Chapter 22 - He's A Thug Not A Gangster II

Start from the beginning
                                    


"Nagpaturo ako.." - Diero 

Nakakatuwang isipin na may lalake pang katulad nya sa ngayon. Yung tipong nag-aaral ng maging ama kahit bata pa. Yun ang kasi ang basehan kung magiging mabuti syang ama sa magiging mga anak nya. 

Ibinaba ko na si Kino sa kama para makatulog sya ng maayos. Ayoko kasing bumili ng kuna, kasi gusto ko malayang makapaglaro si Kino. 

Pagkababa ko sa kanya ay bigla ng syang umiyak! 

*uunnnggggaaaaaaaaa!!!* *uunnnggggaaaaaaaaa!!!* 

Nagpanik agad kami. Kinuha ko sya ulit pero tuloy tuloy pa rin ang pag-iyak nya. Magtitimpla na sana si Diero ng gatas pero alam kong hindi na mahihintay ni Kino yun kaya naisipan kong i-breastfeed nalang sya. 

Kaya pinalabas ko muna si Diero. 


"Ahmm.....Diero , pwede bang lumabas ka muna? Paki sara na din yung pinto..." - ako 

"Ah.... sige .." - Diero 


Tapos lumabas na sya isinara yung pinto. 

Pagkatapos kong mag-breastfeed kay Kino, lumabas na rin ako ng kwarto. 

Pero nagulat ako sa nakita ko. 

Si Diero kasi pabalik balik sa kusina at sala. Dahan dahan pa kung magkalad habang nakapamulsa ang isang kamay. Tapos may hawak hawak na basahan yung isa nyang kamay. 

Pagpunta ko sa sala.......... 

Wala na yung alikabok sa bintana. Pati yung sofa na vacuum na. Yung basahan rin napalitan na, yung lamesita din napunasan na. 


"Diero....." - ako 

"Uhmmm...." - Diero 

"Ikaw naglinis dito?" - ako 

"Oo... At oo nga pal------ 


Naputol yung sinasabi nya nang may biglang sumigaw na babae sa banyo. 


"SSSIIIIIIIIIIIRRRRRRRRR!!!!!!!" 


Sabi ng babae sa loob ng banyo. 


"Tss." - Diero 


Nagpunta kami pareho sa banyo para tingnan yung babae. At nakita namin syang nakatuntong sa bowl. Takot na takot. 


"Bakit Dina?" - Diero 

"Kasi sir........... sir , may ipis sa baba...." - Dina 


Sabi ni Dina sabay turo sa sahig ng banyo. Pero ipis? Wala namang ipis dito wah. 

Kaya tiningnan ni Diero yung sinasabing ipis ni Dina. 

Pagkakuha ni Diero sa isang bagay galing sa bula. Hindi naman sya buhay ng ipis. Kundi isang LARUANG IPIS.

Dahan dahan kong kinuha ko yung laruang ipis sa kamay ni Diero at pumunta sa kwarto. Dun ako umiyak ng umiyak. Dun bumalik yung lahat. Dun bumalik yung sakit ng pagkawala ni papa. Dahil sa laruang ipis na to.......naalala ko ulit sya. 

Umiyak lang ako maghapon. Katabi ko si Kino na walang kamuwang muwang sa nangyayari sa'kin. 

Pero nung bandang hapon na, biglang kumatok na si Diero sa pinto. 


*tok* *tok* *tok* 


"Cera.....lumabas ka na dyan... hindi ka pa ba magugutom? ...alas tres na ng hapon oh..... baka magkasakit ka naman sa ginagawa mo e. Tara na labas ka na dyan. Pakainin mo na rin si Kino... baka gutom na rin yan... lumabas ka na dyan pls?" - Diero 


Kahit hindi ko sya nakikita, alam kong nag-aalala na sya sa'kin kaya lumabas na ko ng kwarto ng pugto ang mata habang buhat buhat si Kino. 


"Ako ng bahala sa anak mo... kumain ka na dun.." - Diero 


Tapos kinuha na nya si Kino sa'kin at pumunta na ko sa kusina para kumain. Medyo nagugutom na rin ako e kasi wala pa kong tanghalian. 

Kumain lang ako dun tapos si Diero naman nagpapakain kay Kino sa sala. 

Iniisip ko pa rin yung nangyari dati. Yung araw na nawala si papa dahil sa trahedyang nangyari sa buhay ko. Matagal kong sinisi yung sarili ko kasi pakiramdam ko ako ang may kasalanan ng lahat. AKO. 

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na yung pinagkainan ko, tapos yung laruang ipis ay nasa mesa lang. Si Kino naman nasa kwarto na. 

Nilapitan naman ako ni Diero habang naghuhugas ng plato. 


"Kung magpapabaya ka sa sarili mo......... wag mo naman idamay yung anak mo. ....Gutom na gutom na yung anak mo tapos ikaw ngumangalngal lang sa kwarto..... Tss." - Diero 


Tinapos ko muna yung paghuhugas ko ng plato bago ako nagsalita. Hinarap ko na din sya. Sa totoo lang nairita talaga ako sa sermon nyang yun. Kaya may nasabi akong hindi ko dapat sinabi. 


"Alam mo...... wala ka naman dapat pakialam sa'kin e. Kasi hindi pa kita gaanong kilala.... At higit sa lahat..... wala ka pang alam tungkol sa'kin..... Kaya kung pwede... iwan mo muna ko." - ako

Tapos tinitigan nya lang ako. Mga sampung segundong titigan ang nangyari na parang binabasa nya yung nasa utak ko tapos sya naman hindi ko mabasa kasi poker face nanaman sya. 

Hindi sya kumukurap sa sampung segundo na yun tapos inilagay na nya yung hoodie nya sa ulo nya tapos ipinamulsa yung dalawang kamay at tumalikod na. Naglakad sya ng tahimik palabas ng bahay tapos ako naman nakatayo lang sa pwesto ko hindi makapaniwalang nasabi ko yun sa taong laging concern sa'kin. Ang tanga ko! 

********************** 


Please Read. Like. Vote. Comment. 


Labyu ! XD

A Story of a Rape Victim [EDITING]Where stories live. Discover now