Matandang Nurse

682 17 0
                                    

Sa ROOM 2 ito lagi nangyayari. kasi dun lang naman lagi magisa nag pasyente. Ang nurse na to kasi pupuntahan ka lang niya kung magisa ka. Dalawa lang ang private room sa hospital. ROOM1 at ROOM2. Sa ROOM1 pwede dalawa. Sa ROOM 2 magisa ka lang talaga.

Kwento ito ng isang sundalo. Gabi na daw nun nong may pumasok na sobrang tanda nang nurse sa room niya. may dala itong tray kung saan may injection. "Sir, oras na po para sa injection niyo." sabi daw ng nurse. boses matanda. kinikilabutan daw siya sa itsura ng nurse kasi sobrang puti na lahat ng buhok. nagtaka siya kasi kalalabas lang ng isang nurse na naginject sakanya kaya sinabihan niya ito na baka magkakamali lang ito kasi tapos na siya na bigyan ng injection baka nga daw nagkasalubong pa sila ng nurse. galit daw na sinabi sakaniya ng matandang nurse na iba daw yung gamot na iiinject niya. kinakabahan ang lalaki kasi takot nga siya din sa injection kahit na sundalo siya. matagal silang nagdebate. nung naupo na yung sundalo napansin niya na nakalutang lang pala ang matandang nurse. Nagpanic siya at nagtatakbo palabas. nahimasmasan siya ng mga nurse sa labas. Natanggal ang IV niya. Dun ikwinento niya sa mga nurse. kinilabutan siya sa sinabi ng mga ito. "buti nalang talaga sir hindi ka nagpainject. kasi marami nang namatay ng hindi mapaliwanag dahil daw nagpainject sa matandang nurse na yun".

Kwento ito ng isang sundalo na nainjectionan ng multong nurse na yun. Gumagaling na ang sundalo nun sa sakit niya. paalabas na nga daw sana ng hospital kinabukasan. nung biglang kinabukasan namatay nalang bigla ng hindi maipaliwanag. Isang bata ang nagsabi na may nakita daw siyang nurse na pumasok sa kuwarto n lalaki. " nakita ko yung nurse na puti yung buhok. lumilipad lang siya. pumasok sa room ni sir _____. tumakbo ako natakot ako kasi hindi tumatama sa lupa ang paa niya."

kaya wag kayong basta bastang nagpapainject sa mga nurse. tignan niyo muna kung tao ba talaga o nakalutang lang ang paa.

TRUE Philippine's Ghost StoriesWhere stories live. Discover now