"Hanga na talaga ako sa'yo."

"Huh? Saan naman?" napakunot ang noo ko sa narinig.

"Wala. Simulan ko na vlogging ha." anito at kinalkal na ang bag ko. Wala naman siyang gaanong makikita roon. Inasar niya ako nang makita ang jelly ace at mga resibo sa bag ko. Pero nanlaki ang mata nito sa lipstick ko.

"These are... These are..." nanlalaki ang mata nito nang makita ang dalawang sobrang mahal na lipstick.

"Yep." I responded with popping the P at the end.

This is getting more uncomfortable than I expected. Bubuklatin niya pa sana ang wallet ko nang may narinig kaming kumatok. Agad nitong niligpit ang mga gamit ko.

"Baka si Liz na yan." Pero napataas ang kilay ko nang makita ang iniluwa ng pinto.

Ang huklubang si Mr. Simpson!

"Wow. What a surprise to see two beautiful ladies in my office. And hey, Ms. Ignacio! It's good to see you again!" galak na galak nitong sabi.

His office?

"The feeling is not mutual po." pabalang na sagot ko dahil naaalala ko pa ang ginawa nila sa restaurant ko.

Kasunod pala nito si Ayesha na masama ang tingin sa akin. Don't tell me, makikisawasaw ang matandang ito sa issue namin ni Ayesha.

"Bagay po kayo." at humalakhak si Mr. Simpson.

Nagtakip ako ng ilong dahil baka may virus na dala ang halakhak niya. Umupo ito sa katapat na couch at ganon din si Ayesha. Naalibadbadan ako sa mukha nilang dalawa.

"I heard that the CEO already dropped you like a hot potato." anito na sinundan ng hagikhik ni Ayesha. Napataas ang kilay ko.

"Nagpapanggap pa nga yan na kapatid ni Cedrick Hutkinson. Ambisyosa." tiningnan ako ni Ayesha nang may pangungutya. Tinaasan ko ito ng kilay. 'Di yata nadala ang babaeng ito sa sampal ko.

Ano bang nangyayari? Bakit ang matandang mahabang nguso na ito ang kaharap ko at hindi si Liz. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari kaya nagpasya akong umalis muna.

"Alis na muna ako Van. Let me know pag nandito na si Liz." paalam ko na lamang at hindi hinintay na sumagot ito.

Tumayo na ako at tangkang aalis pero agad akong napabalik sa pagkakaupo ko dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at pag-ikot ng paningin ko. Oh shit! Someone spiked my drinks!

Nilingon ko si Vanessa para tingnan ang kalagayan niya pero nakatingin lang ito sa akin na tila walang pakealam.

"Van..." mahina kong anas. Hirap akong paniwalaan ang iniisip ko pero ito ang katotohanan. Kasabwat siya sa kung ano man ang plano nila!

"You see, Ms. Ignacio. Alam mo naman na matagal na akong takam na takam sa'yo pero naunahan pa ako ng Larkins na iyon! Akalain mo, napaamo mo ang demonyong iyon. Mabuti na lamang at madali ka niyang pinagsawaan." wika ng walanghiyang si Mr. Simpson.

Ilang ulit kong pinapagana ang utak ko, pilit nilalabanan ang pagkahilo. Tiningnan ko ang pinto, ilang hakbang lamang iyon at mararating ko kung magagawa kong makatakbo. Pinilit kong kinapa ang bag ko para hanapin ang cellphone ko pero agad na napapikit nang maalala kung nakanino ito.

"Ayesha, Make sure that the video will show her face clearly." sabi ni Mr. Simpson at tumayo.

What video? Anong gagawin ng mga lintek na 'to?!

"Of course." tugon ng babae habang nakangisi at inihanda na ang gagamitin.

"'T*ng ina kayo!" hindi ko alam kung lumabas ba sa bibig ko ang mura kong iyon. Mga demonyo!

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now