"Ah! Ganon? Gusto mo mag laitan tayo?" Anang Devee at hinampas ng unan ang ulo ng binata. "Kung ako flat. Ikaw ano naman?" Tanong niya rito.

"Can't you see? I'm perfect." Ani Ericjan at kumindat pa sa kanya. Natawa ng pagak ang dalaga.

"Perfect? Eh! Maliit pa nga 'yang hotdog mo kaysa sa regular size ng hotdog eh." ganting saad niya sa binata pag kuwa'y mabilis na iniangat ang isang paa papunta sa pagitan ng mga hita ng binata. Ramdam niya ang bagay na iyon na mas lalong nag painit sa mukha niya. Agad na natigilan sa pag tawa ang lalaki at nawala ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi. Matalim na titig ang ibinigay niya sa dalaga at mabilis na inalis sa hita niya ang paa nito.

"What did you just say?" Seryoso ngunit mahahalata ang galit sa tono ng boses nito. "Maliit? Tss. You tittle witch." Anito at mabilis na kumilos. Hinila nito ang braso ni Devee pag kuwa'y pinaibabawan niya ito ng pareho silang napahiga sa kama. "Do you want proof?" anang Ericjan na umigting na naman ang bagang dahil sa pagkainis niya sa sinabi nito. "Baka mag sisi ka, Devee."

Halos atakihin na rin sa puso ang dalaga dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ni Devee lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso sa sobrang bilis ng pagkabog nito. Wala sa sariling napalunok ito ng kanyang laway ng maramdaman niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Nakakatakot ang itsura nito ngayon na nakikita niya.

"Don't say such words, wifey. Mabilis akong mapikon. Baka mag sisi ka at hindi ka makapag lakad  ng isang linggo at tuluyan ka ng mag kulong dito sa kuwarto mo." May pag babanta pang bulong nito sa kanya.

'God! Bakit mas lalo siyang gwumapo sa paningin ko ngayon? Mmmm. Ang bango ng hininga niya. Parang amoy mint.' Anang utak ni Devee na lumilipad na naman at hindi na inintindi ang mga sinasabi ng binata habang nasa ibabaw niya.
'Hay! Ericjan... Ano ba 'tong ginagawa mo sa puso ko?'

"Tss." Saad ng binata ng makita nito ang pag ngiti ni Devee sa kanya. Mabilis niyang pinitik ang noo nito pag kuwa'y agad na humiwalay rito.

"Aray! Manyak na 'to. Lumabas ka na nga." Masungit na saad niya sa lalaki.

"I'm not a maniac, you flatchested." Nanggigigil na saway nito sa dalaga. Mabilis na inirapan ni Devee si Ericjan.

"Hotdog." bulong pa nito.

"Argh. I hate you." Naiinis at padabog pang lumabas ng kanyang kuwarto ang lalaki. Napapangiti na lamang si Devee sa kanyang sarili.

"Lokong 'yun. Kala niya siguro siya lang marunong mang alaska. Tss. Hotdog." Aniya at muli na namang naalala ang mga nangyari noon sa loob ng panlalaking cr sa mall. That was the time na nakita niyang umiihi ang binata. Pero ang totoo, hindi naman siya sigurado kung nakita niya ba talaga 'yun o hindi. Basta ang naaalala niya lang. Bigla siyang nagulat ng makitang may tao pala roon kaya't nag tatakbo na rin siya palabas.

"God! Devee. Enough na. Kawawa na ang utak mo. Poor brain." Anito at mabilis na ipinilig ang ulo para mawala ang eksenang 'yun sa utak niya. Alam niyang namumula na naman siya ngayon eh!

Tatayo na sana siya mula sa pagkakaupo sa kama niya ng bigla siyang mapaupo ulit dahil sa pag kirot ng kanyang paa. Nakalimutan niyang nagka sprain pala siya kanina.

"Hay! Pagminamalas ka nga naman oh! Paano naman ako nito makakapasok sa school at sa trabaho ko kung ganito ang paa ko?" Kausap nito sa sarili at naiinis na muling sumalampak ng higa sa kama. Mayamaya ay nakarinig siya ng katok mula sa labas ng kanyang kuwarto.

"Ma'am Devee... Papasok po ako saglit." Dinig niyang saad nang isang kasambahay ni Ericjan.

"Sige po." Aniya. Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang maliit na babae.

"Si madam Yhanie po, gusto kayong makausap." Anang kasambahay pag kuwa'y iniabot sa kanya ang isang cellphone. Nag aalangan pa siyang tinanggap iyon para kausapin ang ina ng binata.

'Patay na. Baka pagalitan ako dahil sa pag absent ko ng walang paalam.' kabadong bulong niya sa isipan.
"H-hello po?" Bati niya sa ginang na nasa kabilang linya.

"Devee, hija. Kamusta ka?" Tanong sa kanya ng mommy ni Ericjan.

"Ah---"

"Eric told me na natapilok ka daw sa loob ng banyo. Are you okay? Mag pasama ka na sa kanya sa ospital para mag pa check-up." Medyo nawala ng kaunti ang kaba sa dibdib niya ng mahimigan niya ang pag aalala nito para sa kanya.

"O-okay lang po ako. Hindi naman po ata---"

"Mas maganda na 'yung sigurado tayo. Huwag ka na muna pumasok dito pati sa school mo. Take a rest okay. Mag pasama ka sa asawa mo ngayon. Sige na at may costumer ako. Mag pahinga ka, hija." Anang ginang bago nito pinutol ang linya sa kabila.

Asawa? Si Ericjan, asawa niya? May kung anong kiliti na naman siyang naramdaman sa puso niya dahil sa ideyang iyon.

"Asawa. Tss." Napapangiting sambit nito. Pero mayamaya ang ngiting iyon ay biglang nag laho, ng mahagip ng paningin niya ang picture na nasa screen ng cellphone na hawak niya. It's Ericjan... nakangiti ito habang nakaakbay sa balikat ng isang babae. Nasa beach ang mga ito. Ericjan wearing a swim trunk, habang naka two piece naman ang babae.

Ang saya at kiliti sa kaibuturan ni Devee ay parang bolang nag laho bigla. Pumalit roon ang kirot at sakit dahil sa nakita niya. Maybe she's Ericjan soon-to-be-wife. Ang babaing dapat nasa puwesto niya ngayon.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now