“Akala ko ba magdadate tayo? Pero bakit dito? Puro kabahayan to at wala akong makitang restaurant.” Tanong ko sa kanya pagkababang-pagkababa ko.

Hindi pa man siya nakakasagot ay may lumabas na medyo katandaang babae na nakaduster na floral. “Rich, nandyan ka na pala. Ayan ba yung sinasabi mo? Tamang-tama kakatapos lang namin magluto ng mga kapatid mo. Pumasok na kayong dalawa at doon na tayo magkwnetuhan.”ngumiti ito sa akin bago naunang pumasok sa kahoy na bakod na nakaharang sa loob ng bahay.

“Nanay ko.” Aniya.

Pumasok na kami sa loob. Simple lang ang bahay na iyon ang nakakapagdala lang ay ang mga halaman na halatang alagang-alaga at iba’t-ibang kulay na bulaklak na nakatanim pagkapasok mo sa loob ng bakuran nila. Ang presko ng dating at parang makakaamoy ka ng sariwang hangin kahit na nasa siyudad ka. Siguro ang sharap tumira dito dahil makakalimutan mo ang problemang dinadala-dala mo.

Pagkapasok namin sa loob ganon din ang kulay ng mga pader. Green. Mahilig sila sa berde dahil pati kurtina at iba pang muebles ay berde din. Sa kahoy na upuan ay nakaupo ang isang medyo kasingtandaang lalaki na nakaputing t-shirt at shot habang nakadekwatro at nagbabasa ng dyaryo. Ibinaba nito iyon ng tumikhim si  Sir Montello sa tabi ko habnag hawak-hawak ang bewang ko. “Tay, si Jasmin po.” Pakilala niya sa akin.

Ngumiti ako ng akward at bumati dito. “Good evening po.” Sabay tungo ko.

“Ayan na ba yung lagi mong kinikwento sa amin Rich?” tanong ng isang lalaking may labit-labit na sanggol.

“Tumahimik ka dyan, kuya.”  Tumingin ako kay Sir Montello (Rich) na namumula ang mga tenga habang nagkakamot ng kanyang batok.

“Maganda pala talaga siya, Kuya Rich.” Isang teen ager na babae na mahaba ang buho ang lumabas sa isang kwarto ng bahay habang nakangiting nanunukso.

“Kayo talaga tigilan niyo na ang kapatid niyo minsan lang yan magdala ng babae dito pero puro tukso ang inaabot niya sayo.” Tumayo ang Tatay ni Sir Montello at tumingin sa akin na para bang pinag-aaralan lahat ng sulok ng katawan ko. “Pasensya ka na sa kanila, Iha. Maiigi pa tumungo na tayo sa hapag-kainan at baka nagugutom ka na.” Seryoso niyang sinabi iyon. Parang napakastrikto nitong tao dahil nanahimik ang mga kapatid ni Sir Montello at kasama din siya.

Sumunod kaming lahat sa kanya at naabutan ang Nanay niya na naghahain kasama ang isang matandang babae. “Maupo na kayo.” Sabi nito.

Hinila ni Sir Montello ang upuan sa dulo para paupuin ako habang siya naman ay sa kanang tabi ko umupo. Katapat ko ang mga kapatid niya at ang nanay niya. “Bakit hindi mo isinama si Em-em, Rich?”Tanong ng Tatay niya.

“Busy daw siya ngayon sabi niya, Nakakahiya namang pilitin.” Sagot nito habang nilalagyan niya ng kanin ang pinggan ko. Ibig sabihin laging nandito si Ma’am Em-em at pansin ko parang close na close sila ng Pamilya niya dahil hindi siya hahanapin kung hindi. Pilit kong kinukuha iyon sa kanya dahil nahihiya ko pero pilit niyang inilalayo iyon at siya talaga ang may gustong pagsilbihan ako. “Hayaan mo na ako, Please!” Bulong niya na agad ikinapula ng pisnge ko.

“Sabi ni Rich may emergency kang pinuntahan nung sabado kaya hindi ka nakapunta at tanging ikaw lamang ang wala sa mga katrabaho at kaibigan niya. Excited pa naman kaming makilala ka.” Bakas ang dissapoinment sa boses ng Tatay ni Sir Montello.

“Pasensya na po.”

Pagkatapos non ay nilagyan niya ng Adobong Manok, Menudong gulay at Afritadang baboy ang pinggan ko. Napakaraming putahe ng inihanda nila. Hiyang-hiya talaga ako sa tuwing naiiisp ko ang pangiindian ko sa kanya nung sabado lalong-lalo na sa pamilya niya.

