Nandidito kami

306 2 0
                                    

Ito ang experience ko sa first night ko dito sa Dorm. Di ko alam kung bakit parang antok na antok ako tapos ang panaginip ko pagod na pagod ako. Para bang nawawala ako at kailangan kong umuwi.

Mga around 1am nagulat ako nang may tumunog na malakas na kalabog sa loob ng dorm ko. Kasama ko kapatid ko. Tinitigan ako ng kapatid ko. Tapos after 10 minutes na titig niya sa may saksakan or outlet, tumayo siya at ininspection ito. Ako naman clueless kasi para nga akong lutang sa antok.

Tapos saka niya sinalsak ang charger niya pati ang electricfan ulit.

Kunabukasan nung magising ako kwinentuhan niya ako na di daw siya nakatulog kagabi. Tinanong ko kung bakit. Binabangungot daw kasi siya pati sobra daw talaga kung ano man daw ang nakatira dito sa dorm.

Kasi nga nung time na yun na may kumalabog. Hinila pala yun ng kung ano man o sino man ang nandidito. Hinila ang saksakan ng charger pati electricfan ng pagkalakas lakas. Yung hinila mula sa wire talaga sabay tinapon.

Nung ikwento niya yun saka gumana ang utak ko. Sabi ko "Oo nga pala nuh? kaya pala sinaksak mo ulit kagabi ang charger pati electricfan? Matagal ka pa nga bago bumangon para isaksak ulit."

Di ko talaga namalayan yun kasi para bang lutang ako nung gabing yun.

Kung paano yun nangyari? hindi ko alam.

Para bang gusto nilang ipahiwatig na "nandito kami".

TRUE Philippine's Ghost StoriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora