KABANATA 23: "Truth"

965 17 1
                                    

KABANATA 23
"Truth"

···Jaypee···

Alas kwatro na ng hapon ng sa wakas ay dumating na rin si Kris.

"Lola Idyong? May uwi po akong--- Ano pang ginagawa ninyo dito? Sinabi ko na hindi ba? Hindi ako ang hinahanap ninyo!" Nabitawan niya pa yung mga dala niyang manggang hinog dahil sa gulat ng abutan niya pa kami dito. Shit! Alam kong ikaw yan Kris. Nagtatago ka lang. Nagpapanggap.

"Kris, huwag ka ng umarte. Alam naming ikaw yan! Kris naman e, miss na kita." Si Jenny na mahahalata mo ang pagtatampo.

"Apo hindi mainam sa tao ang magkimkim ng sama ng loob at galit."

"Lola ano bang sinasabi niyo. Apo ninyo ako! Ako si Carmela. Lola.."

"Tama na! Alam nating dalawa na napulot lang kita sa daan!" Nagulat kaming lahat ng sumigaw si Lola Idyong.

"Lola.."

"Kris alam naming ikaw yan naikwento na samin ni Lola Idyong kung paano ka niya nakita. Nung araw na nawala ka. Nagalala kaming lahat." Si Lucas.

"Tama na! Oo! Ako nga ito! Pero mahalaga pa ba? Ako nga si Kris! Pwede ba umalis na kayo! Iwan ninyo na ako dahil masaya na ako dito! Walang nakakakilala sakin! Walang nakakaalam ng kababuyang nangyari sakin!" Sobra akong nasaktan nung tingnan niya ako ng masama. Ramdam mo yung galit at poot sa mga mata niya.

"Kris, i'm sorry.."

"Hayup ka! Bakit nakakalaya ka pa? Ang dapat sayo ay mabulok sa kulungan! At talagang kasama ka pa nila? Sabihin niyo nga? Ganun nalang ba yun? Nakalaya siya samantalang ni-rape ako ng hayup na yan!" Natigilan kaming lahat dahil sa pagsigaw ni Kris, dinuro niya pa kaming lahat. Shit. Pati sila Bladd na walang kinalaman sa kasalanan ko nadadamay.

"Kris, alam kong galit ka."

"Oo galit na galit ako sayo Jaypee! Kaibigan kita! Pinagkatiwalaan kita! Pero ano? Hayup ka! Ikaw pa ang may kagagawan ng paghihirap ko! Sinira mo ang buhay ko! Kami ni Arex wala na. Sabi mo mahal mo ako. Kung mahal mo ako hindi mo gugustuhing masaktan ako!" Pakiramdam ko gusto ko ng mamatay! Ang sakit makitang nagkakaganyan si Kris. Dahil sa katangahan ko, dahil sa maling pagmamahal ko.

"Kris, sorry alam kong dapat lang na kamuhian mo ako. Dahil sa pagmamahal ko sayo kahit mali ginawa ko para lang mapunta ka sakin. Pero pinagsisisihan ko na yun, maniwala ka."

"At anong gusto mo? Ipagpatayo kita ng monumento dahil nagsisisi ka? Wala na Jaypee! Wala na! Sirang-sira na ako! Nung araw na pinagsamantalahan mo ako? Parang paulit-ulit mo na rin akong pinatay!"

"Pero Kris wala namang talagang nangyari sa inyo ni Jaypee!" Nagulat pa ako ng biglang sumagot si Jenny. "Sorry Jaypee pero hindi na ako makatiis e. Isa pa mainam ng malaman na niya ngayon ang totoo."

"Anong? Anong sinasabi mo Jenny?" Bakas sa mukha ni Kris ang labis na pagtataka.

"Dahil wala naman talagang nangyari sa inyo! Hindi ka nababoy! Hindi ka madumi at lalong hindi ka napagsamantalahan!" Si Jenny.

"Hon hayaan mo ng si Jaypee ang magpaliwanag." Hinila na ni Lucas si Jenny, sumunod naman din sila Kevin at Bladd pati si Lola Idyong. Ngayon ay naiwan kami dito ni Kris na walang kibo.

···Kris···

"Jaypee, linawin mo yung sinabi ni Jenny." Walang emosyon kong tanong. Shit! Dalawang buwan! Dalawang buwan akong lumayo at nagdusa. Dahil buong akala ko ay hindi na ako karapat-dapat kay Arex.

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Where stories live. Discover now