Babaeng Anino

402 7 1
                                    

Naghappen po ito sa sis kong si Chelsea. Sa Jolo din. Elementary pa siya nun. Gabi po ito nangyari, lahat kami nasa sala. Tapos may kinuha siya sa kuwarto nina Mommy. Ewan ko kung ano.

Nung papasok palang daw siya sa loob ng kuwarto alam niya nang may something kasi mabigat na ang pakiramdam niya. Pero tumuloy parin siya.

Gaya nga ng sabi ko, ang kuwarto ko at kuwarto nina Mommy connected, walang ilaw, kasi nga gusto ko laging madilim.

Pumasok parin siya, may dim light naman. Habang hinahanap niya daw sa taas ng aparador yung kailangan niya, napansin niyang pabigat ng pabigat na ang pakiramdam niya. Para bang gusto niya nang tumakbo. Sobrang nakatayo na saw ang mga balahibo niya sa batok niya.

Pero tiniis niya daw ito. Pero nung mapalingon siya sa gilid niya, halos mahimatay siya sa nakita niya.

Babaeng parang anino lang na nakalutang, Nakatitig ito sakanya. sobra daw ang gulo ng buhok nito at as in malapit talaga sa kanya. Ang ginawa niya tumakbo na siya papalabas. Ang hindi niya daw matanggap, sa tagal niya na nandun sa kuwarto na yun, di niya namalayan na nasa tabi niya pala yung babae na yun. Buti nalang lumingon siya.

Ikaw? Lilingon ka?

TRUE Philippine's Ghost StoriesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant