Chapter 25 - Real Confession

Start from the beginning
                                    

Pagbalik ko sa kusina, naghahain na sya ng kakainin namin. Tapos pinunasan ko na yung pawis nya. 

Medyo nagulat pa nga sya sa ginawa ko pero simpleng pasasalamat lang yun sa lahat ng ginawa nya sa buhay ko.


"Aga aga nagpapawis ka kaagad.." - ako 

"..salamat.." - Diero 


Pero hanggang ngayon, medyo naiilang pa rin sya sa'kin. Di ba dapat ako yung mailang? Pero bakit sya ang naiilang? Ganon ba talaga pag umamin kang mahal mo ang isang tao? 


"Wag ka nang nailang sa'kin.. ako nga nahihiya sa'yo e.. kasi ang dami mo ng nagawa para sa'kin pero ako wala man lang magawa para sa'yo." - ako 

"Ok na sa'kin yung pinayagan mo kong magpakasakit sa'yo.. hehehe..." - Diero 


Nabinge ba ako o yun talaga yung sinabi nya? Ang lalim ah. 


"Magpakasakit talaga ha? Hahaha..." - ako 

"Oo.. kasi handa akong tanggapin lahat ng sakit maprotektahan lang kita.. hindi na ko matotorpeng ipakita sa'yong mahal kita.. kain na tayo." - Diero 


Tapos kumain na kami. Hindi na nga sya naiilang. Pero mas mabuti na rin yun para maging maayos na yung pakikisama nya sa'kin. 

Kaso bigla kong naalala yung trabaho ko kaya binilisan kong kumain para sabihin na mag reresign na ko. 


"Bakit ka nagmamadaling kumain? Kung nasarapan ka sa luto ko, dahan dahan lang sa pagkain." - Diero 


Napansin din pala nya na nagmamadali ako, masarap naman talaga yung luto nya pero pasensya sya may iba pang dahilan. 


"Ahmm, hindi lang yun.. magpapaalam pa ko sa canteen na magreresign na ko dun.." - ako 

"Yun ba? Hindi mo na kailangan pang sabihin sa kanila dahil nasabi ko na kay manang na aalis ka na dun nung isang araw pa." - Diero 

"H-ha? Teka.. baka magalit sila sa'kin dahil sa biglang nalang akong umalis dun e kakapasok ko palang.." - ako 

"Ok lang yun.. dati naming maid yung may-ari nun.. kaya dun ako laging kumakain at close kami nun kaya ok lang.. ok?" - Diero 


Wow! Ang yaman pala talaga nila. Katulong nila nagkaroon ng canteen? Tapos sya nagkakatulong dito sa bahay namin, nakakahiya tuloy. Haaayyy.... 

Teka, dapat pala nag-tutorial na kami kahapon pa! Hala! Nakalimutan ko!! Dalawang araw nalang test na. Tss. Ang tanga ko kasi nakalimutan ko!! 


"Ahmm... Diero.."- ako 

"Hmm..." - Diero 


Pero patuloy lang sya sa pagkain nang hindi lumilingon sa'kin. 


"Yung tungkol sa tutorial...." - ako 

"Ahh.. yun ba? Ok lang.. yung mga labahin pala nalabhan na.. tapos yung tutorial na yan....." - Diero 


Bigla syang huminto sa pagsasalita at humarap sa'kin. Titigan nanaman kami bago sya nagsalita. 


"Ako na magtututor sa'yo.." - Diero 


Isang ngiti nanaman sa mukha nya ang nakita ko. Syempre gwapo sya, kailan ba sya pumanget? 

"Teka.. di ba ako dapat magtutor sa'yo?" - ako 

"Ayoko nang may inaalala ka.. ayokong nahihirapan ka.. at higit sa lahat, ayokong nasasaktan ka kaya hayaan mo na yun.. tutal wala namang pasok ngayon e.. pwedeng pwede kitang turuan..ok?" - Diero 


Parang ang suplado ng dating ng pagkakasabi nya nun pero, parang ang sweet lang. Ang sarap pala mag-alaga ang isang mabait ng thug. Hindi lang pala mabait, GWAPONG THUG din. 

Kumain lang kami ng agahan. Tapos inayos na namin yung mga gagamitin namin sa pagtututor sa sala. Sya naman busy sa pagbabasa ng notes ko. 


"Hindi mo naman kailangang tutor-an ako e.. kaya ko naman magreview mag-isa" - ako 

"Tss. Kahit na.. mas kaya kong pumasa.. ikaw? madami kang inaalala kaya alam kong naistress ka.." - Diero 


Hindi nya ako nilingon. Pero tama sya. Ang dami ko nang nakakalimutan dahil sa pag-iisip ng mga problema ko. 


"Eh.. pano ko mababayaran yung utang ko sa'yo?" - ako 

"Bayad ko nalang yun sa'yo para makasama kita.." - Diero 

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa sinabi nya. Pero napangiti nalang ako sa sinabi nya. 


"Ah.. ganon ba.. sige, ikaw ba---------- 


*tok* *tok* *tok* 

******************** 


a/n: Sorry kung ngayon lang yung update ko. Medyo busy nga po kasi. At syempre, pavote naman po ng entry ko. Ito po yung link ------------> http://www.wattpad.com/79141996-poem-making-contest-wattpad-poem-prior-m-entry-no 

Isa lang po yan kaya sana suportahan nyo po. Vote & Comment po need jan. Sana po matulungan nyo po ako, yun lang po at maraming salamat! ^_^ 

Saka hindi po talaga ako gaanong gumagamit ng emoticons. Pasensya na po ah. 


Vote din po kayo sa stories ko wah! :D 


:)

A Story of a Rape Victim [EDITING]Where stories live. Discover now