaya tumawag siya sa Kalopsia. Nagkataon pa na siya ang naging kliyente ko. Ano kaya 'yon, diba?" Nanlalaki ang mata ng kaibigan niya sa sinabi niya.

"Teka! Teka! Seryoso ba 'yan o lasing ka na?"

"Gago ka ba? Totoo 'to. Seryoso ako!" Napakamot ng ulo ang kaibigan niya ng dahil doon.

"What the fuck?" Napatango na lang si Seline sa naging reaction nito.

What the fuck talaga!

"Oh, anong naging reaction ni Phil?"

"Wala." Muli siyang lumaklak dahil doon.

"Wala? What do you mean wala?"

"Wala nga."

"Seryoso? Ano siya doon display lang?" Bakas sa mukha ng kaibigan niyang nairita ito dahil doon.

"Ano ba dapat ang gawin niya Aes?" Bumuntong hininga siya bago napakagat labi. Hindi naman nakasagot ang kaibigan niya sa tanong na iyon. Nagbukas na lang rin ito ng panibagong lata ng beer at lumaklak na rin.

"Iniisip ko lang Val, what if malaman ng mga magulang mong si Phil pala talaga ang nakabuntis sayo noon no, ano kayang mangyayari?" Naiisip pa lang niya ang sagot sa tanong ng kaibigan ay natatawa na siya.

"Baka wala ng engagement na mangyari at diretsong simbahan ang tuloy namin." Although naiisip na niya na maaring alam na iyon ng tatay niya at lahat ng ito ay parte ng plano ng magulang. Pero mas pinili na lang niyang iwaksi ang isiping iyon. Nagtawanan na lang sila sa sagot niyang iyon.

"Pero kung iisipin, ang tibay rin nitong si Kuya Christian 'no? Lagi talaga siyang nandyan para sa'yo. Isipin mo, inako niya pa ang anak mo. Kung hindi ka lang siguro naagasan sa kabaliwan mo baka mag-asawa na kayo ngayon." Matapos sabihin iyon ay naglabas ito ng isang garapong Stick O mula sa shoulder bag nito at kinain naman iyon.

Nakagat ni Seline ang sariling labi. Hindi man niya aminin sa sarili. Alam niyang hanggang ngayon ay nagagalit pa rin siya hindi lang dahil sa pangiiwan sa kaniya ni Phil bagkus ay sa sariling katangahan. Katangahang humantong sa pagkawala ng anak niya.

"Siguro, pero alam naman mo naman kung sinong gusto ko noon." Napairap ang kaibigan niya sa sinabi niyang iyon.

"Here goes the idiot with in Seline Happuch." Natawa na lang ulit siya "You want?" Inambahan siya nito ng stick o, kaya naman kumuha na siya. "But Val, how about now? Umamin si Christian sayo hindi ba? Sa tagal ninyong magkaibigan, wala ka ba ni katiting na nararamdaman sa kaniya? Feeling ko meron, bakit hindi na lang si Kuya kasi?" Pinanlakihan niya ng mata ang mukhang may tama nang kaibigan.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now