Kabanata 54

173 6 0
                                    

Kabanata 54

Matapos ang pagbisita na iyon nila sa libingan ng anak ay napagdesisyonan na nilang umuwi sa bahay ng magulang ni Phil para kunin daw ang singsing. Hiyang-hiya pa ang binata sa kaniya nang sabihing dadaanan nila iyon. Ang pangit naman daw kasing pakinggan na naiwan pa nito ang pinakamahalagang bagay sa proposal.

Balak din nitong ipakilala na si Seline ng pormal sa ina at kapatid na noong una ay mahigpit na tinanggihan ni Seline ngunit kalaunan ay wala ring nagawa. Makulit si Phil at talagang walang balak pakawalan siya.

Habang nasa biyahe ay masaya silang nagkekwentuhan ng mga nagyari sa kanila this past ten years habang magkahawak ang mga kamay. Halos inabot sila ng alas nwebe sa tagal ng biyahe at sa traffic. Buti na lang at may snack silang dala kung kaya naman hindi sila nagutom. Seline was feeding Phil carefully habang abala sa pag-da-drive ang binata.

"We're here!" Natatawang turan ni Phil habang napapakamot ng ulo nang maiparada ang kotse niya sa harapan ng bahay nila.

"Thanks god!" anang ni Seline. Na akala mo ay siya ang nag-drive at siya pa ang pagod na pagod. Gayunpaman ay nakakapagod naman talaga ang naging byahe nila mula pa kahapon hanggang ngayon. Kailangan niya ng mahaba-habang pahinga. "Pwede bang hintayin na lang kita dito? Uuwi na rin kasi ako, gusto kong magpahinga."

"Bakit uuwi ka pa? You can stay here, Theia." Nangiwi si Seline.

"For once, have a delicacy. Phil, this is your family house."

"What are you thinking? Tutulog lang tayo, syempre." Pagdadahilan nito nang kapwa na sila makalabas.

Natatawang inilingan ni Seline ang binata bago nagtungo sa likod ng kotse para kunin doon ang mga dala.

"Hindi ako pinanganak kahapon Phil, alam ko ang likaw niyang alaga mo." Nang makuha ang mga pinamiling pasalubong ay hinarap niya ang binata na ngayon ay nakanguso't nakasandal sa kotse niya. "Matapos mo akong hindi tantanan ng halos isang linggo gabi-gabi, talagang umaasa ka pang magpapa-scam ako sa'yo?"

"Tss, so stingy."

"Ay naku, tigilan mo ako." Doon na sila sabay na pumasok sa kabahayan pero hindi pa man ay agad na natigilan si Seline sa paglalakad nang may mapansin siyang mali.

"Why? Is there any problem?" agad na naitanong ni Phil iyon.

"Bukas ang pintuan ninyo, sira ang doorknob." This time wala na ang kaninang ngiti sa kaniyang mga labi. Natigilan si Phil doon at agad na nilapitan ang pintuan. Subalit halos manlaki ang mata ni Seline nang makitang may red dot na sa likod si Phil.

Sniper!

"Fuck!" Agad siyang tumakbo at sinunggaban padapa si Phil. Kasabay niyon ang biglang sunod-sunod na putok mula sa sniper.

"Shit! Is that—"

Hindi na pinatapos pa ni Seline ang sasabihin ni Phil. Mamamatay sila kung hindi sila aalis sa kinalulugaran nila.

"Gumapang ka!" she shouted. Mabuti naman at agad na sumunod ito. Muntik pa siyang matamaan buti at mabilis silang nakagapang papasok.

"What was that? What's happening?" naguguluhang tanong ni Phil sa kaniya. "Fuck! Is that a sniper?" Bakas sa mukha nito ang pinaghalong pagtataka at pagkagulat. Hindi nito lubos maintindihan ang nangyari.

Sa puntong iyon, isa lang ang alam ni Seline. This is all about the blutmond ring. She needs to call back up. It's a raid. Hindi siya sigurado kung ilan ang makaka-engkwentro nila ngayon, mamamatay sila kung magpapadalos-dalos siya.

Mula sa bag na dala ay inilabas niya ang earpiece. Gamit iyon ay agad siyang tumawag ng tulong mula sa Agents ng Kalopsia.

"Seline, what is—"

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now