Bangungot (part1)

2.9K 39 1
                                    

Likas na talaga sa pamilya namin ang buhay na puno ng kababalaghan. Father side ko muslim healers sa mother side naman ay christian healer. Kaya hindi talaga maiiwasan na makakaranas kami ng mga kakaibang pangyayari na hindi maipaliwanag.

Si mommy my mother, ay may kakayahang magpagaling sa pamamagitan ng hilot. Pareho sila ng ate niya na si mommymay, pero si mommymae hindi niya ito ginagamit sapagkat binallaan na sila ng aking lola na kapag nanggagamot sila ang mga masasamang bagay ay babalik sa anak nila. Tumigil si mommymay sa paghihilot nung isang araw ay binangungot na ang kaniyang panganay na anak. Sa takot na magworst pa ito ay tinigil niya na agad.

Si mommy naman nanay ko di niya kayang itigil sapagkat marami ang humihingi ng kanyang tulong. TAKE NOTE. hindi po nagpapabayad si mommy. Kaya libre po ito.
Halos buong buhay ko mulat na ako sa salitang "BANGUNGOT". sapagkat laging binabangungot si mommy. Kinikilabutan nga akonsa tuwing kinikwento niya ito. Takot na takot ako na bangungutin din ako. Kaya lagi kong pinagdadasal na wag naman sana. Takot akong hindi na magising.

Ngunit isang gabi. Nangyari ang pinakakinakatakutan ko. 😢 2nd year highschool ako nun. 12 years old ako. Dalawa kami sa loob ng kuwarto ko natutulog kasi natatakot nga ako magisa. Kasi may mga months talaga na active magparamdam ang mga kakaibang nilalang. Ah siya nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo kung saan kami nakatira. nakatira kami sa loob ng HOSPITAL sa JOLO kung saan marami na ang namatay na mga tao at sundalo. Balik tayo sa kwento ko.

Dalawa kami sa kwarto ng kapatid ko nung gabing yun. Hindi ako nakakatukog ng walang ilaw kaya laging madilim ang kuwarto ko. Sinasadya ko talaga na wag palagyan ng ilaw or bumbilya. Natutulog ako sa taas ng kama. Ang kapatid ko naman ay sa baba, naglalatag lang siya ng matress. Ayoko nang may katabi kasi hinsinako nakakatulog. So natulog kami ng payapa ang isip ko at walang ni katiting na katatakutan ang pumasok sa isip ko. Yun napahimbing nako sa pagkakatulog.

Nanaginip ako na BUNTIS daw ako. 😂 cxempre naman nakakalokang panaginip yun kasi bawal pa nga ang lovelife samin nun. Nagising ako. Sabay tawa kasi nakakatawa naman nga talaga panaginip ko. So matutulog na sana ako ulit kaya gumilid ako at yinakap ang unan ko sabay takip ng tela sa mata. Opo nagtatakip po ako ng tela sa mata kasi sa tuwing pinipikit ko ito parang pakiramadam ko may mukhang nakalapit sa mukha ko na nakatitig. So tapos nun nung tinakpan ko ang mata ko ng tela ready nako para matulog ulit kaso nga lang may biglang gumalaw sa tabi ko. AS IN sa tabi ko. Hindi ako natakot nung una kasi akala ko sister ko kasi nga minsan kapag natatakot cxa umaakyat siya sa kama at sa tabi ko natutulog. So hinayaan ko nalang. Kaso nga lang ewan ko kung bakit ang likot likot. Nakatalikod ako sa kaniya. Para bang pinipilit niyang isingit ang katawan niya sa likod ko na halos madaganan ko na cxa. So nagtaka ako kung anong problema niya. Nakatalikod parin ako kasi nga antok ako. Tapos nun ang ginawa ko hinawakan ko ang buhok niya, inabot ko lang kasi nga nakatalikos ako. Ang sister ko sobra din ang haba ng buhok niya. So nung hinawakan ko tinignan ko kung mahaba din. Kaso nga lang SOBRANG HABA AT YUNG PARA BANG HINDI NAGSUKLAY NG ILANG TAON. tumayo agad ang balahibo ko at bigla akong para bang nagising. Nawala antok ko. Habang nagtatype ako ngayon promise hanggang ngayon tumatayo parin balahibo ko oh. Tapos nun hindi ako sumigaw o nagingay. Para bang kunyarinwala lang nangyari pero dinig na dinig ko ang tibog ng puso ko sa sobrang lakas. Galaw parin ng galaw ang kung ano man ang nasa likod ko. At nag kakaiba dun. 😢 ang LAMIG NIYA. 😢 so no choice ako kundi magpanggap na tulog. Nagpanggap ako na tulog kahit nangigisay nako sa nginig. Kaso naramdaman ko nalang na tinatanggal niya na ang tela na nakatakip sa mata ko. 😢 kaya no choice kung hindi hawakan ko ang tela at idiin sa mata ko. Hindi ko din namalayan ang ginaqa kong yun dahil siguro sa takot. Para bang involuntary reflex. Ang pinakanakakakilabot pa dun ay nung nagsalita siya. 😢 hanggang ngayon di ko makakalimutan ang sinabi niyang ito "GUSTO KO LANG NAMAN MAKITA ANG MUKHA MO EH". ang boses niya para bang bata na 4years old pero imposible kasi mukhang dalga na tong nasa likod ko at mas matanda saakin. Nung sinabi niya yun pumasok sa isip ko na alam niyang gising ako. So no choice. Kaya ang ginawa ko. Tunihaya ako at sabay pinaghahampas ko siya sa gilid ko at nakatingin ako sa kisame. Kaso walnag kwenta hampas ko sakanya kasi slow motion ang galaw ko. Sinubukan ko sumigaw. Walang boses na lumalabas. Hanggang sa nawalan na ako ng pagasa. Pumasok sa isip ko na "mamamatay na siguro ako." Nung biglang may tumayo sa gilid ng kama ko. Nabuhayan ako ulit ng pagasa kasi iniisip ko kapatid ko yun. So habang papatayo siya grinab ko ang buhok. Nawalan ako ng pagasa nung naramdaman ko na mahaba din ang buhok katulad na katulad nung nasa likod ko. Nawalan ako ng pagasa ulit. Tapos di nagtagal nakawala nako sa bangungot. 😢

Nangangatog pako nun. Walang tao sa tabi ko. Ginising ko ang kapatid ko at pinahiga sa tabi ko. Tumatak sa isip ko na para bang niligtas ako nung isang tumayo mula sa baba. Pero bakit pareho ang buhok nila? Iisa ba sila? O kambal sila?

Dahil sa nangyari na yun nagbago na ang takbo ng buhay ko. Sunod sunod narin ang mga bangungot na dumating sa buhay ko. Pero mapahanggang ngayon na 22 na ako. Gusto ko parin malaman kung SINO SILA. May paraan ba para malaman ko kung sino sila? Kung may alam kayo. Patulong naman oh. Dahil di lang isang beses na nagpakita sila sa bangungot ko.

TRUE Philippine's Ghost StoriesWhere stories live. Discover now