ADZU

55 0 0
                                    

May nightclass din ba sa University niyo? For sure may mga na-enconter din kayo sa school niyo. This happened to me.

Every Tuesday and Thursday ay may anatomy class ako. Nursing student po kasi ako nung time na yun. Yung anatomy class ko po ay 5pm to 8pm sa B building. Nasa 3rd floor po ang Anatomy Room namin malapit sa male CR at sa stairs so sa bandang right ng building. Sa kabilang dulo naman malapit sa isa pang stairs sa left side is Female CR.

Tuesday nun. Tahimik kaming lahat na nakikinig sa Prof. namin na babae hanggang sa matapos na ang klase namin. Ibig sabihin 8pm na nga. Simula dati loner talaga ako. Mahilig ako mapag-isa. Nag si-alisan na ang mga classmated ko kaya ang natira nalang ay ako, prof. namin at kaklase kong si Antonia. Nagpa-alam na din ako sakanila at lagi aking dumadaan sa kabilang dulo kasi gustong gusto ko mag-CR bago umuwi. Lagi akong mag-isang naglalakad sa madilim na corridor, patay na ang ilaw, pero sa CR hindi pa patay. Feel na feel ko pa nga magkalad dun mag-isa. Kasi nga kami nalang ang nasa building. Tapos sila nasa kabilang banda ako sa kabila din. Papasok na sana ako sa CR pero parang bumigat ang pakiramdam ko at tumindig balahibo ko. Kaya nag-decide ako na bumaba nalang sa stairs at umuwi. Natatakot nga ako bumaba kasi madilim kata binubukas ko flashlight ng CP ko. Lalo na sa 2nd floor natatakot talaga ako kasi Nursing Skills Lab yun. May mga totoong buto ng tao at dummies.

After nun ay nakauwi na din ako. After ilang days po, Thursday na may Anatomy nanaman ako. Dun na ako sobrang natakot at namulat na meron talagang kababalaghan sa adzu.

Nasa kalagitnaan na kami ng topics namin at sobrang tahimik na nun. Around 7pm na nun. Bigla nalang tumahimik prof. namin sabay sabi, "Ayan nanaman siya." Tapos biglang nag-react si Antonia, "Oo nga Ma'am kanina pa talaga yan." Na-intriga naman ako kaya kinulit ko si Ma'am, ako kasi ang Ate sa loob ng room. Di nagtagal sinabi na ni Ma'am samin.

Last tuesday daw nung kami nalang ang nasa room ay may sumisilip silip na maitim na payat na matangkad na kalbo na sumisilip sa pinto. Para lang siyang anino. Hanggang ngayon kinikilabutan ako. Nung nalaman ko na ganon ang nangyari natakot talaga ako sabay sabi, "Hala Ma'am di niyo ako ininform! Mag-isa ko pa talaga lumabas tapos sa kabilang dulo pa ako bumaba, kaya pala mabigat katawan ko mag-CR." Mangiyak ngiyak pa ako.

Tapos takot na kaming lahat nun. Lalo na yung ibang babae halos iiyak na talaga. Sigawan na sila. Kaya tinapos namin ang klase namin ng tahimik lang at nakikinig lang kay Ma'am. Nung umuwi na po kami sabay sabay kaming lahat at di na ako sa kabila bumaba. Dun na ako mismo sa stairs na katabi ng room namin kasama ang lahat ng mga classmates ko.

Di lang yun ang isang beses na nagparamdam samin yun. May time nga na nag-eexam kami at labeling ng biglang umikot ang doorknob at bumukas ang pinto nang wala namang tao.

May time din na sabi ni Ma'am lilipat na daw kami ng room kasi ayaw niya daw may mangyari samin na masama. Sabi ko naman "Okay lang naman Ma'am tsaka baka lalo magalit satin kapag umalis tayo dito or umiwas tayo." Pero sinabi ko lang yun kasi gusto ko pa ma-experience pa ang kung ano man ang meron dun sa 3rd floor. Di naman kasi ako nag-iisa. Marami naman kami.

Mismong prof. namin ang nagkukuwento saamin na matagal na daw na nagparamdam yun sa Anatomy Room.

---

Marami pa po akong kuwento. Ingat po sa mga may nightclass.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TRUE Philippine's Ghost StoriesWhere stories live. Discover now