Ramos Beach Part 2

32 1 0
                                    

Tulad nga po ng sinabi ko sa Part 1. Sumama po samin ang kung ano mang nialalang ang bantay sa Ramos Beach.

Pag-kauwi po namin sa bahay medjo may trauma pa po kasi akala namin di na talaga kami makakauwi. Pagka-dating sa bahay ay siyempre naligo na po kami kasi naging asin na ang tuyong dagat sa katawan po namin.

Pagkatapos ko po naligo at nagpalit into pajamas pumunta ako sa kuwarto ng Tita ko, si Tita Maricel. Dun po tahimik kaming dalawa, nakahiga at busy sa mobile phone namin. Bale nawala na sa isip ko ang nangyari samin sa Ramos Beach.

Pero di nagtagal sa peripheral vision ko nakita kong dahan dahang may humihila sa towel na nasa hanger na nakasampay sa may gilid ng kuwarto sa may wall. As in dahan dahan itong hinihila. May part pa nga na napapatigil. So nakatingin na ako sa towel pati ang Tita ko. Ang laki ng mata namin at di makapaniwala sa nagyayari. Nung bumagsak na sa sahig ang towel saka kami bumalik sa pag-iisip.

"Hala! sumama satin yung sa beach." Sabi ng tita ko. So nag-agree din ako kasi nga kitang kita ko na mag-isang nahulog ang towel sa sahig ng dahan dahan kahit impossible.

Lumabas na ako mg kuwarto ng tita ko tapos pumunta ako kay Mommy. Nakita ko si mommy na matamlay at parang di mapakali. So lahat kami nasa tabi niya na at nag-aalala. Tinanong namin siya kung anong nangyayari sakaniya. Sabi niya lang "sumama yung babae saatin dito sa bahay. Gusto niya ako kunin." Dun na ako natakot kasi nga si Mommy ang kilala ko na di matitinag sa mga engkanto or elemento na ganiyan.

Matapos ang ilang araw lalo pang nanghina si mommy at parang nag-papaalam na saamin. Sa tuwing natutulog daw siya ang kaluluwa niya daw ay nasa Ramos Beach. Pati raw ang lola ko na namayapa na nandun upang protektahan siya habang siya ay natutulog. Pero di niya na daw kaya.

Nag-alala na kami kasi baka kapag tumagal pa baka tuluyan nang kunin ang nanay ko. Pati si Daddy nag-aalala na din kaya naghanap kami ng albularyo na muslim para humingi ng tulong. So ang advice saamin ay bumalik doon sa Ramos Beach at magdala ng manok na babae bilang alay at magtirik ng mga kandila. Kinabukasan agad kaming bumalik. Inalalayan namin si Mommy na nanghihina na paakyat ng bangka.

Medjo maalon nung time na yun kaya natagalan din kami sa biyahe. Makulimlim din ang panahon. Isang bangka lang kami nun bale mga 8 lang kaming bumalik doon. Si Mommy, Daddy, Ako, kapatid kong si Chelsea at Shaiva, uncle Hussin, Tita Girly na bestfriend ni mommy, at si Tita Maricel. Dala dala din namin ang manok na babae at mga kandila.

Nung bahagyang malapit na kami sa island umiyak na si Mommy sabay sabi, "andun siya oh! Inaantay niya talaga ako! Nakadungaw sa bintana." Nakadungaw daw ito sa may abandoned na resort room. Tinignan namin pero wala talaga kaming makita. Sumigaw nanaman si Mommy, " Ayun na siya nakatayo sa may puno ng niyog, naka-uniform siya ng puti tapos paldang pula." Pero wala parin kaming makita.

Pagkasampa ng bangka sa beach, bumaba na kaming lahat. Inaalalayan namin si mommy. Pinalaboy nanamin ang manok upang maging alay saka kami nagtirik ng kandila sa lahat ng corners ng mga resort rooms.

Ako naman kasi bata pa ako at mahilig sa dagat inenjoy ko na din yung time namin doon. Naligo kami ni Tita Maricel sa dagat. Nagtatawanan pa nga kami ni Tita nun nang bigla siyang sumigaw ng "Aray." Tinanong ko siya kung bakit. Tumama daw ang tuhod niya sa bato. Nung itaas niya ang tuhod niya dumudugo pa ito, pero laking gulat namin nung biglang may lumutang na walis tingting out of nowhere. Duun nanaman bumalik kami sa realidad. Natakot nanaman ako kaya umahon na kami sa dagat pero bitbit namin ang tingting.

Pumunta kami kung saan banda sina mommy at napansin naming lalo na siyang naghina at nagkukuwento si Tita Girly na ininom daw ni mommy ang bagong kulong kape na para bang hindi ito mainit sabay sumuka ng dugo. Sabi ni mommy parang malamig na kape daw ang ininom niya. Lalo na akong natakot. Kasi di nga successful yung alay alay na sinasabi ng albularyo. So napaisip ako, "Ma, baka gusto niya tayo maglinis kasi nung masugatan si Tita kanina sa dagat lumutang to." Di din sila makapaniwala kasi nga pano magkakaroon dun ng bagong walis tingting. So naglinis na kami.

Nung around 3pm na nag-ready na kami para umalis sa beach at bumalik ng Jolo. Lalo na rin lumala si Mommy. Nagsisi-iyakan na kami sa bangka. Pagkadating namin sa Jolo sa tanjung. Sabi ni mommy, " Dad, dalhin mo na ako, ipagamot mo na ako. Di na ako aabot sa bahay." Di na siya makatayo nung time na yun. Buti nalang talaga sa Tanjung meron palang marunong na manggagamot. Dumeretcho kami doon. Dun nagpa-usok agad at kung ano ano pang ritwal ang ginawa. Pero milagrong naging okay si Mommy bigla. Kaya umuwi na kami sa bahay ng nakakahinga na ng maluwag.

Pero tumatak samin ang sinabi ng manggagamot. Sabi niya nagustuhan daw ng babaeng multo doon si mommy at nais niya itong kunin upang maging nanay nga daw. So ang ginawa niya kinausap niya ito at pinakilala kaming lahat sa babaeng yun para kahit anytime kaming pumunta di na niya kami ijijilaka. Jilaka means parang sasaktan ka or ihaharm ka.

Pero to this day NEVER again, never na kami babalik doon. Kahit pa tourist spot na ulit ang beach na yun ngayon.

---

Medjo kulang kulang na din ang info kasi nakalimutan na namin. Pero marami pang updates. Soon is tungkol sa new school ko ditonsa zamboanga which is ATENEO DE ZAMBOANGA UNIVERSITY.

TRUE Philippine's Ghost StoriesWhere stories live. Discover now