"I wanna be a tutubi. Nawalang tinatagong bato. Sa aking kamay. Na nahulog sa lupa. Tinuka ng manok. Na nanggaling pa sa bundok!"

Nagsimula na naman silang maglaro.

Natawa ako ng mahulog ni EJ ang bato.

"Taena Alonzo!" Reklamo niya.

Humagalpak naman sila ng tawa.

"HAHAHAHAHA!"

"HAHAHA ano ka ngayon Torres!" Pang aasar sa kanya ni Alex.

"Taena! Hindi mo naman kasi inayos ang pagpasa ng bato sa akin e!" Naasar nitong sabi kay Alex.

"Wag kang magreklamo diyan at ikaw na ang taya.." Sabi naman ni Tristan sa kanya at umupo sa dati nitong inuupuan kanina.

"Nakakainis naman e! Ikaw talagang Unggoy ka sinadya mong bitawan yung bato!" Paninisi pa nito bago tuluyang tumayo at pumunta sa likod dahil siya ang taya.

Nanood naman kaming mga girls sa kanila.

"I wanna be a tutubi. Nawalang tinatagong bato. Sa aking kamay. Na nahulog sa lupa. Tinuka ng manok. Na nanggaling pa sa bundok!" Pagkanta nila at ipinasa pasa ang bato.

Natawa ako ng muntik ng mahulog ni Nate ang bato. Hindi naman ito nakita ni EJ kaya pinagpatuloy nila ang laro habang tatawa tawa.

"Ano Ethan kaya mo pa ba?" Pang aasar ni Couz kaya natawa ako.

Nagsalubong naman ang kilay niya ng marinig niya akong tumatawa.

"Tinatawanan mo ba ako?!" Naiinis niyang tanong sa akin. Napailing iling naman ako.

"Hindi ah!" Sagot ko habang pinipigilang wag matawa.

Nakakatawa kasi nung itsura niya parang kasing nalugi kung makasimangot.

"Ano Torres! Hanapin mo na kung nasaan ang bato!" Pang aasar ni Jan Dane.

Natawa ako ng tingnan niya isa isa ang mga kamay ng kalaro niya.

"Ano ako tanga HAHAHA!" Sabi nito at humagalpak pa ng tawa.

"Unggoy! Sabihin mo nalang kung nakanino ang bato!" Sigaw ni Nate sa kanya.

Napangisi naman siya at tumingin kay Alex.

"Pangisi ngisi pa ang Unggoy!" Natatawang sabi ni Tristan at tiningnan ng pang aasar si Alex.

"Nakita kong muntik ng mahulog ang bato ni Nate kaya alam kong nasayo Gonzalez!" Nang aasar nitong sabi at humagalpak pa ng tawa.

Tumayo naman agad si Alex at napakamot sa batok niya.

"Taena naman kasi Sera e!" Naiinis nitong sabi at ibinato kay Nate ang hawak nitong bato.

"Taena! Nansisi pa ang Unggoy!" Pang iinis ni Nate kaya nagtawanan sila. Hindi rin naming mapigilang matawa nila Nick dahil sa itsura ni Alex.

"Ang pangit naman kasi ng linalaro niyo e!" Reklamo niya.

"You're the one who fucking suggest it!" Sagot ni EJ.

Napatigil naman siya at napasimangot.

"Ayoko na nga!" Sabi ni Nate at lumipat sa sofa para umupo.

Tumayo naman si EJ at tumabi sa akin.

"Ayoko na din!" Pang sang ayon niya.

Nagsitayuan naman silang lahat at umupo sa sofa. Nasa sahig kasi sila nakaupo kanina.

"Love.." Tawag sa akin ni EJ kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti ng sobrang tamis.

"Yep.." Sagot ko. Ngumiti naman siya at sumandal sa akin. Hinayaan ko naman siya. Niyayak niya ako at inayos ayos ang nagulo kong buhok.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now