KABANATA 18: "Possessive"

1.1K 17 1
                                    

    KABANATA 18
    "Possessive"

···KRIS···

Grabe! Ang daming cakes! Alam kong matutuwa din si Jenny kaya naman tinawagan ko agad siya.

"Mahal bakit kaya ang tagal niyang sagutin?" Tsk. Ano ba naman si Jenny! Bakit ang tagal sumagot?

"Mahal, baka busy? Alam mo na baka magkasama pa sila ni Lucas."

"Oy hindi ah?! Kilala ko si Jenny, hindi yun agad bibigay! Kahit pa ubod ng gwapo ni Lucas."

"Tsk. Gwapo? Yung churang yun? Mas gwapo ko dun mahal." Ito talagang si Arex, kahit kailan kung magselos oo!

"Mahal naman ee! Ibig ko lang sabihin, may tiwala ako sa bestfriend ko."

"Ee bakit nasali yung itsura ni Lucas? Crush mo siguro yung lokong yun!"

"Hmmmp. Ewan ko sayo Arex! Pati kaibigan mo pinagseselosan mo!" Aisst ano ba yan, ang saya-saya ko pa naman tapos itong si Arex ang lakas manira ng mood. Magseselos na nga lang kay Lucas pa! Pero bigla nalang niya akong niyakap. Napatingin ako sa paligid. Sobrang lakas din ng tibok ng puso ko. Ang daming staff na nakatingin kaya pinamulahan ako ng mukha.

"Awww ang sweet ni Sir Arexon."

"Ang swerte ni Ma'am Kris."

"Mahal, sorry na. Nagseselos lang ako. Kasi naman gusto ko ako lang ang gwapo sa paningin mo."

"Mahal. Kahit gaano pa karaming gwapo ang iharap mo sakin. Ikaw lang naman ang mamahalin ng puso ko, kasi ikaw lang naman ang nakikita nito." Nung hinigpitan niya yung yakap sakin? Napalunok ako kasi naman ramdam ko na yung hininga niya sa batok ko. "Mahal, umayos ka nga! Nakikiliti ako e! Isa pa pinagtitinginan na tayo."

"Sssh. Five minutes. Damn. Tama bang kiligin sa harap ng maraming tao?" Kinikilig? Siya? Napangiti ako. Buti nalang sinagot na ni Jenny yung tawag ko.

"Kris? Napatawag ka?"

"Nasaan ka? Nakauwi ka na ba?" Kyaaah, nakakainis si Arex! Hanggang ngayon nasa batok ko pa rin yung mukha niya! Naiilang ako. Pero teka bakit ba nauutal itong si Jenny? May narinig akong boses ng lalaki sa kabilang linya. "Lucas? Magkasama pa rin kayo?"

"Yup magkasama pa kami."

"G-ganun ba? Pwede bang pakihatid nalang si Jenny dito sa hotel nila Arex?" Bwisit! Tiningnan ako ni Arex na parang sinasabing SEE? Bwisit na Jenny lagot talaga siya sakin!

"Sa hotel nila Arex? Okay papunta na kami. Hintayin ninyo kami."

"Sige, salamat Lucas."

"Okay Kris."

"Lucas ingatan mo yang Bestfriend ko!"

"Yes of course, mahal ko siya kaya iingatan ko. Okay. Bye." Ano daw? Mahal niya? Agad?!

"Oh anong sabi ko sayo Mahal?" Letche yung tingin ni Arex nangaasar! Oo na mali na ako! Hindi ko pala talaga kilala ang bestfriend ko! Kyaaah! Landi mo Jenny! Inunahan mo pa ako!

"Tse! Oo na! Kaso Arex totoo kaya yung sinabi ni Lucas? Mahal daw niya si Jenny."

"Oh? Really? Hindi mo pa ba sila napansin kagabi? Attracted sila sa isa't-isa. Yun lang mukhang may nangyari na dalawa. Tsk. Daya! Inunahan pa ako ng gago!"

"Ano?"

"Ha? Wala hehe, sabi ko tikman mo na yung mga cake! Hehe."

"Hihintayin ko na si Jenny mahal. Yung babaeng yun, aisst pasaway!"

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon