Iyak

542 6 0
                                    

Nangyari ito sa JOLO. bago lang last MARCH. nasa kuwarto ako nun. Nakikinig ng music while texting. pero hindi ako naka-earphone. Si chelsea lang kasama ko nun sa bahay sa JOLO. that time naglalaba siya ng mga damit sa kusina. Black-out nung time na yun.

Busy texting lang ako kaya hindi ako nag-iisip ng kung anu-anong kababalaghan. Napansin ko nalang na parang may babaeng umiiyak. Kaya pinatay ko ang music sa phone. tapis pinakinggan ko. akala ko asawa ng SAF sa kabilang bahay. Sabi ko baka nag-away.

Pero kung asawa ng SAF. bakit sa may labas ng bintana ko siya umiiyak. tapos yung iyak niya parang nasa tabi mo lang na para bang pumapasok talaga sa utak. Tapos kakaiba ang iyak. Tumayo na balahibo ko nun. pero inobserbahan ko parin. Alam ko na na iba na yun.

Bigla nalang tinawag ako ng sister ko na nasa kusina. Kaya pumunta ako. Hindi ako nagsalita kasi ayoko siyang matakot. pero tinanong niya ako.
"Narinig mo yung umiiyak?" tanong niya.
nagulat ako. bat niya maririnig eh sa bintana ko yun. layo kaya. tapos hina pa ng iyak.
"narinig ko." sabi ko sakanya. "kakaiba iyak nuh? creepy."

Binalewala nalang namin hanggang sa tumigil. pero takot na takot kami. kasi ang iyak parang hagulgol na tapos nag-eecho na sa buong bahay. eh kami lang dalawa dun. Blackout pa.

Di ko na sana to iupdate kasi di masyado creepy. kaso ito lang maalala ko. 😂 peace lang.

TRUE Philippine's Ghost StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora