KABANATA 9: "First Date"

1.7K 22 0
                                    

                      "KABANATA 9"
                         "First date"
···Kris···

Pauwi na ako ngayon. Grabe matapos naming mag-usap ni Jaypee? Pakiramdam ko nabunutan ako ng napakalaking tinik sa dibdib ko. Naging mahalagang parte ng buhay namin ni Lola Elay si Jaypee, at ayokong namang masayang lang yun ng dahil lang sa akin. Maswerte ako at naintindihan niya ako. Mas pinahalagahan niya yung pagkakaibigan namin at pagkakaibigan nila ni Arexon. Bago kami maghiwalay, ay hiningi niya yung number ko na agad ko namang binigay. Masaya ako, masayang masaya! Hindi ko akalaing bubuti ng ganito ang tadhana para sa akin.

Marahil ay ginagabayan ako ni Lola. Sino bang mag-aakalang magkakagusto sa akin ang isang Arexon Alcaraz? Gwapo! Mayaman! Lahat na halos ay nasa kanya na. Ano bang malay ko na dahil sa problema ko kung paano ko maibuburol ng maayos at maipapalibing ang lola ko ay makikita at matatagpuan ko ang lalaking mamahalin ko at makakasama ko sa habang buhay?
Isa pa, napakabuti ng mga magulang niya. Hindi sila mapanghamak na tao. Kahit napakayaman na nila ay down to earth pa rin sila. Kaya siguro sila pinagpapala. Siguro ay mas mabuting aminin nalang namin ni Arex na noong una ay binalak niyang maging contract wife lang ako para hindi siya ipakasal kay Jessa Martin na yun. Ayokong manloko ng tao. Lalo't napakabuti sa akin. Isa pa, alam kong maiintindihan siya ng magulang niya.

"Hello Arex?"

"Nasaan ka na? Umuwi ka na. Namimiss na kita." Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ang totoo ay nag-jeep lang ako. Ihahatid na sana ako ni Jaypee kaso tumanggi ako. Gusto ko rin kasing daanan muna ang bestfriend kong si Jenny.

"I miss you too Arex. Pero pasensiya ka na ah? Baka ma-late ako ng mga one hour? Nakapag-usap na kami ni Jaypee."

"Oh? E bakit magtatagal ka pa? Magkasama pa ba kayo?" Tss. Nagseselos na naman ito.

"Hindi po! Kanina pa kami natapos mag-usap. Okay naman sa kanya naiintindihan niya, kaso dadalawin ko lang sana si Jenny?" Narinig ko pa yung pagbuntung-hininga niya sa kabilang linya.

"Okay, pero kasi miss na talaga kita e, ganito nalang? Susunod nalang ako dyan ah? Tapos date tayo?" Date? Kung sakali ito yung first date namin bilang magkasintahan! Grabe, kinikilig ako. Sa edad kong ito ngayon lang ako kinilig ng ganito. Aaminin ko noong si Jaypee pa ang gusto ko kinikilig din ako pero hindi tulad ngayon. Para akong teenager na hindi mapigilang mapatili ng lihim
                                                                     
"Okay kita nalang tayo dun." Mainam na rin siguro na magkausap kami ni Arex. Para masabi ko din sa kanya yung balak kong pag-amin sa mga magulang niya.

"Take care okay."
        
"Jenny! Namiss kita!" Agad kong niyakap ang bestfriend ko.
"Kris? Grabe, ang ganda mo ah? Yayamanin! Haha."

"Sira! Kamusta?"

"Heto mahirap pa rin! Pero keri lang! Ikaw ah? Ganda mo lalo ah?" Bigla tuloy akong nalungkot. Naguiguilty ako..

"Oh e bakit para kang namatayan diyan?"

"Jenny! Nagui-guilty kasi ako ee."

"Ha?"

"Kasi ako, kita mo medyo gumanda na yung takbo ng buhay ko, pero ikaw.." Wala na. Hindi ko na mapigilan yung luha ko.

"Ano ka ba naman Kris! Ano bang dapat mong ika-guilty? Mas nauna mo lang mahanap ang swerte mo, huwag kang mag-alala! Dahil isa sa mga araw na ito? Magsusuot na rin ako ng damit na ginto." Alam ko namang pinapagaan niya lang ung loob ko e.

"Jenny."

"Kris, alam mo masaya ako sa naging takbo ng buhay mo. Masyado ka ng maraming naging pagsubok sa buhay. You desert it! Haha naks napapa-english tuloy ako oh?" Haha, naman oh! Epic minsan lang mag-English itong si Jenny pero palpak pa. Napahagalpak tuloy ako ng tawa.

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Where stories live. Discover now