Ramos Beach of Jolo,Sulu

420 7 5
                                    

Nangyari to noong 2nd yr. High School palang ako. Unang punta nila sa Bangas Island Ramos Beach si po ako kasama kasi nga bawal absent sa school. So nung ikasecond po kasama na ako.

Halos mga 20 minutes din ang layo ng bangas island. Nagbangka pa kami papunta dun. Yung father ko kasi mahilig sa dagat kaya marami kaming mga bangka noon. Dalawang bangka ang gamit namin nun. Kaming magpamilya magkasama nun pati yung mga bata ni dad at mga friends ko na swimmers.

Pagdating namin sa Ramos Beach. Sobrang na amaze ako sa ganda. 💕 Napakagandang beach, walang katulad. Walang lime stones kundi puro pinong puting buhangin, shells at mga pebbles na napakaganda lang ang nandun.

Pagdating namin dun meron nang mga nauna, mga sundalong marines. So siyempre nagenjoy na kami nung time na yun. Basta walang tigil ang pagtampisaw namin sa napakagandang paraiso na yun.

Ako kasi ang tipo ng tao na mahilig mag-explore yung tipong mahilig magikot at magobserve kung may makikita ba akong iba pang mga nakakabighaning lugar o sulok sulok dun.

Ang napansin ko lang, Ang Ramos Beach ay parang dating resort na napabayaan. dahil nandun parin yung mga lumang rest houses nakatirik at okay na okay pa ang pagkapintura. Siyempre nagtaka ako kung bakit naging parang kumbaga ghost town.  Nagikot pa ako hanggang sa dulo. may mga bahay na sobrang okay pa tapos iniwan na ng mga may ari. Parang naisip ko ang weird at creepy.

Di nagtagal umalis na din yung mga sundalo.  Nagbangka na sila ulit papunta sa Jolo. Tapos amg pinagtaka namin, ang tingin nila saamin ay parang, "Hindi pa to sila uuwi". ganon! Mga 3pm na nun.

So nakaalis na sila. Tapos kami kami nalang talaga dun. para bang kami ang may may-ari ng resort na yun. 😂 Di din nagtagal nagpaalam sina dad pati yung iba pang mga kasama niya na pupunta sila tung tung island na malapit lang din sa bangas. Mga 30 mins biyahe papunta dun mula sa bangas. So pumunta n sila. Gamit nila yung isang bangka.

So yun nagsaya parin kami. Continue kami sa paglangoy. Nang bigla nalang nagpanic ang lahat. Nalunod si mommy at si MM na 1 yr old palang nun. So pinuntahan namin. Tinignan ko si mommy, di siya nagsalita. Yung sinabi niya lang. "Contact niyo si daddy niyo, pabalikin niyo na dito para makauwi na tayo." so kinontact ko si dad, malas lang kasi wala palang signal sa tung tung island. So wala kaming choice kundi maghintay.

Mga 6pm narin nun. Sa muslim ang tawag magrib na. Di parin nakakabalik sina dad. Madilim na. Nagkuwento na si mommy. Meron daw humila sakanya mula sa likod. Di daw talaga siya binitiwan. Nakayakap daw yung braso sa may bandang leeg niya. Babae. Maraming saksi, na yung si MM baby. Para daw may sumusubsob sa bata sa tubig. Yung aangat na ang mukha ng bata pero may hihila ulit. Dalawa sila ni mommy nalunod non. At ang mas creepy, nalunod sila sa mababae lang, hanggang gitna ng binti lang. Sabi ni mommy para daw biglang lumalim. Sobrang lalim daw.

Edi tahimik na kami lahat sa may shore. Naghihintay kami na makabalik sina dad. nakaupo kami sa buhangin while praying na sana makabalik na sina dad.

Mga 7pm na sa wakas dumating n sina dad. Nasiraan daw sila ng makina. Nagpahila lang sila sa fishing boat. Pero imposible na masira ang makina kasi bago. Kaya sabi ni mommy. Sinasadya daw talaga para di kami makaalis. Sobrang dilim na nun. Nakakatakot na.

So dalawa nga ang dala naming bangka. Hinila nalang ng isa yung isa. Halos mga 15 minutes din kaming nakaandar pero paglingon namin di parin kami nakakaalis sa ramos beach. Di kami lumalayo. Tapos namamatay ang makina namin. Kapag namatay yung isang makina, magiging okay naman yung sa isa. Weird na talaga. Nakahinto lang kami sa dagat ng ramos beach nun. Nakatingin kami sa dagat. Sobrang ganda. Parang may mga isdang may neon lights. Sumigaw si dad na wag daw namin titignan at papansinin. Napakaganda ng dagat. Bigla nalang na cut ang attention namin sa kung ano man ang mga nasa dagat nung biglang may taong nahulog sa dagat. Sigawan kaming lahat. Nahulog yung isa kong kaibigan sa dagat. Hinila na siya paakyat ulit. As in. UMIYAK siya. kumakain kasi siya mg mangga nun nung biglang may humila daw sakanya. Napaisip ako, bakit siya iiyak? eh dun sa jolo sa Tanjung beach ang bahay nila at di yun natatakot lumangoy sa laot kahit gabi. Ibigsabhin ay meron nga talagang humila sakanya.Di nagtagal nabuhay na din ang makina.Di parin kami lumalayo mula sa beach. Nagdasal nalang kami ng taimtim. Di nagtagal lumalayo na kami. Nakauwi kami ng jolo mga 10pm na. Ganon ka tagal. Sobrang nakakatakot experience namin na yun. Napag alaman namin na kapag 3pm na pala dapat umalis na sa beach. Kaya pala ganom amg tingin samin ng mga sundalong marines. At sa tagal namin naligo dun, ito lang ang aking napansin, Ni isang tao na taga Bangas island, wala akong nakitamg pumunta sa Ramos Beach.

----


Ito pong kuwento ko na to. Totoo po ito. May part two pa po to. Bumalik kami dum kasi sumunod samin yung kung ano man o sino man ang nakatira dun. Totoo po tong nangyari. Kahit mamatay pa ako.

TRUE Philippine's Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon