Poltergeist

350 4 0
                                    

Nangyari ito dito sa Zamboanga sa kuwarto ko.

Matutulog na kami ng kapatid kong si shaiva. Sa kuwarto ko siya natulog kasi nga gusto niya. So pinayagan ko siya.

Antok na talaga ako nun. Kaya sinabit ko ang bag ko sa pader malapit saakin. Tapos saka ko pinasok sa bag ang CP ko. Yung CP ng sis ko linagay niya sa may mesa. Natulog na kami.

Mga around 2am nagising ako kasi nga ginising ako ng kapatid ko. Halatang kakagising noya lang din.

"Te? nasan ang CP ko?" sabi niya. Sabi ko "Ewan ko." pero kinapa ko ang kama nang nakapikit ang mata ko. Nakapa ko ang CP ko pati CP niya sa may ulunan ko. So inabot ko sakanya tapos saka ako natulog ulit. Natulog na kami ulit.

Kinabukasan. Hinanap ko sa may ulunan ko ang CP ko. Bumangon na ako kasi mga 11plus na yun. Late na ako nagising. Hindi ko mahanap sa may ulunan ko.

Naghilamos nalang muna ako. Tapos bigla kong naalala na nilagay ko ang CP ko sa bag ko. Pununtahan ko tapos laking gulat ko na nanduon.

Pinuntahan ko ang kapatid ko. "Bang naalala mo kagabi na yung CP natin nasa ulunan ko?" Tanong ko sakanya. Sabi niya "Oo." sabi ko nalang "okay. Weird man."

Nacurious parin ako. Tinanong ko siya ulit. "diba nakita mo na pinasok ko ang CP ko sa bag kagabi bago tayo natulog???" tanong ko sakanya. "Hala. Oo te. pano napunta sa ulunan mo? kahit yung CP ko nasa mesa yun. Ginamit mo CP ko te?" tanong niya. sabi ko "Hindi uy. Kaya nga eh. Bago tayo matulog pinasok ko muna ang cp ko sa bag ko tapos yung sayo linapag mo sa mesa."

Gets na namib agad na mero nanamang nkipaglaro saamin kagabi. Imposible kasi na may makakaabot ng bag ko nang hindi ko nalalaman kasi dadaan talaga saakin.

Grabe weird.

TRUE Philippine's Ghost StoriesWhere stories live. Discover now