"Al." Aniya. 

 Humiwalay ako sa pagkakayap niya at hinarap si Al na nakatayo kalapit ng pink na maleta ko. "Kamusta po?" bati niya kay Mommy. Tumango si Mommy kay Al bago tinignan  ako ng nakakaintigang mata ni Mommy. Ngumiti lang ako sa kanya bago sinagot yon. 

"Pinasama kasi sa akin ni Tita Mildred si Al para daw may magbuhat ng maleta ko." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kasinungaling sinabi ko. Sinulyapan ko si Al na masama ang titig sa akin kaya agad akong umiwas.  

"Si Pops gising na? Bakit mo nga pala ako pinauwi dito?" Tanong ko sa kanya. Mukha naming walang emergency  na nangyari sa kanya dahil nakakangiti pa ito sa akin pero may iba sa kanyang mga titig na hindi ko maintindihan. 

"Inaantay ka na ng Lolo mo. Magpakita ka na. Nandon sila sa Hardin kasama ang Daddy mo." Nang marinig ko ang salitang Lolo ay bumilis angtahip ng dibdib ko. Hindi ko napaghandaan ang pagkikita naming dalawa. Hinawakan ako ni Mommy sa braso ko at nginitian lamang. Ito ba ang sinasbaing Emergency ni Mommy kaya agad niya akong pinauuwi. "Al, dito ka na magpa-umaga at mag-umagahan."  

"Okay po." Aniya ni Al. 

Pumasok na kami sa loob habang nakaalalay si Mommy sa braso ko. Nang mabungaran naming ang Sala ay hinarap ko si Al na nasa likuran naming. "Maiwan muna kita dito huh." Tumango siya sa akin. Nilingon ko naman si Mommy na nanunuood sa amin. "Mommy, ikaw muna bahala kay Al." Tumalikod ako sa kanila at naglakad papuntang Hardin na kinakabahan pa rin. 

Nakalimutan ko na wala pala kaming bahay dito sa Cagayan tanging  dito lang kami sa bahay ni Lolo nakikituloy pag nagbabakasyon kami noong bata pa ako. Tanda ko pa rin ang matigas na boses ng Lolo ang kanyang kilay na lagging nakataas at ang kanyang mukha na hindi mo makikitaan ng ano mang emosyon. In shor, napakasungit nito at kinatatakutan naming lahat.  

Sana pala tinanaggap ko ang suhestiyon ni AL na don na magpa umaga at mamaya na pumunta dito para makahinga muna ako ng mabuti at makapagready sa Lolo. Natanawan ko na ang dalawang lalaking magkamukhang-magkamukha na seryosong nag-uusap. Ang isa sa kanila ay itim pa ang buhok at ang isa naman ay maputi na. 

Huminga ako ng malalim. "Pops. Lolo." Tawag ko sa kanila. Lumingon sa akin ang dalawa ang may itim na buhok ay nginitian ako bago ang isa ay tinignan ako mag mula ulo hanggang paa na nakasimangot. Humakbang ako palapit sa kanila. Tumayo ang may itim na buhok na si Pops para ilahad ang dalawang kamay niya sa akin upang yakapin ko ng mahigpit. "I missed you, Pops." Hinalikan nito ang buhok ko bago humiwalay na sa akin. Tumungo ako para kuhanin ang kamay ng Lolo upang magmano. 

"Ano ba naman yang suot mo? Ang ikli-ikli." Aniya.  

"Pa." saway ng Pops sa Lolo. Gusto kong sumimangot at sumagot sa kanya pero itinikom ko nalang ang bibig ko. Ang lolo lang ang nakakapagpatikom sa akin ng bibig at siya lang ang bukod tanging kinatatakutan ko sa lahat. "Nag-umagahan ka na ba? Bakit ngayon ka lang nakarating imbes na kagabi?" Iniba ni Pops ang paksa para hindi na ako pag-initan ng Lolo. Agang-aga baka mahigh blood naman sa akin.  

"Nagkaproblema pa sa Airport sa Manila." Nakamasid sa amin ang Lolo kaya naiilang akong magsalita. Hinawakan ko ang nakatayong si Pops sa tenga bago binulungan siya. "Kasama ko si Al, Nandito siya." Bago humiwalay ako. Kinunutan niya ako ng no bago mahinang tumango sa akin. 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now