Sit Sit

768 19 0
                                    

Naranasan niyo na bang sit sitan? Sigurado kaba na tao yun?

Marami akong karanasan tungkol sa sit sit. Kung sino? di po namin alam. pero ang ikwewento ko lang ay ang mga naaalala ko pa.

Sa jolo. Sa labas ng bintana ko puro malalaking puno ang makikita mo. Mangga, Star Apple, Langka, Jemeliya, acacia at iba pa. Tuwing gabi iniiwan kong bukas ang bintana ko. Nagbabasa ako nun ng LIBRO. anatomy yun. 2nd year highschool.
As in busy akong nagbabasa nang biglang may sumitsit saakin mula sa labas parang malayo para bang nasa taas ng puno. "Psssssssssssssst" mahabang sit sit. mga 2 seconds. siyempre napalingon ako at sinilip ko kung sino. Madilim sa labas pero di masyado kasi may ilaw. So wala akong nakita. pero binalewala ko nalang at nagbasa ako ulit.
Mga after 5 mins. Sumitsit ulit. "Psssssssssst" ganun parin kahaba. so tinignan ko ulit at linapitan ko nga talaga yung bintana as in sinilip ko. ang kama ko kasi malapit sa bintana. as in dikit. kaya kitang kita ako sa labas kita ko rin ang labas. wala parin akong nakita.  hinayaan ko ulit.
Mga after 3 mins sumitsit ulinsiya. "pssssssssst". mas mahaba. ang ginawa ko sinara ko ang bintana ko ng pagkalakas lakas kasinnga nakakaistorbo. ewan ko kung bakit ako di takot. siguro stress lang ako nun kasi malapit na exam. tumigil din naman ang sit sit. pero hindi lang yun isang beses nangyari sakin.

ito naman lahat kaming magkakapatid. kasama pa namin yung ex husband ko. ilang years narin. nagtatawanan kami sa sala. sobrang ingay namin. sa jolo parin ito. mga around 10pm na yun. nanonood kami ng TV. sakto nung tumigil yung advertisement tahimik ng 2 seconds ang bahay. biglang may sumit sit samin mula sa kusina. as in madiin, mabilis, para bang galit. "Psssst!" ganun. so napalingon kami. sabay sabi ko. "narinig niyo yun?" gulat kami kasi nakakagulat ang magsit sit. at alam namin na walang tao sa kusina. wala ngang ilaw dun nung time na yun kasi pinatay namin. so hininaan namin ang TV at tumahimik kami. kasi baka naingayan samin yung bantay. pero my god. muntik kami magkaheart attack sa lakas ng pagkasitsit.

TRUE Philippine's Ghost StoriesWhere stories live. Discover now