KABANATA 24: "Amnesia"

959 15 0
                                    

KABANATA 24
"Amnesia"

···Arexon···

Matapos akong kausapin nila daddy at mommy kagabi ay mas lalo ko lang namiss si Kris. Paano ko ititigil ang pag-inom kung ito lang ang tanging paraan para maibsan ang pangungulila ko sa kanya? Fuck! Dalawang buwan na! Mahal ko, nasaan ka na ba? Kinalimutan mo na ba ako? Bakit natitiis mo ako? Kahit naman hindi ko pa alam na wala talagang nangyari sa inyo ni Jaypee tanggap naman kita ah? Pero bakit mo ako iniwan? Bakit mo natiis na hindi magpakita sakin? Inilang lagok ko lang yung brandy na hawak ko. Ilang bote na bang alak ang nainom ko? Ilang bote pa ba ang kailangan kong ubusin para lang mawala itong sakit na nararamdaman ko! Paano na ako?! Paano ang buhay ko ngayong iniwan na ko ng tanging babaeng umukit sa puso ko? Tae! Minsan na nga lang magmahal at magseryoso?! Ganito pa? Haha nakakatawa. Saklap ko na! Mapait nalang akong napapangiti.

"Pare." Si Lucas.

"Oh Lucas? Napasyal ka? Gabing-gabi na ah?"

"Arex, lasing ka na naman." Si Bladd.

"Oo nga Pare may surpresa pa naman kami sayo." Si Kevin.

"Tsk. Gusto mo bang makita ka ng bestfriend ko ng ganyang ayos ha Arex?" Si Jenny.

"Wow! Si Kris nalang ang kulang at kumpleto na tayo ah? Haha." Damn! Bakit ba ang babaw ng luha ko? "Tell me Jenny? Uuwi na kaya siya kung mababalitaan niyang patay na ako? Uuwi na kaya siya kung malalaman niyang naaksidente ako? O uuwi kaya siya k-kung, fuck! Kelan ba uuwi ang mahal ko?! Miss na miss ko na si Kris! Mahal na mahal ko siya at hindi ko na talaga kaya." Napaupo nalang ako. Tumawa, umiyak ako sa harap nila. Alam kong naaawa sila sakin pero wala na akong pakialam, sobrang sakit na e!

"Arexon?" Oh? Pati si Jaypee? Close na ba silang lahat?

"Oh? Jaypee? Kamusta?"

"Pare."

"Halika! Magsaya tayo! I-celebrate natin ang tagumpay mo! Napaghiwalay mo na kami ni Kris."
                                                                   
"Pare tama na lasing ka na e." Awat sakin ni Lucas.

"Fuck! Problema mo? Namiss ko lang naman itong kaibigan natin. Hindi ba Jaypee?" Oo napatawad ko na si Jaypee pero ngayon lang ulit kami nagkaharap ng personal at aminado ko, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Parang mas lalong bumalik ang sakit.

"Arex, may mahalaga kaming sasabihin sayo." si Lucas na seryoso ang mukha. Problema ng mga ito?

"Oh ano pa bang mas mahalaga kay Kris?" Balik kong tanong kay Kevin.

"Nakita na namin si Kris." Si Bladd.

"Shit! Huwag niyo akong pagtripan ah! Hindi magandang biro yan! Huwag ninyo akong paasahin!" Nanta ko sa kanila.

"Pero Arex, seryoso kami. Ako mismo ang nakakita kay Kris, at nakausap namin siya." Dahil sa sinabi ni Jenny kaya kumabog ang dibdib ko. Shit! Si Kris.

"Damn it! Where is she? Anong sabi niya? Fuck! Nasaan si Kris!" Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko! God knows kung gaano ko kamiss ang mahal ko!

"Relax pare. Nag-hire si Jaypee ng private investigator at nalaman naming nasa bulacan si Kris. Kagagaling lang namin doon." Si Bladd. Teka si Jaypee? Siya ang nakahanap kay Kris?

"So ikaw ang nakahanap kay Kris? Jaypee sumagot ka! Bakit hindi ninyo pa siya kasama!" Pakiramdam ko nawalang bigla yung tama ng alak sakin! Pinagpapawisan na ako ng malagkit pero wala na akong pakialam!

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon