KABANATA 3: "Helping with Benefits"

2.5K 44 4
                                    

KABANATA 3
"Helping with Benefits"

···KRIS···

Nakalabas na ako ng ospital ng may pumaradang BMW sa harap ko. Teka! BMW? Parang sa mga pelikula lang! Kung ito man ang susundo sa akin first time kong makakasakay sa ganito kaganda at kamahal na sasakyan! Hanggang jeep at tricycle lang kasi kami. Paano naman kaming makakasakay sa ganyang kagarang sasakyan? Sa estado ng buhay naming mas mahirap pa sa daga ay panaginip lang kung makakasakay kami sa ganitong sasakyan!

"Kayo po ba si Miss Kris Asuncion?" Tanong nung driver.

"A-ako nga po."

"Ipinapasundo po kayo ni Sir Arexon. Sakay na po kayo." Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng sasakyan! Nakakahiya man pero sumakay na din ako. Ganito siguro ang mga mayayaman. Ang bango ng sasakyan. Ang ganda sa loob. Napabuntung-hininga nalang ako. Kahit kailan ay hindi nakasakay sa ganito angl lola ko. Pinilit kong ngumiti kahit naiiyak na ako. Mamimiss ko si Lola pero kailangan kong magpakatatag. Itinuon ko nalang ang mga mata ko sa daan. Ang gaganda ng bahay sa lugar na dimaraanan namin. Parang sa pelikula at sa mga telebisyon ko lang nakikita! Nakakainggit. Nalibang ako sa dinaraanan namin kaya hindi ko namalayang huminto na kami.

"Ma'am nandito na po tayo." Halos mapanganga ako sa laki ng bahay kung saan kami naroon ngayon. Grabe! Bahay ba ito? Mansion? Hotel? Sobrang ganda!

"Manong tama po ba itong pinuntahan natin? Hotel po ata ito eh." Tatawa-tawa lang si Manong.

"Opo Miss Kris hehe. Tuloy po kayo." Halata namang nagpipigil ng tawa si Manong. Pssh. Nako pasensiya siya eh ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking bahay e. Yung bahay kasi namin barong-barong lang. Butas-butas at isang malaking bagyo lang ay tatangayin na ang buong kabahayan. Mukhang mas maganda pa nga yung kulungan ng aso dito kaysa sa tinitirhan namin. Pumasok ako sa loob pero parang nanliit ako. Sobrang ganda ng mga paintings. Ang daming magagandang kagamitan! Yung sofa parang hindi inuupuan! Yung mga lamesa at upuan ang kikintab! Parang hindi dinadapuan ng langaw o alikabok ang bahay na ito. Nakakahiya naman itong suot ko. Mas maganda pa yung uniform ng mga katulong dito. Haist. Nasaan na kaya si Sir Arexon? Yeah dapat Sir Arexon na ang itawag ko sa kanya.

"Kayo po ba si Miss Kris Asuncion? Ako po si Manang Pacita. Mayordoma po ako dito. Sumunod po kayo ihahatid ko po kayo sa kwarto ni Sir." Grabe may mayordoma pa? Bongga! Sumunod naman ako pero grabe habang papunta kami kay Sir Arexon para akong naglalakad sa isang museum. Grabe makakamangha! Kung may cellphone lang akong may camera nagpapicture na ako dito. Kaso bakit puro katulong lang yung nandito? Wala akong nakiktang ibang tao? Wala na kaya siyang pamilya? Imposible. Nakarating na ata kami kasi huminto na sa tapat ng isang kwarto si Manang Pacita. Kumatok muna siya sa kwarto. "Ah Sir Arex, nandito na po si Miss Kris Asuncion?"

"

Papasukin mo na siya." Narinig kong hiyaw mula sa loob.

"Paano po Miss Kris maiwan ko na po kayo dito." Kinakabahan ako. Pero mas nanaig yung kagustuhan kong maiuwi na ang labi ni Lola ko sa Morgue ng ospital. Kumatok ulit ako at pumasok.
Sana talaga. Sana siya na ang sagot sa mga dasal ko.

···Arexon···

Hindi ko inaasahang tatawagan ako ni Kris. I smile like an idiot. Kris Asuncion pala ang pangalan niya. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Parang tanga lang pssh. Remember the girl who's crying on the hospital dahil namatay daw yung lola niya? And the one na may kasalanan kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Damn. Hindi siya maalis sa isip ko! Kaya nga nung tumawag siya kanina medyo hilo pa ako. Isama mo pa yung pananakit ng katawan ko dulot ng aksidente ko kagabi. Medyo matagal bago ko siya matandaan dahil sa sobrang antok but the fuck! When I recognize her kulang nalang mapatalon ako sa higaan! Shit. Her voice para akong tanga but there's something special with her na hindi ko mapangalanan. Hinihintay ko siya ngayon. Pinasundo ko siya kay Manong Eddie. Sa totoo lang naiinip na ako. I don't know? Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang tulungan. Ang gusto niya sana ay magkita kami sa ospital kaso feeling ko hindi ko kaya dahil bugbog nga yung ibang muscles ko sa aksidente. Bwisit kasing Jessa yun. Sila Lucas, Kevin, Jaypee at Bladd abot ang text at tawag ng balitaan kong naaksidente ako pero sinabi kong huwag na nila akong dalawin dahil okay naman na ako. Isa pa kailangan kong magpahinga. Bubugukin lang ako ng mga ungas na yun ee tsk. Pero aaminin ko kagabi habang nagpapantok ako. Hindi ko maiwasang isipin Kris. Hindi lang dahil sa hindi siya mawala sa isip ko pero biglang pumasok sa isip ko ang  ideyang bakit hindi nalang kaya siya ang alukin ko bilang Contract Wife ko? Mukha naman siyang mabait. Alam kong hindi siya mapagsamantala. Paano nga kaya? Papayag kaya siya? Alam kong kailangan niya ng tulong at pwede kong gawing kapalit iyon ng tulong na hihingin niya. Alam kong mali na gamitin ko ang kahinaan niya pero wala na din akong choice. Kailangan ko din ng tulong! Kaya grabe ang saya ko nung tumawag siya. May posibilidad na kasi na may maging solusyon na din sa problema ko. Naalala ko na naman tuloy si Daddy kagabi. Aist bakit ba kasi kating-kati sila na magasawa na ako?

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora