Impit akong napaiyak. Gusto kong umiyak ng malakas pero natatakot akong baka marinig ako ng mga humahabol sa amin. Kinagat ko na lang ang pang ibabang labi ko at sa sobrang pagpipigil ay nalasahan ko na ang dugo ko doon.

Hindi ko alam kung gaano na akong katagal na nagtatago doon. Nawala na ang paghikbi ko at nakakahinga na din ako ng maayos. Nabawi ko na ang mga hangin na nawala sa dibdib ko kanina dahil sa walang humpay na pagtakbo. Gusto kong lumabas pero kailangan kong hintayin si Kuya.

Napatakip ako sa mga tenga ko nang makarinig ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Muling tumulo ang mga luha ko sa takot at sarado ang mga bibig na humikbi.

Kuya...

Hindi ko na napigilan at lumabas na ako sa karton. Natatakot ako pero mas natatakot ako para sa Kuya ko. Sana ay buhay pa sya. Sana ay hindi sya matulad sa mga magulang namin.

Naramdaman ko ang sakit sa mga binti ko pero nagpatuloy ako sa pagtakbo palabas ng warehouse. Pero agad din akong napatigil nang madatnan ko kung ano ang nasa labas.

"Kuya..."  bulong sa hangin kong bigkas.

Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko habang pinagmamasdan ang senaryong nasa harap ko. Si Kuya, nakaluhod. Sa harap nya ay isang lalaking ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya. May hawak na baril at nakatutok sa bungo ng Kuya ko.

"Hindi..."

Ang sunod ko nang narinig ay ang putok ng baril. Nanatili akong parang tuod na nakatayo habang pinapanood ang katawan ng Kuya ko na unti unting bumabagsak sa lupa. May tama sa ulo at umaagos ang dugo mula doon.

Hindi pa naawa ang lalaki at dalawang beses pa syang binaril sa katawan. Isa sa dibdib at isa sa leeg. Siniguradong wala na talagang buhay ang kapatid ko.

Hindi ako makagalaw. Nakatigtig lang ako sa katawan ng kapatid ko na nakahandusay sa kalasada. Nakadilat pa ang mga mata nya na nakatingin sa langit. Ang mga bituin at ang langit na walang buwan ang huli nyang nakita bago sya nalagutan ng hininga.

Napansin ko ang pagbaba ng baril ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya. Ang dalawang kamay nya ay parang walang lakas na nakalumpasay sa mga gilid nya. Ang mga mata ko ay nakatitig lang sa kanya hanggang sa unti unti syang lumingon sa gawi ko.

Walang buhay na mga mata nya ang sumalubong sa paningin ko. Ni hindi man lang sya nagulat na may batang paslit ang bigla na lang sumulpot at nakita ang ginawa nya. Pero ang lalaki ay mukhang nasa pagbibinata pa lang base sa mukha at katawan nyang hinuhubog pa lamang. Nakakapag taka lang na ang isang teenager na katulad nya ay kaya nang humawak ng baril at pumatay.

Tuluyan na syang humarap sa akin at mabagal ang mga hakbang na lumapit sa kinatatayuan ko. Hindi ko nagawang alisin ang paningin ko sa kanya dahil ang bata kong puso ay may natira pang paghanga para sa lalaking ito.

He looks like my guardian angel on the outside but deep inside, he's a beast.

Nang makalapit ay napatingala ako dahil sa tangkad nya. Napatitig ako sa mga mata nyang kulay hazel brown na walang buhay na nakatingin sa akin. Titig na titig sya at ako naman ay hindi na gumalaw habang nakatitig lang din sa kanya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Magkahinang ang aming mga mata na parang ayaw maghiwalay. Hanggang sa unti unting umangat ang kamay nyang may hawak na baril at idinikit sa gitna ng noo ko.

"No casualties..." malalim ang boses na sabi nya.

Hindi na ako kinabahan. Kahit man lang ang matakot ay hindi ko naramdaman. Siguro ay tinanggap na ng sarili ko na hanggang dito na lang ang buhay ko. Ang mukha ng lalaking parang anghel na may puso ng isang halimaw ang huli kong makikita dito sa mundong ito.

Chess Pieces #1: Creed CervantesWhere stories live. Discover now