Bulong

532 10 0
                                    

Ikwinento ito ng teacher ng kapatid ko sa Southern sa loob ng room nila.

Dati daw meron siyang naging estudyante na matalino. Matalino daw ito at active sa klase. Pero isang araw daw bigla nalang napapansin niya na para itong balisa palagi at bumababa na ang grado at hindi na aktibo sa klase.

Ilang weeks din na ganon bago siya kinausao nito at nakakakilabot ang sinabi ng estudyante.

" Ma'am may babae po na laging bumubulong saakin." sabi ng estudyante.

"Ano naman ang binubulong sayo at sinong babae?" tanong ng teacher.

"sabi ng babae saakin "tumalon ka sa 5th floor, tumalon ka sa 5th floor." paulit ulit ma'am. naririnig ko hanggang ngayon." sabi ng estudyante na parang nababaliw na sa naririnig.

"Sige hayaan mo. umuwi kana muna. bukas kanalang pumasok." pinauwi na ng teacher ang estudyante kasi alam niya na mrami din talagang kababalaghan sa school.

Ilang araw din na ganon. laging lumalapit ang estudyante sa teacher. kaya pinapauwi ito ng teacher. hanggang sa di na makayanan ng estudyante dahil lagi daw siya sinusundan ng babae. Hindi na pumasok ang estudyante at wala nang narinig mula sakanya hanggang ngayon.

---
sayang naman nuh? ang talino. di natapos dahil ginugulo ng masamang elemento.

TRUE Philippine's Ghost StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora