Naglalakad sa bubong

615 13 0
                                    

Sa jolo everytime talaga humahangin lagi talaga kaming may maririnig na parang naglalakad sa bubong as in palagi. Magkukwento ako ng isa pero same din naman na ganon pangyayari lang ang iba.

Malalim na ang gabi nun at nakatulog na ako. nang biglang humangin ng malakas at nagblackout. So nagising ako. tapos sa sobrang lakas ng hangin magugulat nalang ako na para bang may bumagsak sa bubong. iniisip ko baka kahoy lang mula sa mga puno sa paligid. pero nagtataka nalang ako dahil pagkatapos ng kalabog ay may parang naglalakad sa taas na bubong. Yung dahan dahan talaga. swear gising ako everytime na nangyayari yun. tapos yung maririnig mo na marahan niyang natatapakan ang mga tuyong dahon sa taas ng bubong. nanpara bang ayaw niya din may makaalam o makarinig na nasa bubong siya.

Tapos kinabukasan bigla nalang magkukuwento ang kapatid ko na may naririnig daw sila na naglalakad sa bubong kapag humahangin. Tapos masasabi ko nalang sakanila "gising din kayo?? bat di kayo umimik??" taois sasagutin nila ako."ate ang dahilan kung bakit kami hindi umimik, yun din ang dahilan kung bakit di karin umimik! siyempre takot kami na malaman ng nasa taas na gising kami. at parang dahan dahan nga talaga yhn maglakad.na para bang accidental lang ang pagkahulog niya muka sa puno at ayaw niyang makaistorbo".

Makes sense. 🤔
oo nga naman. takot din ako malaman ng nasa taas na gising ako. minsan nangyari yun magkatabi kami ng kapatid kong si chelsea. kinalabit ko siya tapos kinakabit niya ako habang pinakikinggan namin ang naglalakad sa taas. Natatawa pa nga ako kasi naiimagine ko kung paano pinipilit ng kung ano man ang nasa taas na dahan dahan ang lakad niya para di siya mahalata.

TRUE Philippine's Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon