“Al, anong nangyayari sa inyong dalawa?” Kumakatok pa rin si Tita Mildred sa pinto. Bumuntong hininga ako bago humarap sa kanya.  Hindi dapat akong tumawa sa sitwasyon namin ngayon kahit mukha nang tanga ang mukha niya ngayon.

Tinaasan ko siya ng kilay bago binigyan ng tingin na masama. Hindi pa rin tumitigil si Tita sa pagkatok sa pinto at sa pagpihit ng seradura non.“Mommy, umalis muna kayo mag-uusap lang kami ni Jasmin.” O yeah Jasmin, hindi na baby ngayon. So kinahihiya na niya ako?

“Okay.” Tumahik na sa labas ng kwarto.

“Bakit hindi mo tanungin ang Hannah na yon?” Tanong ko sa kanya. Isinara ko ang Zipper ng Bagahe ko at inayos yon patayo bago humarap na sa kanya ng tuluyan. Ipinag ekis ko ang braso ko bago ko siya tinignan ng magpaliwanag look. Nagpamulsa ito bago humakbang palapit sa akin. Itinaas ko ang kamay ko para iparating na wag siyang lalapit. Bumuntong hininga to bago nagpamulsa.

“Kinausap ko siya, ang sabi niya inaway mo siya at pinagsalitaan ng masasama. Kaya ka umalis dahil natakot ka dahil nalaman niya na pinagpustahan mo kasama ng mga kaibigan mo lang ako” Madiin niyang sabi. Napanganga ako dahil sa kasinungalingan ng Babaeng ‘yon. Sabi na nga ba hindi kapapani-paniwala ang pinagsasasabi ng babaeng ‘yon at ang tanga ko dahil naniwala naman ako sa kanya. “Totoo ba? Okay lang sa akin na pinagpustahan niyo lang ako basta wag mo lang akong iiwan, Baby.” Mahinang lahad niya. Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya.


“Tangina! Kaya ako nag walk out dahil sinabi sa akin ng luka-lukang babaeng yon na pinagpustahan niyo lang ako ng mga kaibigan mo. Nagagalit ako,  kaya ayokong makipag-usap sayo dahil hindi mo magugustuhan ang lalabas sa bibig kong  mga salita. Totoo ba? Totoo bang pinagpustahan niyo lang ako?” Hindi ako makahinga dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon kaya pagkasabi ko non ay halos naghahabol ako ng hininga.

“What the fuck! Of course, not! Hindi ko gagawin yon sayo Baby.” Hinagod ng palad niya ang mga buhok nito. Lumapit siya sa akin bago hinawakan nito ang dalawa kong braso.

“So, sinisiraan niya ako sayo at ikaw sa akin. May saltik na talaga sa utak ang babaeng ‘yon.” Niyakap niya ako ng mahigpit. “Ipadala mo na yung babaeng ‘yon sa mental.” Niyakap ko siya pabalik.

“Baby, sa susunod wag mo nang gagawin yon huh?”

“Ang alin naman ‘yon?”

“Ang iwanan akong mag-isa. Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng iniiwanan, Natatakot akong mawala ka sa akin. Natatakot akong hindi na kita makita. Nakakatakot akong ipagpalit mo ako sa iba. Dahil sinasabi ko sayo na ikaw lang ay sapat na para sa akin.” Humiwalay ako sa pagkakayakap niya para tignan siya kita sa mga mata niya ang sinseridad ng bawat salitang binibigkas niya. Ang kinang ng mga luhang namumuo sa gilid non. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit bago hinalikan ang buhok ko.

Yung kaninang galit ko ay mabilis ng maglaho. Siguro ang daming kinain ng lalaking to na bulaklak dahil masyadong mabulaklak ang dila niya’t kung ano-ano pinagsasabi. Tuwang-tuwa naman ang mga alaga ko pag nasasalita siya ng ganon katulad ngayon,  nagwawala na naman silang lahat hindi katulad kanina akala mo namatay at namanhid dahil hindi ko maramdaman. Iba talaga pag nagsalita ang Master nila dahil sa kanya lang sila sumusunod habang ako kilig na kilig sa kanya.

