Tumayo naman si Alex at tumingin tingin sa paligid.

"Pupunta lang akong pool area para tingnan kung ano yun.." Paalam nito atsaka umalis.

Nagpatuloy naman kami sa kwentuhan at inuman.

"Ano ba ang linuluto nila Nate ang tagal naman ata.." Sambit ni Chloe.

"Diba kayo yung nanggaling sa loob kanina.." Sabi ko.

"Hindi kasi okay yung linuto namin kanina kaya nagvolunteer si Nathan na siya nalang daw magluluto.." Sagot ni Nicole kaya tumango tango kami.

"Kailan pa naging okay ang luto niyo? Kung hindi kinulang sa tubig sunog naman!" Pang aasar ni Jan Dane kaya natawa ako.

Sasagot pa sana ako ng biglang dumating si Alex.

Parang nakipag karera sa sobrang bilis ng hininga niya. Pawis na pawis pa ang Unggoy.

"Taena Gonzalez! Ngayon ka pa talaga nakipag marathon!" Biro ni Jan Dane pero hindi niya ito pinansin at tiningnan ako ng seryoso. Napayuko siya at huminga ng malalim.

"He's drowning!" Sigaw nito.

Nagkatinginan naman kami dahil sa sinabi niya.

"Sinong nalulunod?!" Sigaw ni Chloe.

"What?" Takang tanong ni Nicole.

Agad naman akong tumayo at tiningnan siya ng seryoso.

"What happened?" Tanong ko.

Umayos naman siya at tumayo ng tuwid. Kita sa mukha nito ang pag aalala.

"Ethan is drowning in the pool.." Sabi nito at tumakbo pabalik sa pool.

Agad naman kaming naalarma at sumunod sa kanya.

Shit!

Ethan can't swim.

"Hurry up!" Pagmamadali ni Jan Dane.

Naguguluhan namang sumunod ang mga girls.

"What's all the fuss?" Takang tanong ni Nicole sa akin.

"He can't swim.." Dinig kong sagot ni Jan Dane sa kanya ng hindi ako sumagot.

"Bakit hindi ko yun alam!" Sigaw nito.

Napailing iling naman si Jan Dane at sumabay sa akin sa pagtakbo.

"Wait! What? Anong si Ethan?" Habol na tanong ni Chloe.

"Swimming is the one thing Ethan can't do.." Sagot ko sa mga tanong nila at mas pinabilis ang takbo ko.

Ethan was afraid of the sea or pool but when he was with us he lost his fear. But you can't force him to go deep in the water.

Nang makarating kami sa pool. Nakita pa naming tumalon si Justin sa pool.

"Couz!" Sigaw ni Chloe.

Tumalon naman ako para tulungan silang makaahon.

"Ethan!" Sigaw ko ng mahawakan ko ang kamay niya.

"Tristan faster!" Nag aalalang sigaw ni Justin sa akin at inakay si Ethan.

Tinulungan ko naman siyang akayin si Ethan at iniahon sa tubig.

Lumapit sa amin si Alex at Jan Dane.

"Ethan!" Sigaw ni Alex at hinawakan ang isa nitong kamay.

Nakapalibot kaming tatlo sa kanya at nakatayo naman ang dalawang girls. Si Justin naman nasa ulunan ni Ethan.

"EJ! Wake up!" Sabi ni Justin at niyugyog pa ang pisngi nito.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now