Babaeng kulay asul

1.3K 15 6
                                    

Halos alam ko na lahat ang mga klase ng mga engkanto o multo pero isa lang ang di ko malaman kung ano. Yung babaeng Kulay asul.

Una namin siyang nakita sa may Cabinet sa kuwarto ko. Yung cabinet na yun nakadikit siya sa ding-ding. Kurtina lang ang pinangtatakip sakanya. For sure sobrang tagal na ng aparador na yun kasi sobrang tagal na din ng hospital na yun nakatayo. Time pa ng mga hapon hospital na ng sundalo yun.

Nananunod kami nun ng kapatid ko ng TV sa kwarto ko. Sa gilid kasi ng aparador na yun may mesa so dun nakalagay ang TV. Tahimik lang kaming nanunuod ng kapatid kong si Chelsea.  Madilim ang kwarto ko so ang source of light namin yung ilaw lang na nanggagaling sa TV at galing sa pinto na nakabukas. Concentrate kaming nanunuod ng TV nung bigla nalang I felt uneasy na para bang may nakatingin sa akin. Ako ang malapit sa may aparador nun.

Tinignan ko yung kapatid ko pero titig din siya na titig sa TV. So parang ako lang yung may pakiramdam na kakaiba. Tinignan ko ang aparador tapos yun nakita ko parang may mukha sa loob ng aparador ko. Mukha ng babae pero patulis ang shape ng mukha niya tapos yung buhok niya itim. Kulay blue yung kutis niya, yung blue na nag-gloglow. Hindi ako natakot kasi siguro dahil lang sa ilaw kaya ngkaroon ng ganon na trick.

Hinayaan ko lang kasi steady din naman yung kung ano ang nasa loob ng aparador. Triny ko ulit magconcentrate sa TV pero di ko talaga maiwasan na hindi mapatingin sa mukha na nandun.  Shape lang siya, parang wala bang mukha, walang mata, walang ilong, walang bibig. Yung ganon lang. Kaya hindi ko inisip na kakaiba kahit sa totoo lang tumatayo na balahibo ko.
Tinignan ko yung kapatid ko, paglingon ko sa kaniya nakatingin din siya sa babae na nasa aparador. Tapos tinignan niya ako sabay sabi saakin
"parang kakaiba nuh? Babae na color blue" sabi niya saakin, sinagot ko naman siya "napansin mo rin pala. parang nagpapapansin talaga nuh?" Tinignan namin ulit steady parin yung image ng babae sa aparador. Luminga linga ako para humanap ng dahilan kung bakit ngkaroon ng parang mukha dun pero wala naman talagang possible na explanation. So nagtitigan kami ng kapatid ko, yung kapatid ko na si chelsea para kaming magkaisa ng utak nun kaya di ko na kailangan sabihin yung nasa isip ko. Siyempre magkapatid kami kaya kilala namin ang isat-isa.

So nung medjo mabigat na ang pakiramdam namin ay nagdecide na kaming lumabas na ng kwarto ko. Pero di kami nagtakbuhan kasi nga sanay na kami sa kababalaghan atsaka di naman kami sure.

Kwinwento namin kay mommy na parang may babaeng blue sa aparador at nagulat kami sa sagot ni mommy.

"Aah. Nanjan na pala siya sa aparador akala ko sa CR lang siya lagi. "

Sa sinabi ni mommy din kami sumigaw ng kapatid ko sa takot. So totoo pala yung nakita namin.

--
Any IDEA kung ano ang tawag sa nakita namin? 😭 Marami pa naming beses nakita yung babaeng blue pero yun ang una na nakita namin siya. Yung exact na pagkablue niya ipapakita ko dito sa pic sa baba.

 Yung exact na pagkablue niya ipapakita ko dito sa pic sa baba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
TRUE Philippine's Ghost StoriesWhere stories live. Discover now