Lilong

803 14 0
                                    

Guys. Minsan na kuwento naming magkakapatid to sa kaibigan naming taga malaysia. Pinangalanan niya ang nilalang na to ng tuyul. Sooo now sinearch ko siya sa google. try niyo po isearch.

ito po yung definition ng apperance niya. copy paste po yan.

People normally associate the appearance of a toyol with that of a small baby, frequently that of a newborn baby walking naked with a big head, small hands, clouded eyes and usually greenish skin. It can be seen without the use of magic, though they are unlikely to be spotted casually.

Those who did claim to encounter it described its actual appearance to be childlike (a toddler) with green/gray skin, bald, big red (alien-like) eyes, pointy ears and rows of sharp teeth, and sometimes reported with hairs, like a monkey. Its behaviour is more animal-like. It tends to climb on rooftops either to play or prior to entering houses.

So meron pong kaibigan si mommy na Tuyul. ang name po niya ay si lilong. Lahat po kami na encounter na siya. Grave mapaglaro siya. pero ikaw ba naman? kaya mo ba makipaglaro sa ganyang itsura? no way.

Lahat kami nakaexperience na ng yung kapag tulog kami bigla nalang may kakagat kagat sa kamay mo. hindi masakit pero nakakakiliti sobra. tapos lulunukin ng buo ang kamay mo. siyempre di ka makagalaw. paralyze. mararamdaman mo talaga yung sticky feel ng lalamuman niya. grrrr. kinikilabutan ako ngayon. ganon siya kakulit!!!

Tapos alam mo yung kapag papagising ka palang. tapis biglang tatalon sayo. in a form of bangungot siya nagpapakita kasi di ka makagalaw. tatalon talon siya sa labas ng muskitero sabay tawa. yung boses sobrang liit. suuuuper!!!

Minsan nga yung kapatid kong si shaiva yung bunso. di daw siya makatulog nun. nakatagilid siya sa papunta sakin. alam niya na babangungutin na siya kasi iba na pakiramdam niya. opo gising ka po sa tuwing binabangungot ka. tapos nung tumagilid siya patalikod saakin nagulat siya sa nakita niya. madilim sa kuwarto ko kaya ang nakita niya dalang matang yellow na para bang makintab sa dilim. sobrang parang nagising daw lahat ng dugo niya sa katawan sa sobrang takot. mas lalo siyang natakot sa sinabi ni lilong. "neeeee. tumingin din siya". pinong boses okay??? imagine that?? tapos nakasmile hanggang tenga tapos ang tutulis ng ngipin. i wish di po niya kayo bisitahin. kasi alam niyo na name niya. 😭😭 LILONG.

Napatunayan namin na totoo siya dahil minsan may nakitulog sa bahay namin. nagpaalam na kami kay lilong at sa iba pang mga kasama namin sa bahay na wag takutin. Nung mga around 11pm. busy texting ako. nagulat ako sa sigaw niya. so takbo ako agad sabay sigaw ng malakas. "Dad!!!! si uncle!!!" takbuhan kami papunta sa kuwarto niya. sakto pagdating namun dun sa room niya papalabas na siya. ang nasabi niya lang. "Aun bata bata ha bilik yan." ibig sabihin nun. may bata sa kuwarto na yan.

So nung mahimasmasan na siya. kinuwento na niya. nung una daw mabilis lang daw na paikot ikot yung maliit na bata sa kuwarto niya. hindi pandaw siya masyadong natakot. tumatawa tawa pa daw si lilong. sumigaw daw siya nung tumalon na papunta sakanya.

Dahil sa takot lahat kami natulog sa sala. kasama si uncle na nakitulog saamin. naririnig ko siya na di makatulog at nagdadasal. halata na di parin siya nilulubayan ni lilong.
Kinabukasan nagkuwento siya. Hindi daw siya pinatulog ni lilong. dinala daw siya nito sa mundong puro bundok at sapa. 5 bundol at tatlong sapa ang pinatawid sakaniya habang nakapasan ito sa likod niya.

Tinanong namin siya kung bakit. May kasalanan daw siya. marami na daw siyang asawang iniwan at mga anak na pinalaglag.

kaya naman pala. si lilong pa naman at ang mga bantay sa bahay ayaw sa mga taong maitim ang budhi.

TRUE Philippine's Ghost StoriesWhere stories live. Discover now