KABANATA 26: "Reminiscing"

895 14 0
                                    

KABANATA 26
"Reminiscing"

···Kris···

Pagkababa ko pa lang sa sasakyan ni Arex ay pigil na pigil ko ang mga luha kong kanina pa ibig lumabas. Alam kong kaunting panahon lang yung nilagi ko dito bago kami magkahiwalay, bago kami magkalayo at bago ako umalis dahil sa mga nangyari, pero pakiramdam ko ang tagal na ng ginugol ko dito. Siguro ay dahil bukas palad akong tinanggap ni Arex, nila Daddy Ramon, ni Mommy Julieta. Hindi nila ko itinuring na iba. Kung natuloy lang siguro ang kasal namin ay baka masaya na kami ngayon ni Arex. Hindi na sana kami nasaktang dalawa dahil sa pagkakalayo namin. Pero gaya nga ng sinabi ko, siguro ay nangyari ito para mapagtibay kami.

"Mahal? God! Bakit ka umiiyak?" Ha? Umiiyak? I thought? Akala ko napigil ko pero napangiti nalang ako ng mapakla. Parang may sariling mga isip ang luha ko. Iniharap ako ni Arex sa kanya at pinahiran ang mga luha kong naglalandas na sa mukha ko. "Siguro natatandaan ng puso mo na dito ka nakatira ano?" Nginitian ko nalang siya. "Hayaan mo mahal after ka makita nila Mommy, may pupuntahan tayo."

"Ha? Saan naman?"

"Basta hindi ba sabi ko sayo ipapaalala ko sayo na nagmamahalan talaga tayo?" Siya na ang lapad ng ngiti. Nagtataka man ay nginitian ko nalang ulit siya. Tama si Jenny. Less talk, less mistake. Di pa man kami nakakalayo mula sa garahe ay sinalubong na kami ni Mommy Julieta. Sa sobrang pananabik ko sa mommy ni Arex ay muntik ko na siya matawag na mommy! Kainis ang hirap mag-panggap!

"Kris! Ikaw nga! God, bagay sayo ang buhok mo!" Grabe ang higpit ng yakap ni mommy sakin, pakiramdam ko hindi na ko makahinga.

"Mom, stop it! Di na makahinga si Kris oh?" Buti nalang at sinabi ni Arex talagang hindi na ako makahinga sa higpit ng pagsalubong niya sakin.

"Sorry anak. How are you? Saan ka ba naman nagpuntang bata ka! Kung nakita mo lang si Arex nung araw ng kasal niyo, noon ko napatunayan kung gaano ka niya kamahal. Akalain mo bang mag-antay ng tatlong oras sa simbahan? At grabe umiyak pa talaga!"

"Mom! Ano ba? Huwag mo na ngang i-kwento. Isa pa wala ngang maalala si Kris hindi ba?" Ramdam na ramdam ko yung lungkot sa boses ni Arex. Naguilty na naman tuloy ako, ni ayokong isipin kung ano ang itsura ni Arex habang inaantay ako sa harap ng altar.

"Oh, sorry about that Kris pero kung ang isip nakakalimot, ang puso ay hindi, tatandaan mo yan ah? Teka bakit ba ang tahimik mo?"
                                                                   
"Po? Ano po kasi."

"Ah,ee Arex pwede mo ba kaming iwan ni Kris? Gusto ko lang siyang makausap."

"Okay mom. Magpapalit lang din muna ko ng damit, bilisan mo lang mommy ah? May pupuntahan pa kami e." Umakyat na si Arex pero kinakabahan ako. Yung tingin kasi ni Mommy.

"Hindi ko alam kung bakit ka nagpapanggap Kris pero alam kong wala kang amnesia."

"Po?"

"You heard me.."

"M-Mommy."

"Kilala kita Kris nung tingnan mo si Arexon kanina kitang-kita ko yung pagmamahal. Kitang-kita ko na nasaktan ka nung nalungkot siya ng banggitin ko yung tungkol sa pagaantay niya sa altar."

"Mom." Ano ba yan! Wala akong makapang sabihin! Waah what to do? Buking! Baka magalit siya sakin!

"Kris ano man ang dahilan mo ay hindi ako tutol, pero sana huwag mo ng pahirapan si Arexon. Sobra na yung sakit na pinagdaanan niya walang araw na hindi yan lasing buhat nung mawala ka. Ramdam na ramdam namin ng daddy ninyo ang paghihirap niya. Sana ay magkaayos na kayo."

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Where stories live. Discover now