Sino siya?

674 16 2
                                    

Minsan. nagkuwento kami ng kapatid kong bunso tungkol sa mga karanasan namin na nakakatakot. Nasabi ko sakaniya na gusto ko talaga malaman kung sino yung babarng laging nagpapakita sa bangungot ko.
Naalala ko yung sinabi niya saakin nung 2ndyr. highschool palang ako bata pa siya nun. Humiram siya ng cp saakin. Tapos nagpicture siya nang nagpicture sa kuwarto ko. Nasa may paanan ko siya nun. ako naman natulog nako kasi nga may pasok. Naaalala ko kinabukasan sinabihan niya ako na dindaw siya nakatulog kasi daw nung nagpicture daw siya sa may bandang corner ng kuwarto malapit sa pinto. meron daw babae na mahaba ang buhok. naka white na pantaas parang sa buwan ng wika tapos nakawhite din na paldang mahaba. Tinanong ko siya kung nasan ang pic. ang sinabi niya saakin binura niya daw dahil nga takot siya na baka lumabas o gumalaw. nainis ako. sabi ko bat niya ako di ginising gusto ko talaga makita kung sino ang babaeng yun. sabi niya di din naman daw kita ang mukha. kasi takip ng buhok. Atsaka takit daw siya saakin kasi baka daw kapag ginising niya ako sipain ko siya. 😂😂 ayoko pa naman ng ginigising. So nawala na yun sa isip ko.

Pero nung nagkuwento kami ng kapatid ko naalala ko yun. tinanong ko siya ulit tungkol sa picture. parang hinuli ko siya kung totoo. kasi bata parin siya talaga nun. sabi niya. oo. so nagulat ako kasi naalala niya. natakot pa nga siya nung pinaalala ko. tinanong ko ulit sakaniya kung ano ang suot. ano ang itsura. matangkad ba. sabi niya di niya makita ang itsura. matangkad daw. mahaba buhok. nakatagilid. sabi ko panong tagilid?

ito sinabi niya na nagpatayo talaga ng balahibo ko at ang sagot kung bakit feeling ko laging may nakatingin saakin.
"Nakatagilid siya. nasa paanan mo kasi ako nun. so yung sinasandalan ko yun din ang sinasandalan niya. yung angle niya ay nakatingin siya sayo medjo nakayuko."

Napasigaw ako sa sinabi ng kapatid ko. Gusto ko malaman kung sino ba talaga ang babaeng yun. at kung ano ang kailangan niya saakin.

TRUE Philippine's Ghost StoriesWhere stories live. Discover now