“Kailangan nating bumawi sa isa’t-isa.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong bumawi? Bakit? Saan? “What? Anong ibig mong sabihin?”

“Make-up sex, baby.” Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa balat ko. Mabilis akong lumayo sa kanya at itinulak ito ng malakas. “Nakakalimutan mo, pinagselos mo ako kanina dun sa lalaking nasa Restaurant. Anong gagawin mo don?”

“Gago, pinapauwi ako ni Mommy sa Cagayan de Oro kahit kailan napaka pervert mo talaga.” Tinalikuran ko siya dahil baka mamaya may maganap na naman at hindi ako makauwi sa CDO ngayon. Nakapagpabook na ako ng Fligh mamayang 8pm ‘yon may oras pa ako makapaligo at makapagpahinga.

“Ahhhh!” Nalaglag ako sa malambot na kama bago may pumulupot na mahahaba at matitigas na braso sa bewang ko. “Ano ba, Al!” Habang kinakalas ko ang braso niya siya naman ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya kaya ramdam ko yung KANYA sa likuran ko. Spooning position ba. Isiniksik nito ang ulo niya sa buhok ko bago inamoy ‘yon.

Sa  nangyari ngayon may natutunan ako. Yung wag munang magpapadalos-dalos sa lahat ng bagay, wag idaan sa galit ang lahat. Matuto tayong pakinggan ang panig ng isa’t-isa at kung gusto mo talagang magwork ang relasyon niyo kailangan ng isang matatag na tiwala.

“Hindi mo sinasagot yung tanong ko sayo?”

“Ang alin ba yon?” Pumikit ako ng mariin para pagsabihan ang sarili ko. Jusko po Lord! Tulungan niyo po akong magpigil dahil sa pervert na lalaking to, hinahawaan na po niya ako ng Virus niya.


“Yung lalaki kanina, nakita ko lang siya pati yung babae nag-iba na ang mood mo. May Saltik ka na ba katulad ni Hannah?” Bumalikwas ako ng bangon pagkabanggit sa punyetang pangalan ng Hannah na ‘yon. Pinagsasapak ko siya sa kanyang braso niya bago binulyawan to. Wag sana akong marinig ni tita Mildred na sinasaktan ang anak niya.

“Tangina mo! Hayop ka! Wag na wag mo akong ihahalintulad sa putanginang babaeng yon dahil mapapatay kita at ang sagot sa tanong mo wala. Wala akong gagawin sayo bahala ka sa buhay mo punyeta ka!” Okay na sana kami kaya lang isiningit pa niya ang pangalan ng babaeng ‘yon. Gustong-gusto talaga ng lalaking to na pinapakulo ang dugo ko at pinag-iinit ang ulo.

Iniharang nito ang dalawang braso niya sa mukha niya habang sinasapak ko iyon tapos siya naman ay humahalkhak na parang baliw. “Baby, niloloko lang kita. Hindi kita hinahalintulad sa babaeng ‘yon dahil kung siya ang naghahabol sa akin ako naman ang naghahabol sayo kaya sasama ako sayo sa Cagayan de Oro.” Tumayo to sa kama bago humarap sa akin at sabay kindat. Sinamaan ko lang siya ng tingin at ngisi lang ang isinagot sa akin. Tumalikod na ito sa akin bago pinihit ang nakalock na pintuan at lumanas don. Sinundan ko siya hanggang sa tapat lang ng pinto ko. Hindi niya alam siguro na pinapanuod ko siya dahil ang Kupal nagsasayaw na parang Jollibee ang pwet na nakaiskwat.

“Parang tanga talaga kahit kailan!”

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now