Para akong sinampal ng katotohanan. Hindi ba ito naman ang gusto ko. Pero bakit ang sakit? Bakit nasasaktan pa rin ako? Hindi ba dapat, masaya na akong wala na siya sa buhay ko? Pero bakit hirap akong tanggapin na masaya na siya sa iba?

Tunog ng telepono ang nakatawag ng pansin sa akin. Sa sobrang lakas ay napabalikwas ako. Tiningnan ko ang paligid at napagtantong nasa loob pa rin pala ako ng opisina ko. At wala sa storage room.

Nakaramdam ako ng relief. Mukhang nakatulog lang ako at panaginip ang lahat. Letseng panaginip. Kung anu ano kasing iniisip ko. Pinunasan ko ang mga luhang umaagos na pala sa pisngi ko bago sagutin ang tawag.

"Yanna, saan ka na?" si Rose na nasa kabilang linya.

"Papunta na, Rose. Nakatulog ako. I'll be there in twenty mins." sabi ko at nagmamadaling inayos na ang sarili ko bago lumabas ng opisina

"Ken, where's Roxy?" tanong ko sa kitchen manager ko para magpaalam kay Roxy.

"Hi Yanna. Nasa storage room." napataas ang kilay ko sa narinig. Storage room? Hindi naman siguro magkakakatotoo ang panaginip ko. 'Di ko maiwasang matawa sa naisip. Imposible.

Dahan dahan akong naglakad tungo sa storage room na tila deja vu ang pakiramdam. Tanging yabag ko lamang ang maririnig at sumalubong sa akin ang may kadilimang lugar.

Kakapain ko sana ang switch ng ilaw nang marinig ko ang boses ni Roxy. Napatigil ako dahil ganito rin iyong nangyari sa panaginip ko.Pero parang bigla akong nawalan ng lakas ng loob na silipin siya at kung sino man ang kasama niya.

"Sabi ng secretary mo, wala ka daw. Di ko alam kung saang lupalop ng mundo kita hahanapin." wala akong narinig na tugon mula sa kausap nito. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong may katawagan lang ito at humakbang na palapit pero muli napatda ako sa binaggit niyang pangalan.

"Alam mo Draku, busy din ako ano? Napapagod din ang katawang lupa ko." pagtataray nito.

Si Drake ang kausap niya sa phone at hindi ko alam ang dapat kong mararamdaman. No. Again. Wala na dapat akong pakealam sa lalaking iyon at kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Hindi na ako dapat magpa-apekto nang ganito.

"Sige na. Mag-file na ako ng leave. Demanding, sobra!" naging duwag ako sa narinig at nilisan na ang lugar na iyon.

***
"Yanna, you sure you don't want to extend your contract again for  at least another six months?" tanong sa akin ni Rose habang magkausap kami.

"Rose, in the first place, hindi ko talaga gusto mag-extend." sagot ko. "I think I've had enough in this industry. Sinubukan ko lang naman, naging masaya at the same time challenging ang buhay artista but I'm done. I'm really grateful with the roller coaster journey but I just want my private life back. Hope you understand." malumanay kong paliwanag.

"I do. Nanghihinayang lang talaga ako sa' yo. Ang daming offer na naka-linya sa'yo. Ikaw ang napipisil nila na bumida sa bida kontrabidang remake ng isang Mexican teleserye."

"Really?" natawa ako sa narinig. "Ako magiging bida?"

"Yeah. You have established a strong, courageous and tough character in the eyes of our viewers as well as the producers. You might want to reconsider. Ngayon pang abot kamay mo na ang tagumpay."

"The offer is tempting but still a no." I smiled at her.

"Alright. I respect your decision. I really hope you all the best. Make the best out of your one week remaining. Don't do something stupid. If you wish to go back, I'll accept you with my open arms." napangiti ako at nag-init ang sulok ng mata. Agad ko siyang niyakap na alam kong ikinabigla nito.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now