“Iha, anong trabaho ng mga magulang mo? May kapatid ka ba?” Tanong ng Nanay niya. Kung ang Tatay niya ay halatang masungit at Strikto, baligtad na baligtad iyon sa kanyang Nanay na laging nakangiti na nakakahawa. Alam ko na kung kanino siya nagmana ng killer smile kundi sa Nanay niyang kitang-kita ang ganda sa bawat angulo nito kahit medyo maedad na.

“Uhm- yung Mommy ko po ay graduate ng psychology pero mas pinili na po ang pagiging housewife niya simula ng ikasal sila ng Daddy ko. Si Dad naman po ay architecture.” Iniinterview na nila ako at naiilang ako dahil don kaya sa pagkain nalang ako tinuon ang pansin. “Wala din po akong kapatid.” Halos ibulong ko na iyon dahil parang naiinggit ako sa pamilya nila at parang ang saya-saya pag may kalokohan kang mga kapatid na walang-wala at hinding-hindia ko magkakaroon.

“Nay, baka hindi na maulit ang pagdidinner niya dito kung ngayon palang pinepressure niyo na siya sa mga tanong niyo.” Hinawakan ni Sir Montello ang kamay ko at pinisil. Mabilis kong tinaggal ang kamay ko at itinago sa ilalim ng la mesang kahoy dahil sa hiyang nararanasan ko.

“Ayos lang.” saway ko sa kanya at pilit na ngumiti sa Nanay niya.

Natapos ang hapunan na busog na busog ako at nagkayayang tumambay sa labas ng bahay nila kung saan may maliit na kubo para magkakwentuhan. Nagdala ang isang matandang babae kasama ng Nanay niya ng tray na may Kape at Manggang hinog na hati-hati. Naiilang  pa rin ako sa kanila lalong lalo na sa Tatay ni Sir Montello dahil sa masungit nitong mukha na kabaligtaran sa mukha at ugali ng kanyang mga anak.

Pagkatapos makain ang panghimagas ay nagpasya na akong magpaalam at hindi naman sila tumutol dahil kalat na ang dilim sa langit at masyaodng lumalalim na ang gabi hindi pa naman ako nakapagpaalam kay Tita Mildred.

Tahimik lang kaming dalawa ni Sir Montello na lumabas ng kanilang bahay para tumungo sa sasakyan niyang ipinarada sa labas dahil gagamitin din naman niya kaya nagpasyang iwanan nalang muna iyon sa labas. Laking gulat ko at rinig na rinig ko ang mahihinang pagmumura ni Sir Montello pagkatapos makita ang nangyari.”Oh my god!” napatakip ako ng bibig.

Pumutok ang malalaking gulong ng Jeep Wrangler ni Sir Montello na alam kong mahal na mahal niya. “Uhm- Ihahatid nalang kita ng Taxi siguro napagtripan ng mga tambay itong sasakyan ko.” Malumanay nitong sinabi habang nagkakamot sa likod ngkanyang batok.

May tumigil sa tapat namin ni Sir Montello na SUV na kulay itim at lumabas ang isang white v-neck shirt na humahapit sa katawan niyang malalapad at nakapantalon na itim habang boots naman ang sapatos na suot nya para siyang nakatira sa ibang bansa. “Sabi na nga ba ikaw yung nakita ko e. Pauwi ka na? tara sumabay ka na sa akin mukhang nagkaproblema ang sasakyan ng kasama mo.” Tumingin ito sa gulong ng sasakyan ni Sir Montello at kitang-kita ko ang itinatago niyang mga ngiti.

Lumapit ito sa akin ng nakapamulsa at nakangisi habang ako ay tulala pa rin sa pagkakakita sa kanya. Naghuhuramentado na naman ang nagising na mga insekto sa loob ng tiyan ko ng makita ang Master nila. Feeling ko malalaglag ako sa upuan dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko at aatakihin ata ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok n’yon.

Hinawakan niya ang siko ko at iginiya papunta sa sasakyan niya na kumikinang dahil sa linis. Huli na ng pumasok sa utak ko ang sinabi niya dahil malapit na kami sa sasakyan niya at pinagbubuksan na niya ako ng pinto kaya agad akong lumingon kay Sir Montello na madilim ang tingin sa amin?

“Ahh Sir Montello, pasensya ka na. Alam kong magiging busy ka dahil papagawa mo yang sasakyan mo kaya sasama na ako sa kanya. Salamat pala ulit sa Dinner.” Sigaw ko sa kanya.

“Ingat ka. Sa uulitin.” Kumaway ito sa akin at ngumiti ng malapad.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now