Ole ole o Kukot ng Ateneo de Zamboanga University

28 0 0
                                    

Familiar ba kayo kay Ole-Ole or Kulot ng AdZU? Kung kilala mo siya sigurado akong tumitindig na balahibo mo ngayon.

Si Ole-Ole or Kulot kung tawagin ay isang batang multo na nagpapakita sa AdZU. Kilala siya ng halos lahat ng estudyante sa universidad na ito. Isa siyang batang kulay itim na may kulot na buhok at mahilig siyang makipaglaro sa mga di oa siya kilala o di pa alam na nag-eexist siya.

Una kong narinig ang kuwento tungkol sakaniya mula sa Pinsan ko na si Kuya Matchang. Nag-aaral siya nun sa Ateneo tapos ako sa universidad de zamboanga.

Nung kakatransfer palang daw ni kuya sa adzu di niya pa alam na may Kulot o Ole-ole dun. 7pm na nun sa old building ng adzu nagkaklase pa sila nung time na yun nung biglang nag-blackout. Lahat daw ng mga kaklase niya ay nagsigawan na ng "Anjan na si kulot!!!! Aaahhh!!! Anjan na!!!." Tapos yung reaction niya daw wala lang like sa isip niya "Sino si kulot?." So inisnab niya lahat. Sa center aisle siya nakaupo nun. Nagulat nalang siya nung may kumakalabit sakaniya sa balikat. Mabilis at malakas na kalabit. Pag-lingon niya nga daw dun niya na nakilala si KULOT! Sobra daw ang sigaw niya nung time na yun kitang kita niya at sa tabi niya isang batang itim, as in itim at kulot ang buhok, yung parang nakuryente. Sigawan daw silang lahat hanggang sa bumalik na ang ilaw. pagkabukas naman ng ilaw ay nawala na si kukot. Pero hinding hindi niya daw ito makakalimutan.

Habang kinukwento niya ito ay takot na takot ako. Pero never kong inexpect na mag-aaral din ako doon at makararanas din ako ng mga di maipaliwanag.

--

Bakit parang feeling ko walang kabuhay buhay kwento ko. 😭

TRUE Philippine's Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon