Lalakeng Itim

573 9 2
                                    

Halos lahat ng mga nagtrabaho sa hospital na yun alam nila kung ano ang tinatawag na lalaking itim. Isa siyang lalaking anino lang. Madalas siyang manggahasa in a form of bangungot. Kadalasan niyang ginagahasa ay yung mga dalaga at mga may itsura. Lahat ng naging nurse dun alam nila at na encounter na nila ang lalakeng itim na ito. Minsan naloloka ang mga babaeng ginagahasa niya. nawawala sa sarili. itong kwentong ito isa lang ito sa mga kuwento ng mga nakaencounter sakanya.

Pangalanan nalang natin siya ng Lyn. Si lyn ay nakatira sa maliit bahay sa gilid ng pader ng hospital. napaka simple niyang babae. may itsura siya. lola niya lang ang kasama niya di ko alam kung wala na ba siyang mga magulang.

Isang araw pansin nalang ng lola niya na parang nagbabago na itong si lyn. laging naliligo tuwing gabi. tapos bago ito natutulog nagmemake up pa muna nagpapabango, naglalagay pa ng eyeliner. nagtaka ang lola niya kasi bakit gabi? yung bang matutulog nalang tapos magpapaganda pa. bakit sa umaga hindi? Pansin niya rin na laging nakatakip ng kumot ang apo niya at para bang may kausap ito. una inisip niya baka nakakapasok ang nobyo ng apo niya kung meron man. kaya isang gabi pinakinggan niya talaga sa pinto ang apo niya habang may kausap itong lalaki na masyadong bilog ang boses. di niya alam kung ano ang pinaguusapan. Bigla niyang binukas ang pinto. pero laking gulat niya nung wala siyang makitang lalaki sa kuwarto.  Imposible namang biglang mawala. tinanong niya ang apo niya kung sino ang kausap nito pero panay wala lang ang sagot.

Nagalala siya sa apo niya kaya ang ginawa niya nagpa tawas siya. pero medjo huli na. kasi nasiraan na ng bait ang kaniyang apo. nakuha na ng lalaking itim ang kaluluha ng apo niya. kumbaga katawan nalang nito ang ang nasa mundo natin. minsan nga nagpanic ang lahat mg tao dun saamin dahil bigla nalang nakita si lyn na nasa taas ng puno ng acacia habang pababa na mula sa puno. sobrang nakakatakot.

Kaya hanggang ngayon marami rin ang nagsasabi na nakita na nila itong lalaking itim na ito. kung saan saang lugar ito naglalakbay. Tinatawag din natin siyang isang incubus.

Kya laging magdarasal bago matulog. di natin alam kung ikaw na ba ang susunod niyang gustong mabiktima.

TRUE Philippine's Ghost StoriesWhere stories live. Discover now