KABANATA 22: "Carmela"

804 16 0
                                    

                   KABANATA 22                 "Carmela"

···Jenny···

Nandito na kami sa liblib na lugar dito sa Bulacan. Ni hindi ko na alam kung nasaan na ba talaga kaming parte ng bulacan dahil sa kaiisip at kaka-dasal na sana ay si Kris na ang makita namin.

"Jaypee malayo pa ba tayo?" Tanong ko kay Jaypee na nasa Driver's seat.

"Isang kanto nalang, malapit na tayo." Shit! Alam kong lahat kami kinakabahan. Buti na nga lang pala at hindi muna namin sinabihan si Arexon, kung kami nga sobra na ang kaba, paano pa kaya siya na sobra at mas higit na nasaktan dahil sa pagkawala ng kaibigan ko. Pero takte, kung si Kris nga yung babaeng tinutukoy nung imbestigador ni Jaypee? Paanong nakarating dito si Kris?

"Hon." Medyo nawala yung kabog ng dibdib ko nung hawakan ni Lucas ang kamay ko.

"Tae, ang tames ninyo!" si Bladd.

"Inggit ka lang!"

"Mga pare kinakabahan ako! Putcha, para kong matatae haha. Paano pala kung si Kris nga yun? At paano kung hindi? Langya." Tama si Kevin. Yun din ang nararamdaman ko ngayon. Ayokong madisappoint.

"Nandito na tayo." Nung sa wakas e huminto si Jaypee sa tapat ng isang kubo?

"Teka, Jaypee tama ba yung address na pinuntahan natin?"

"Oo sabi ni Danilo dito daw yung bahay nung sinasabi niyang babaeng kamukha ni Kris." Waah! Kimakabahan na talaga ko. Pagbaba namin ay may nakita kaming palabas na isang matandang babae.

"Magandang araw po? Lola pwede po bang magtanong?" Lumapit ako kay Lola at nagmano.

"Bakit mga anak? Nawawala ba kayo?" Tanong niya samin habang inaayos yung bota na suot niya. Grabe, nagtatrabaho pa rin siya kahit na matanda na siya. Naalala ko tuloy si Lola ni Kris.

"Ah, ee hindi po. May hinahanap po kasi kaming kaibigan. Eto po oh? Baka po nakita ninyo siya." Pero hindi pa naiaabot ni Jaypee yung litrato, may lumabas pang isang babae sa kubo kung saan lumabas si Lola.

"Lola Idyong? Nakasaing na po ako? Tara na."

"Kris?" Natukop ko pa ng kamay ko yung bibig ko dahil sa pagkabigla. Tama si Jaypee. Kamukha nga ng babaeng ito si Kris. O mas tamang sabihing ito nga ang kaibigan ko? Isang paldang hanggang sakong ata ang suot niya at isang t-shirt na halatang hindi kanya dahil sa sobrang kaluwangan. May suot din siyang sumbrero. Mas maikli na ang buhok niya na hanggang balikat nalang. Pero siya si Kris! Alam kong siya ang kaibigan ko! Kahit ano pang isuot niya! Kahit mag-gupit lalaki pa siya!? Alam kong siya ang kaibigan ko! Hindi ko napansing umiiyak na pala ako. Bakas pa din ang pagkabigla sa mukha nila Kevin. Lalo't higit si Jaypee na umiiyak na ring gaya ko. Dahil sa sobrang saya, pagkabigla, at pagkamiss ko kay Kris ay nilapitan ko agad siya at niyakap habang patuloy parin ako sa pag-iyak. "Kris, paano kang napunta rito? Bakit ka umalis? Miss na miss kita! Ano bang iniisip mo at dalawang buwan kang nagtago?! Hindi mo man lang ako naalala na baka nagaalala ako sayo! Kaming mga kaibigan mo, lalo na si Arex."

"Teka lang Ate hindi ako si Kris. Ako si Carmela at hindi Kris ang pangalan ko." Dahil sa sinabi niya ay napabitaw ako. Carmela? Ano bang sinasabi niya?

"Kris naman ee! Ano bang sinasabi mo?" Lalo tuloy akong napaiyak e.

"Lola Idyong, sino po ba sila?" Teka hindi ba siya nagbibiro?

"Kris ako ito si Lucas. Yan si Bladd, si Kevin. Yang yumakap sayo hindi mo makilala? Si Jenny yan!? Bestfriend mo! Ano ba? Nagbibiro ka ba? Ito si Jaypee! Naaalala mo ba siya?" Grabe pati si Lucas, naiiyak na rin.

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon