"Magandang araw po Ms. Devee." bati sa kanya ng matanda nang makalapit na siya sa mga ito.

"Magandang araw din po sir Joseph." Nakangiting bati niya.

"Are you ready? Let's go." Singit ni Ericjan ng tumayo na rin ito at lumapit sa tabi niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Hindi mapigilang tanong ng dalaga sa lalaki habang mag kaagapay silang nag lalakad papunta sa garahe.

"It's a surprise. Pero dadaan muna tayo kila mommy bago tumuloy sa pupuntahan natin." Anito pag kuwa'y inilahad sa kanya ang kamay upang alalayan siyang makalulan sa likod ng sasakyan.

Tahimik lamang ang buong biyahe nila hanggang sa marating nila ang mansyon ng mga Esparagoza. Pababa pa lamang ng sasakyan si Devee ng matanaw na niya mula sa main door ng bahay ang mag asawang Esparagoza. Halatang inaasahan nga ng mga ito ang pag dating nila.

"Devee, hija. Kamusta ka?" Masayang bati sa kanya ng ginang pag kuwa'y niyakap siya ng mahigpit at hinalikan sa magkabilang pisngi. "Ang paa mo hindi na ba masakit?" May pag aalalang tanong pa nito.

"Okay naman na po. Salamat. Kamusta po kayo?" Nahihiya pang saad nito sa mag-asawa.

"Were happy to see you again hija." Anang ama ni Ericjan na galak din siyang niyakap at ginawaran ng halik sa kanyang pisngi. "Let's go inside at nag hihintay na sila sa'tin." Anito. Kunot noo namang napalingon si Devee kay Ericjan. Nag tatanong ang mga mata nito sa binata.

"Anong mayroon? Sino ang nag hihintay sa'tin?" bulong na tanong niya rito ng lapitan niya ang lalaki habang nag lalakad sila papasok sa malawak na bahay ng mag-asawa.

"Just see for yourself." Imbes ay sagot nito sa kanya. Napaismid na lamang si Devee dahil sa ugali ng lalaking ito. Hindi niya talaga maintindihan ito kung minsan.
Minsan, maayos ang pakikitungo sa kanya. Tapos bigla na lang mag susungit sa kanya. Napapabuntong hininga na lamang si Devee at nanahimik.

"Nandito na sila..." Anang ina ni Ericjan na siyang nag pabalik sa huwesyo ng dalaga. Mabilis na nag angat ng mukha si Devee at bumungad sa kanya ang dalawang babae na ngayon niya lamang nakita. Kunot noo siyang napatitig sa mga ito. Kung titignan maigi, mukhang hindi basta-basta bisita o ordinaryong mga tao ito. Makikinis ang mga balat. Halatang mamahalin ang mga damit at alahas na suot ng mga ito. Parang foreigner ata? Maging ang iilan at makakapal na magazines na nasa ibabaw ng babasaging lamesa ay hindi rin napalagpas ng paningin ni Devee.
"Victoria, this is my son Ericjan and this is my Daughter-in-law Devee." Pag papakilala sa kanila nang ina ng binata. "Siya naman si Victoria. Isa sa mga sikat na Gown Designer sa France. Anak siya ng amiga ko. Nandito siya sa Pilipinas para sa isang bakasyon. Eh! naikuwento ko kasi na malapit na kayong ikasal, kaya sinabi sa'kin ng mama ni Victoria na ang anak niya na ang bahala sa Gown mo Devee, hija." Pag papaliwanag pa ng ginang sa kanya.

Halos malaglag pa sa sahig ang panga at mga mata ni Devee dahil sa pagkabigla. Hindi niya inaasahan ito. Ang buong akala niya ay naroon sila sa mansyon ng mag-asawa para bumisita lang.
'Yun pala, naroon sila para pumili siya sa susuotin niyang gown sa kasal nila ni Ericjan.
Hindi malaman ni Devee kung ano ba ang dapat na sabihin o maging reaksyon niya. Dahil ang totoo, kinakabahan talaga siya oras na malaman ng mga ito na hindi naman talaga siya ang totoong fiancee ng anak nila.
Malingalingang umatras si Devee at umalis na lamang sa bahay na iyon. Pero may kung ano ding pumipigil sa kanya. Nagtatalo ang isip at damdamin niya. Gusto niyang ipag tapat sa mga magulang ni Ericjan ang totoo habang maaga pa. Habang hindi pa ito masiyadong masasaktan kapag nalaman na nila ang totoo. Pero may tinig din mula sa kanyang kaibuturan na nag sasabing ituloy niya ang pagpapakasal sa binata dahil iyon ang ikakasaya niya.

"Devee, hija. Are you not happy?" Tanong ng ginang sa kanya mayamaya.

"P-po? A-ah..." Nauutal na saad nito pag kuwa'y bumaling sa binatang nasa tabi niya. Wala siyang makita na kahit anong emosyon sa mga mata ni Ericjan kung kaya't hindi niya alam kung ano ang isasagot sa ina nito.

"Can I look the gowns?" Anang Ericjan sa dalawang babae. Agad naman tumalima ang babae na malapit sa puwesto niya at iniabot ang isang magazine. Isa-isa nitong tinignan ang bawat pahina ng magazine.

"Hindi pa nailalabas sa market ang mga design na 'yan hijo. Kung kaya't masaya ako na si Devee ang unang makakapag sukat ng mga gown na 'yan. I can't wait to see her wearing those beautiful gowns." Galak na saad ni Yhanie habang mag kasalikop pa ang mga palad nito.

'Ako? Ako ang unang mag susukat ng mga designs na gawa ng babaing ito? God! Panaginip po ba 'to?' Hindi makapaniwalang bulong ng isipan ni Devee.

"Look at this, wifey. I think, this one is fit for you. It's beautiful." Ang boses ni Ericjan ang muling kumuha sa atensyon ng dalaga. Lumapit ito sa kanya at ipinakita ang design ng gown na gusto nito para sa kanya.

'Wow! Ang ganda.' Sa loob-loob ni Devee habang tinititigan ang eleganteng damit pang-kasal. Turtle neck ang design nito habang may dalawang butas sa magkabilang tagiliran na siyang mag e-expose ng kanyang maliit na baywang, oras na maisuot niya na ito. Mahabang tela ang nakalaylay sa likuran nito. Maging ang tapat ng dibdib nito ay napupuno ng mga kumikinang na mga beads.

"Do you like this, wifey?" Muling tanong sa kanya ng binata. Wala sa sariling napatingin si Devee kay Ericjan. Hinuhuli ang emosyon na nag lalaro sa mga mata nito, ngunit hindi niya magawa.

"It's one of my favorites." Anang mistisang babae. Ang ipinakilala sa kanila na Victoria daw. "Siya ang magiging main character sa fashion show namin sa Las Vegas. If you liked it, you can have it. Since you're Tita Yhanie's Daughter-in-law." Nakangiti pang saad nito sa kanya habang slang ang pananalita nito sa wikang tagalog.

"R-really?" Wala sa sariling sambit ni Devee.

"Oh! Thank you hija, Victoria." Anang ginang.

"Do you like this one?" Ulit na tanong sa kanya ni Ericjan. Muli siyang nag baling ng pansin sa binata. Mabilis na sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. At sunod-sunod na tumango sa binata.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now